MIGGY
I’m Miguel Gomez Loveras, best friend ni Trisha. I’d always
loved her. Torpe lang talaga ako pagdating sa kanya since I was
afraid I’d lose her kapag umamin ako sa kanya. Naging masaya na akong makita siyang masaya.Nakita ko na ang babaeng mamahalin ko. Finally, destiny
gave me the girl meant for me. I met her yesterday. Jen Althea J.
Monteverde ang name niya, at isa siyang teacher.Tinawagan ko ang dakila kong best friend para magpatulong
gumawa ng moves kay Jen, lalo’t birthday niya pala. Ano kaya
ang magandang gift para sa angel ko? Pero sabi ni Tisang, may importante raw siyang lakad. Buti na lang sa restaurant kung nasaan ako ngayon siya pupunta. Gugulatin ko na lang siya.Lumipat ako sa may sulok na table para ’di niya agad ako
mapansin. Nakita ko siyang pumasok kasunod ang…other
version niya? Kamukha niya ’to pero sopistikada at mukhang
maldita.Hala!
Baka siya ’yong ex-wife ng husband niya na parang may saltik daw? Bakit siya nakipagkita d’yan? ’Di ba siya
natatakot? Pero knowing Tisang, ipinanganak ’yang matapang.
Mabuti at sa malapit sila pumwesto at maaaring marinig ko ang usapan nila.“Ano bang kailangan mo,
Choleen?”“Mabuti at madali kang kausap, Trisha. Simple lang ang gusto kong mangyari: Iwan mo si Xander.” Simple raw?
“Alam mong hindi ko gagawin ’yon. Mahal ko ang asawa ko,”
matapang na sagot ni Tisang.“Gagawin mo ’yon dahil kung hindi, kukunin ko si Chloe at
ilalayo ko siya sa inyo. Hinding-hindi n’yo na siya makikita ulit.”“At paano mo gagawin ’yon? Alam kong hindi mo ’yon
magagawa.”“Kaya ko, Trisha. Gusto mo ng sample? Ba’t ’di ka tumawag
sa bahay at tanungin mo kung nandoon ang bata.”
Kinuha ni Tisang ang cell phone niya at may tinawagan siya.“Paanong…? Hindi n’yo man lang namalayan na wala siya?
Hanapin n’yo siya!”Tumawa ang bruha at ito naman ang may tinawagan. “Ibigay
mo sa bata ang telepono. Sabihin mong gusto siya kausapin ng
mommy niya,” sabi nito saka ibinigay kay Tisang ang cell phone.“Hello, baby? Okay ka lang ba?” mangiyak-ngiyak na si
Tisang.“Who are you playing with? Anak naman, I told you
not to talk to strangers, kahit madami pa siyang toys at cotton can—”
Hinablot na ni Choleen ang cell phone.“Are you crazy, Choleen? Anong gagawin mo sa kanya? Let
her go! Anak mo siya.”“Relax, wala pa akong ginagawa. Narinig mo naman, ’di ba? Nag-e-enjoy pa siya. Pero marami akong balak gawin sa
kanya ’pag ’di ka pumayag sa gusto ko.” Impakta pala talaga
ang babaeng ’to. Gustong-gusto ko nang mangialam pero baka
magkagulo lang.“Humanda ka ’pag nalaman ’to ng asawa ko,” sabi ni Tisang.
“Subukan mo, Trisha, at isang tawag ko lang, hinding-hindi
na magkikita mulit ang mag-ama.” Halatang kinakabahan na si Trisha.“Decide! Gagawin mo ang gusto ko o ilalayo ko si Chloe?
Kakayanin mo bang mapahamak ang bata? Bilisan mo mag-
decide! Maigsi ang pasensya ko.”“Paano ako makasisigurong ibabalik mo ang bata?”
“Ibabalik ko siya at wala ka rin namang magagawa kundi
panghawakan ang salita ko.”“Sige, pumapayag ako. Pero bigyan mo ako ng panahon.
Ibalik mo si Chloe at gagawin ko ang gusto mo. Mangako ka na
pagkatapos ng lahat ng ito, hindi na masasaktan pa ang bata.”“Ikaw lang naman ang panggulo sa mga buhay namin.
Siguraduhin mo na tutupad ka, Trisha, dahil hindi mo
magugustuhan ang gagawin ko kapag hindi ka tumupad sa
usapan!”Tapos ay nag-ring ang cell phone ko. I had to answer it
outside the restaurant kasi baka makaagaw pa ako ng atensyon
nila. Pagbalik ko sa upuan, wala na sila. Saan na kaya nagpunta
ang mga ’yon?I knew I had to talk to Trisha. Bakit siya pumayag sa gusto
noong Choleen? May iba pa namang paraan. Pero mamaya ko na siya kakausapin.
Naghanap na lang muna ako ng gift para kay Jen, tapos
pinuntahan ko ang anghel ko sa school nila sa Watty Academy. I
headed to her classroom with three balloons in my hand, a cake and a stuffed toy. Pinagtinginan nga ako ng mga tao, e. Buti na lang gwapo ako.“Happy birthday, Jen.”
Namilog ang mga mata niya at nag-blush. Wala ba siyang
balak tulungan ako sa bitbit ko?“Miggy naman, ang dami nito.
Thank you.” Kinuha niya ang cake at stuffed toy, tapos hinalikan niya ako sa pisngi.Bayad na agad!
“Anything to make you happy. Nagustuhan mo ba?” tanong
ko sa kanya.“Yes, I love them.” Sabi na, e.
TRISHA
Nakipagkita ako kay Choleen, hoping na maging maayos
na ang lahat. Pero mas gumulo pa ang sitwasyon namin. Sana
masamang panaginip lang ang lahat ng ’to.Naghihintay ako sa mall dahil dito raw niya ipahahatid si
Chloe. Ang mahalaga sa ngayon ay ang bata. Sana wala siyang
ginawang masama kay Chloe.“Mommy!”
Niyakap ko agad si Chloe. “Baby! Ayos ka lang ba? May
masakit ba sa ’yo?” My God! Buti at tumupad si Choleen sa
usapan namin.“My tummy hurts from eating lots of sweets.”
“Okay, let’s go buy some water. Baby, next time, ’wag kang
sasama sa hindi mo kakilala, okay?”“But she told me she’s a friend of yours at dadalhin niya ako
sa ’yo.”“Anak, kahit na. Next time, don’t go without your yaya. Tell
Lola or your Tita Marga first, at ’wag kang sasama without
Daddy.” Paano na lang kung hindi siya ibinalik ni Choleen?“I’m sorry, Mommy. Are you mad?”
“Hindi naman, baby. Mommy’s was just worried kaya
napagsasabihan kita. Let’s go home na.” Nagsabi na ako sa bahay na kasama ko na siya.Kunwari ay nakita ko siya sa kanto malapit sa bahay tapos dinala ko siya sa mall. Sinabihan ko rin si Chole na sabihing sa mall kami galing. Kakayanin ko nga bang magpaalam sa kanila? Iiwan ko si Xander, ang tanging lalaking minahal ko at ama ng baby ko.
Iniisip ko pa lang ay naiiyak na agad ako.
Paano na kami ng anak
ko? Anong gagawin ko?
BINABASA MO ANG
Instant Mommy Ako? (PUBLISHED under Pop Fiction)
Humor(Published under Pop Fiction) I was not expecting na ang normal na takbo ng buhay ko bigla na lang magugulo. I am a 23-year old certified NBSB virgin tapos isang araw, bigla na lang akong naging nanay. Akala ko, instant coffee at instant noodles lan...