Part 43

306K 4.7K 187
                                    

TRISHA

Magdadalawang linggo na akong walang balita sa kanila. Masakit na niloko niya ako, pero mas masakit dahil mahal na mahal ko pa rin siya sa kabila nang nangyari. Miss na miss ko na
rin si Chloe. Inaalagaan kaya siya ng tatay niya?

I called the house hoping na makausap ko man lang kahit si
Chloe.

“Hello?” matamlay na bati ni Chloe.

“Baby, how are you?” Pumatak na ang luha ko.

“Mommy, ikaw ba ’yan? I miss you, Mommy! Uwi ka na, please.” Umiiyak na rin siya.

“Shhhhh… Don’t cry, baby. Miss na miss na rin kita, anak. Kumusta ka? How’s school?” Pilit kong pinasigla ang boses ko.

“Mommy, Daddy hates me na. He yelled at me the other day. Please, kunin mo na ako dito. Isama mo na ako sa ’yo, please!” Anong nangyari kay Xander at sinigawan niya ang bata?

“Baby, baka pagod lang ang daddy mo. Hindi niya naman
siguro sinasadya, anak.”

“Please come back…”

“Anak, just give Mommy time, okay? Kapag nakalabas na
sa tummy ni Mommy ang kapatid mo, pupuntahan ka namin, okay?” Hindi ko na muna ipinaalam sa kanya na kambal ang magiging kapatid niya.

“But kailan po ’yon? I want to be with you na. Ikaw na lang
ang naglo-love sa ’kin, e. Lola’s not here, and Tita Marga’s in
the States na. Tapos Dad hates me pa. Please, Mommy, come
home na.”

“Anak, be strong. Big girl ka na, ’di ba? Magkikita tayo, anak.
Promise.”

“Okay, Mommy. I love you.” Malungkot pa rin ang boses
niya.

“I love you, too, anak. Baby, don’t tell Daddy na tumawag ako,
ha?” Nagpaalam na ako sa kanya at nangakong tatawagan ulit
siya.

Katumbas nang isang araw ay parang isang linggo. Miss na
miss ko na si Xander, pero ipinagpalit niya na ako sa impaktang ’yon. Hindi niya man lang ako hinanap? Kahit ang alamin man lang kung okay ang anak namin? I wiped my tears away.

“Umiiyak ka na naman? Anak, alam mo namang makasasama
sa ’yo ’yan,” sabi ni Tita Connie.

“Sorry po, Tita. Hayaan n’yo po, okay lang ako.” Parati akong inaalagaan ni Tita na parang kapamilya niya na ako.

“Hija, ipagdasal na lang natin ang lahat ng problema mo.
Manalig ka na walang imposible sa ating Panginoon. Isipin mo
na lang na pagsubok lang ang lahat ng ’to,” dagdag pa ni Tita
Connie.

“Opo, Tita. Sana malagpasan ko ang lahat ng ito alang-alang
sa mga anak ko.”

MIGGY

Kanina ko pa tinatawagan si Tisang pero cannot be reached
siya. Saan na naman kaya nagsuot ang babaeng ’yon? Kailangan niyang malaman ang pinaggagagawa ng impakta niyang kawangis!

“’Di mo pa rin siya makontak?” tanong ng anghel ko. Umiling ako. “Saang lupalop na naman nagsuot ’yong babaeng ’yon?” tanong ko sa sarili ko.

“Paano na ’yan? Paano natin sasabihin kay Trisha ang
ginagawa ni Choleen?” Worried na rin siya sa best friend ko.

“Kokontakin din ako noon eventually. By the way, thank you sa concern.”

“Alam ko kasing mahalaga sa ’yo si Trisha. At ang mga taong
mahalaga sa ’yo, pahahalagahan ko rin.”

“Salamat, Jen. Hindi nga ako nagkamaling mahalin ka. You
have a good heart.”

“Segue rin e, ’no? Galing ng timing mo,” natatawa niyang
sabi. Alam kong malapit na niya akong sagutin dahil ramdam
kong mahal niya na rin ako.

Nasaan man ngayon si Tisang, sana ay ligtas siya. Tama
siya. Mahal na mahal siya ni Xander at tutulungan ko siya para mapanatiling buo ang pamilya niya.

Instant Mommy Ako? (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon