Part 49

336K 5.7K 374
                                    

XANDER

Natutuwa akong pagmasdan ang kambal namin. Kamukha ko talaga sila. They were my angels, at alam kong sila rin ang
makatutulong para magkaayos na kami ng asawa ko.

“Please, babies ko, help Daddy to win Mommy’s heart back. Mahal na mahal ko ang mommy n’yo,” kausap ko sa kambal. Pumasok si Tita Connie sa kwarto.

“Kailangan nating mag-usap, Xander.” Mukhang seryoso siya. Iniwan ko muna ang kambal kay Yaya Suzy at saka kami
pumunta ni Tita sa katabing silid.

“Ikaw pala ang asawang tinutukoy ni Trisha,” panimula niya.

“Opo, Tita. Si Trisha po ang tumatayong ina ni Chloe. At laking pasasalamat ko po sa inyo sa pagkupkop n’yo sa mag-iina ko.”

“Alam ko, Xander. Madalas kayong ikwento ni Trisha, hindi niya nga lang nabanggit ang pangalan n’yo. Kaya hindi ko
inakalang kayo pala ang tinutukoy niya.”

“Talaga po, Tita? Meron nga lang po kaming ’di pagkakaunawaan sa ngayon. Nagkakasira po kaming mag-asawa dahil sa isang tao.”

“Dahil kay Choleen? ’Wag kang magkaila, Xander.

Nabanggit ni Trisha ang tungkol sa unang pamilya ng asawa
niya. At ngayon ay alam ko ng si Choleen ang tinutukoy niya na
dahilan ng pagkakagulo n’yo.”

“Opo, Tita. Siya po ang nagpadala ng mga larawan kay
Trisha at inakala nitong nagkabalikan kami. Pero matagal na pong tapos ang lahat sa amin ni Choleen,” paliwanag ko.

“Siya mismo ang tumapos noon. Maging si Chloe ay nagawa
niyang iwan. Hindi ko na rin alam ang gagawin sa kanya,
Xander, dahil ayaw niya kaming pakinggan. At ngayon, kapatid
niya naman ang ginugulo niya.” Kapatid?

“Sino pong kapatid?”

“Alam kong mabibigla ka, anak, pero si Trisha si Maureen, ang kakambal ni Choleen. Matagal siyang nawalay sa ’min,” sagot ni Tita Connie.

“Po? Paano po kayo nakasiguro?” Oo nga’t magkamukha sila,
pero malayong-malayo ang ugali nilang dalawa.

“Sigurado kami, Xander, dahil pina-DNA test na namin si Trisha. ’Wag kang mag-alala, hindi ako galit sa ’yo.

Nagpapasamat pa nga ako dahil minahal mo si Trisha. Mahal
niya kayo ni Chloe. Hindi ko lang maintindihan kung bakit
kailangan pa kayong guluhin ni Choleen gayong siya naman
ang unang lumayo.”

Hindi ako nakapagsalita sa nalaman ko.

“Wala pa siyang alam, Xander. Natatakot kasi ako sa magiging reaksyon niya.”

“Gusto n’yo na po bang sabihin sa kanya?”

“Hindi ko alam, anak, kung ito na ang tamang panahon.
Matanggap niya kaya gayong alam nating kinasusuklaman niya si Choleen, at marahil ganoon din si Choleen sa kanya?”

Kinakabahan ako sa posibleng gawin ni Trisha ’pag nalaman
niyang magkadugo sila ni Choleen.

“Kakausapin ko muna ang Tito Mauro mo. Ako na rin ang
bahalang magpaliwanag sa kanya tungkol sa inyo,” dagdag ni Tita.

“Salamat po. Mahal ko po ang anak n’yo. Hindi ko rin po
sinasadya na magkaroon ng ugnayan sa dalawa n’yong anak.”

“Maaaring may dahilan ang lahat ng ito, Xander, at isa
na doon marahil ay upang mapunan ni Trisha ang mga
pagkukulang ni Choleen, lalo na kay Chloe. Ipagdasal na lang
natin na maging maayos na ang lahat.”

“Opo, Tita. Sana nga po. At sana’y magkaayos na rin kami
ng asawa ko.”

“Magtiwala ka sa Diyos at sa pagmamahal n’yo sa isa’t isa.
Magkakaayos din kayo.”

Bumaba na si Tita, magluluto raw muna siya ng dinner. Ako
naman ay bumalik sa kwarto ng kambal. Nakita kong parehong
nakahiga ang mga ito sa kama, at si Trisha naman ay nagtutupi
ng mga damit nila.

“Hon, can we talk?”

“’Wag kang maingay, baka magising ang mga anak mo.”
Napangiti ako sa sinabi niya.

“’Wag ka ngang ngumiti, para kang timang d’yan,” galit-
galitan niyang sabi. Nagtangka akong lumapit sa kanya.

“D’yan ka lang. ’Wag kang lalapit.” Pero dahil pasaway ako, lumapit pa rin ako sa kanya.

“’Di ba sabi ko ’wag kang lalapit?”

“Sshhhhh… Baka magising ang mga anak natin n’yan.” Then I quickly claimed her lips.

Iniyakap ko ang isang braso ko
sa beywang niya at ’yong isa ay ipinanghawak ko sa batok niya
nang nagtangka siyang lumayo. I deepened the kiss. Maya-maya
pa, she finally responded to my kisses. Alam ko kasing weakness niya ang mga halik ko, e. I refused to let go of her pero kailangan din namin huminga. Hinawakan ko ang mukha niya at tiningnan siya nang deretso.
“I love you, I love you, I love you. I’ll always do. Please, hon,
forgive me kung nagkasala man ako, kung nasaktan man kita.
Pero walang araw na hindi kita iniisip.” Alam kong mahal niya
ako. Nakikita ko ’yon sa mga mata niya.

“Pero si Choleen… Magkasama kayo,” sabi niya saka siya
umiyak.

“Siya ang may pakana noon, kahit itanong mo pa kina Miguel at Jen. Alam nila ang mga pinaggagagawa ni Choleen. Ikaw lang ang mahal ko, hon.” Pinahid ko ang mga luha niya. “Wala ng iba kundi kayo ng mga bata.”

“Adik ka! Ba’t ’di mo sinabi agad? Ba’t ’di mo ako hinanap
agad? Ang hirap kayang manganak mag-isa!”

“Kasi hindi mo man lang ako hinintay na magpaliwanag. Ni
hindi mo nga ako tinanong. Akala ko ba kasi walang iwanan?”

“’Yong mga pictures kasi, akala ko nagkabalikan na kayo.
Nasaktan tuloy ako,” sabi niya nang nakayuko.

“Alam ko. I’m sorry because you were hurt. I’m sorry dahil
wala ako noong mga panahong naghihirap ka sa panganganak
sa kambal. Please forgive me.”
She also wiped my tears away saka niya ako hinalikan. “I love
you, hon. Sorry kung hindi ko man lang hiningi ang paliwanag mo. Alam kong mali ako doon. I almost ruined us nang dahil
sa selos.”

“Kalimutan na natin ’yon. Ang mahalaga ay maayos na tayo
at mapapalaki na natin ang kambal nang magkasama. Just
promise me you won’t leave me again, honey.”

“Promise, hon, lagi na kitang pakikinggan. Hinding-hindi na
ako papayag na mapaghiwalay tayo ni Choleen. Humanda siya
’pag nagkita kami!”

“Hayaan mo na siya, honey. Wala na rin naman siyang
magagawa para mapaghiwalay tayo.”

“Sana nga, hon. Sigurado ka bang hindi ka nambabae noong
wala ako?” Selosa rin ’tong asawa ko, e.

Umiling ako. “Halos mabaliw na nga ako nang nawala kayo,
magagawa ko pa bang mambabae?” Binaon ko ang mukha ko sa may leeg niya. “I miss you more, hon,” bulong ko, saka ko sinimulan halikan ang leeg niya. I then slowly put my hands inside her lose T-shirt nang…

“Uhaaaa! Uhaaaaa!” halos magkasabay na iyak ng kambal.

Nataranta ako at mabilis na lumapit sa kanila. “Wow,
mga anak! Mana kayo sa Ate Chloe n’yo, ah? Wrong timing
naman. Para masundan na sana kayo agad, nang sabay kayong
magsipaglakihan.”

“Kung anu-ano ang sinasabi mo sa mga anak mo! Ikaw
talagang kapre ka,” sabi niya sabay batok sa ’kin.

“Hindi ako kapre. Tingnan mo, ang ku-cute ng mga anak natin, o.”

“Tse!”

“I love you, Mommy.”

Napangiti naman siya. “I love you, too, Daddy.”

Salamat na lang at maayos na kami ni Trisha. Sa wakas,
makauuwi na kami sa bahay nang magkakasama. Matutuwa
panigurado sina Daddy, Mommy, at Ate na natagpuan ko na ang
mag-iina ko.

Instant Mommy Ako? (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon