Naging close ako lalo kina Tita Connie at Tito Mauro. Parati rin kasi akong nasa kanila. Kung anu-ano lang ang pinag-uusapan namin pero masaya ako kapag kasama ko sila.Nag-bake ako ng cake para dalhin sa kanila. I was about to go to their house nang naisipan ko munang mag-open ng Facebook account ko para kumustahin ang mga kaibigan ko.
Sobrang dami ko na palang notification at messages. Tapos napansin kong may isang nag-PM sa ’kin na hindi ko kilala. Nag-send pa ito ng pictures. I opened the message at nagimbal ako sa nakita ko.
Kilala ko sila. Ilang araw palang kaming nagkakahiwalay ay
nagawa niya na agad sa ’kin ’to. He was kissing her. Meron din na magkayakap sila at nasa loob sila ng kotse. At ang pinakamasakit, may shot na nasa iisang higaan sila. How could you he do this to me?Imposible namang hindi siya ’to dahil malinaw ang mga
kuha. Alam kong asawa ko ang kalandian ni Choleen.Kinain lang ni Xander ang lahat nang sinabi niya. Bakit ganoon? Ang dali niya namang bumigay sa impaktang babae
na ’yon. Nataranta si Ally nang nakita niya akong umiiyak.“Trisha, anong nangyari?”
“I hate him! Manloloko siya!”
“Kalma ka lang, Trisha.”Niyakap ko na lang si Ally. Kailangan ko ng lakas ngayon dahil baka kung ano pa ang mangyari sa anak ko.
Ano na ang gagawin ko? Aalis ba ako?
Mahal ko siya pero niloko niya ako. Nalilito na ako. Iyak lang ako nang iyak. Then suddenly, I felt pain sa tiyan ko.
“Aray! Ally, ang sakit! Ang baby ko!”Nataranta na rin si Ally.
Naramdaman kong may kung anong dumadaloy sa binti ko.
Nang kapain ko ito, lalo akong kinabahan nang nakita ko ang
dugo. Then everything went black.Not again..
Nagising ako nang may kamay na humahaplos sa mukha ko.
When I opened my eyes, si Tita Connie ang una kong nakita.“Kumusta, anak? Anong nararamdaman mo?”
“Ang baby ko po?” Kinapa ko ang tiyan ko. Maumbok pa
naman ’to.“Maayos naman sila. ’Wag ka nang mag-aalala.”
“Sila?”
“Oo, anak, kambal ang ipinagbubuntis mo. Matutuwa ka dahil ayon sa ultrasound, you will have a baby girl and a baby boy.”
“Kambal pala kayo? Kaya pala ’di normal ang laki ng tummy
ko.” Natutuwa akong malaman na kambal ang magiging anak
namin.Pero pumatak na naman ang mga luha ko nang naisip
ko si Xander. Matutuwa pa kaya siya ’pag nalaman niya ’to?Marahil ay masaya na siya sa pamilya niya ngayon.
“Hija, may problema ba?” tanong ni Tita Connie. Sinabi ko sa kanya ang nangyari. Gusto ko munang lumayo
pansamantala kina Xander, habang ’di pa naipanganganak ang babies ko. Saka ko na lang sila haharapin. Ayokong ilagay sa panganib ang buhay nila.“Matutulungan kitang lumayo kung ’yon talaga ang gusto
mo.”“Opo, Tita. Please po. ’Wag n’yo na lang sabihin kay Ally
dahil baka makarating pa kay Xander.”Tinawagan ni Tita Connie si Tito Mauro, at inasikaso ang
pag-alis namin habang wala pa si Ally. Umuwi kasi siya para
kumuha ng mga gamit ko. Kailangan ko munang lumayo at mag-isip. Kung sino man ang nagpadala ng mga larawan na
’yon, alam kong may motibo siya.Ayaw pa sana kami payagan ng doktor na lumabas kahit kaya
ko na naman na. Binigyan niya na lang ako ng gamot para ’di na raw ulit ako duguin.Hindi ko alam kung saan kami patungo. Wala rin akong
dalang gamit, maliban sa suot kong damit na binili ni Tita
Connie. Panatag naman akong kasama sila. Wala akong
pwedeng puntahan at lapitan kaya kakapalan ko na ang mukha ko para sa mga batang nasa sinapupunan ko.“Gising na, hija,” sabi ni Tita Connie. “Nandito na tayo, hija.
’Wag kang mag-alala, walang manggugulo sa ’yo dito.”“Nasan na po ba tayo?”
“Nasa Cebu pa rin tayo, hija. Medyo malayo lang doon sa
lugar natin dati.”“Pasensya na po kayo sa abala, Tito at Tita. Tatanawin ko
po itong malaking utang na loob. Kapag medyo mabuti na po
ang pakiramdam ko, maghahanap na ako ng trabaho para kahit papaano ay mabayaran ko ang pagtira ko dito.”“Hija naman,” sabi ni Tita Connie, “hindi kami maniningil.
Handa kaming tulungan ka. O siya, magpahinga ka na.
Makasasama sa ’yo ang pag-aalala.”“Para ka na naming anak, at saka tinulungan mo rin naman
ang Tita mo noong nangailangan siya kaya ’wag mo na isipin
’yon,” sabi naman ni Tito Mauro. Ang bait naman nila.Hinatid ako ni Tita Connie sa kwarto ko, saka siya nagpaalam at magluluto raw siya nang makakain.
Nang mag-isa na ako ay naalala ko na naman ang mga
larawan. “Bakit, Xander?”Hinayaan kong pumatak ang mga luha ko. “Mga anak, ’wag n’yong iiwan si Mommy, ha? Mahal na mahal ko kayo. ’Wag kayong mag-alala, maaayos din ang lahat.”
BINABASA MO ANG
Instant Mommy Ako? (PUBLISHED under Pop Fiction)
Humor(Published under Pop Fiction) I was not expecting na ang normal na takbo ng buhay ko bigla na lang magugulo. I am a 23-year old certified NBSB virgin tapos isang araw, bigla na lang akong naging nanay. Akala ko, instant coffee at instant noodles lan...