Part 32

350K 5.8K 218
                                    

Balak kong kausapin si Chloe, at sana maintindihan niya ako. Buti na lang wala sina Mommy at Ate.

Napagsabihan ko rin ang yaya
ni Chloe dahil parang iisang bata lang ’di pa niya mabantayan.

’Di sana’y naiwasan ang nangyari kanina. Pero paano ba ako magpapaalam kay Chloe na aalis ako?

“Baby, kung aalis ba si Mommy papayag ka?”

“Bakit, Mommy? Saan ka po pupunta? Check-up ni baby?”

“Hindi, baby. What if kailangan magtago nina Mommy at
baby sa malayo kasi sasaktan kami ng bad witch, papayag ka
ba, anak?”

Nagdadalawang-isip siyang sumagot. “Magiging safe po
kayo ni baby doon?”

“Oo naman, anak. Papayagan mo ba si Mommy na umalis?
Hindi ka iiyak ’pag wala ako?”
Nalungkot siya bigla.

“Kung para ’di kayo mahanap noong bad witch, sige po, Mommy.”

“But you have to promise Mommy na magiging strong ka at ’di ka iiyak, okay? Kasi ’pag umiyak ka, malulungkot si Mommy, pati na rin ang kapatid mo.”

“Promise po. Pero Mommy, babalik din naman po kayo agad, ’di ba? Hindi po matagal? Kasi mami-miss kita.”

“Baka matagalan, baby, e.” Pinigilan kong maluha.

“Sama na lang ako Mommy, please?” Ito na nga ba ang
sinasabi ko. Paiyak na rin siya.

“Anak, hindi pwede, e.”
Nag-iiyak na siya.

“No, Mommy! Sama ako!”
“Shhhhhh…baby. You promised na hindi ka iiyak. Gusto mo
ba na nalulungkot si Mommy?” Pinahid ko ang mga luha niya.

“But I want to go with you.”

“Anak, hindi kita pwede isama pag-alis ko.”

“You don’t love me na. Ayaw mo na rin sa ’kin, Mommy.”
Biglang pumasok si Xander sa kwarto. Patay! Ba’t ang aga
niya umuwi?

“Anong nangyayari dito? Baby, bakit ka umiiyak?” tanong
niya.

“Si Mommy kasi…”
“Ah, wala. Nagbibiruan lang kami.” Nilapitan ko si Chloe
pero yumakap siya sa daddy niya.

“Biruan lang ba talaga? Ba’t ganyan ang mukha n’yo pareho?”

“Kasi Daddy, aalis daw si Mommy. At ayaw niya ako isama.”

Pinahid ni Xander ang mga luha ng anak niya at ibinigay ito
sa yaya niya matapos niya itong tawagin.

“Don’t worry, baby.
Kakausapin ni Daddy si Mommy, okay? Tahan na, ha?”Pagkaalis nina Chloe at ng yaya niya ay hinila ako ni Xander papunta sa kwarto namin.

“Aalis ka?” Malamig ang pagkakasabi niya.

“Oo. Kailangan,” sagot ko.

“Bakit? May nangyari ba?”

“Basta kailangan ko lang lumayo sa inyo.” Ang bigat-bigat
sa loob nito.

“Ganoon lang? Basta mo na lang kami iiwan?” He was
clearly hurt. I could see the pain in his eyes.

“Ano ’to, nagising ka na lang kanina na hindi mo na kami mahal? Ayaw mo na pala?” Pumatak na ang luha niya.

“No, no. Hindi ganoon, Xander. Mahal kita, mahal na mahal.”

“Then bakit ka aalis? Hon, please, hindi ako papayag. Paano ang anak natin?”

“Kailangan lang, hon. Ayokong may mangyari sa inyo ni
Chloe.”

Instant Mommy Ako? (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon