Part 53

275K 4.2K 264
                                    

Kahit pangalan ng kakambal ko ay gusto kong malaman, pero
parang walang balak sabihin sina Mommy sa ’kin kahit ’yon.

Nagpaalam na kami ni Xander at umuwi. Tumawag na kasi si
Ate Marga at ayaw daw tumigil sa pag-iyak ni Isha. Bago umalis ay nangako akong babalik ako kinabukasan. Pero sabi ni Daddy, once bumuti na raw ang lagay ni Mommy ay lalabas na rin sila ng ospital.

“Hon, kilala mo ba ang kakambal ko?” tanong ko noong nasa
byahe na kami pauwi.Biglang nagpreno si Xander habang nagmamaneho. Mabuti
na lang at naka-seatbelt kami.
Tiningnan niya ako nang seryoso.

“Kinakabahan ako na kapag nalaman mo kung sino ang kakambal mo, may magbago
sa ’tin. Gusto kong mangako ka na kahit anong mangyari, hindi
mo kami iiwan at ipaglalaban mo pa rin ang pamilya natin.”

“Ano ba ang sinasabi mo? Ang tanong ko lang naman ay
kung sino ang kakambal ko.” Hindi na nakasagot si Xander
dahil biglang nag-ring ang cell phone ko. The call was from an
unregistered number.

“Hello?” bati ko.

“Hi, dear sister! So, kumusta ang kakambal ko?”

Kilala ko ang boses niya. Anong pinagsasasabi nitong
impaktang ’to?

“Choleen! Ano na namang kalokohan ’to?”

“Why don’t you ask your loving husband? Oo nga pala, may
gustong mag-hello sa ’yo.” Tapos may narinig akong iyak ng baby.

“Hayop ka, Choleen! ’Wag mong idamay ang anak ko sa kabaliwan mo!” Paano nangyari ’to?

Nagulat si Xander nang nag-panic ako kaya agad siyang
may tinawagan.

“Kasalanan mo ’to! Pinagsabihan na kitang lumayo ka, per bumalik ka pa rin. Ngayon, magdusa ka! At malas mo lang na kakambal kita. Pagsisisihan mong nabuhay ka pa!”

Kakambal?

Siya nga kaya ang kapatid ko? Kaya ba ayaw nilang ipaalam sa
akin ang totoo?

“Choleen, please, ako na lang. Kung gusto mo, ako ang
parusahan mo, ’wag lang ang anak ko. Wala siyang kinalaman
dito. Kung magkapatid nga tayo, pamangkin mo ang batang
’yan. Ibalik mo na siya sa ’min. Please.”

Pero tumawa lang siya. “Magdusa ka!” At ibinaba na niya tawag.

“Xander, ang anak natin! Totoo bang si Choleen ang kakambal ko?” ’Di na ako matigil sa pag-iyak.

Kinabig niya ako palapit sa kanya. “Oo, hon. Kakambal mo
siya kahit parang hindi kapani-paniwala dahil napakasama ng ugali niya. ’Wag kang mag-alala, nag-report na sina Mommy sa mga pulis. Hinahanap na nila si Isha.”

“Paano niya nakuha ang baby ko? Alam niyang magkapatid
kami pero kinuha niya pa rin ang bata?”

“Nilabas daw ’to ni Ate sa garden kasi nga umiiyak. Tapos
bigla na lang may dalawang lalaking pumasok at sapilitang
kinuha si Isha. Nakita niya raw si Choleen na nasa nakasakay sa
van at tumatawa lang.”

Pagdating namin sa bahay ay agad kaming pumasok sa loob.
Nakita kong hawak ni Mommy si Ian. Mabuti na lang at hindi
nila nakuha pareho ang kambal ko.

Niyakap ko si Ian habang kinausap naman ni Xander ang
mga pulis. “Baby ko…kawawa naman ang kapatid mo,” sabi ko
sa anak ko.

“I’m so sorry, Trisha. Kung sana’y hindi ko na lang siya
inilabas.” Umiiyak na rin si Ate Marga.

“Hindi mo kasalanan, Ate. Hayop lang talaga ang babaeng
’yon. Hindi ko alam kung paano kami naging magkapatid.”
Nagulat sila sa sinabi ko, kaya naman ipinaliwanag ko na rin
sa kanila ang nangyari.

“Susmaryosep! Napakasama talaga ng babaeng ’yon. Alam
niya rin pala na pamangkin niya si Isha pero kinuha pa rin niya
ang bata,” sabi ni Mommy Sandra.

Tapos ay bigla akong kinabahan. “Ate, Mommy, nasaan si Chloe?”

“Nasaan nga ang apo ko?” Nag-panic na rin sina Mommy at
Ate, at mabilis nilang tinawag si Ally.

“Naglalaro po siya kanina ng bisikleta niya sa labas,”
namumutlang sabi ni Ally.

“Naglalaro? O, e nasaan na siya?!” pasigaw na tanong ni
Xander.

“Kumuha lang ako ng bimpo niya at pagbalik ko, wala na si
Chloe. Bisikleta niya na lang ang naiwan doon,” takot na takot
na sagot ni Ally.

“At nanahimik ka lang, Ally?!” sigaw ulit ng asawa ko.
Pinakalma ko si Xander dahil galit na galit ito. Gusto raw
sabihin ni Ally na nawawala rin si Chloe, hindi lang siya maka-
tyempo dahil tensyonado na ang lahat sa pagkawala ni Isha.

“Baka tinangay din siya ni Choleen. Mapapatay ko na talaga
ang babaeng ’yon! ’Wag siyang magkakamaling saktan ang mga
anak ko…”

Grabe ang kaba ko dahil baka kung ano na ang gawin ni
Choleen sa mga bata.

Wala kaming nagawa kundi hintayin ang tawag ni Choleen.
Pero ayon sa pulis, naghahanap na rin daw sila. Tatawagan ko
sana si Daddy, pero naisip kong mag-aalala lang sila lalo, at baka
makasama lang kay Mommy kapag nalaman niya ang nangyari.

Dumating na rin sina Miggy at Jen. Tutulong daw sila sa
paghahanap sa mga anak ko. Pero maggagabi na at wala pa rin kaming natatanggap na balita mula kay Choleen o kahit sa mga pulis.

CHOLEEN

Kinuha ko ang isa sa mga anak nila. Gusto kong magdusa sila, maramdaman kung paano maagawan at mawalan, lalo na
si Trisha.

Iyak nang iyak ang sanggol kaya nagpabili ako ng gatas at feeding bottles. Pero ilang minuto na ang nakalilipas ay wala pa rin ang inutusan ko. Walang kwenta rin ang iba ko pang tauhan dahil hindi nila magpatahan ang bata.

“Ano nang gagawin ko sa ’yo? Kasalanan ng nanay mo kung
bakit ka nandito!” Iniwanan ko ang baby sa kwarto’t sumasakit
na ang ulo ko sa kaiiyak niya. Sakto namang dumating na ’yong inutusan kong tauhan.

“Pakainin mo ang batang ’yon nang ptumahimik!” sigaw ko sa kanya.

“Opo, Ma’am. Kaninong anak po ba ’yon? Kawawa naman po
kasi ang baby,” sagot ng dalagita.

Lalo tuloy nag-init ang ulo ko sa tanong niya.

“Sundin mo na lang ang inuutos ko at ’wag ka nang magtanong kung ayaw mong malintikan sa ’kin!” Sa takot, mabilis nang kumilos ang tauhan ko.

Tatawagan ko pa nga pala ang magaling kong kapatid. Wala
akong planong patulugin siya dahil gusto ko siyang mag-alala
magdamag.

“Mabuti at mabilis kang sumagot, Maureen,” bati ko sa kanya.

“Choleen, ang anak ko! Baka nagugutom na siya. Parang awa
mo na, ibalik mo na siya sa ’min.” Aba’t marunong pala siyang magmakaawa? Kahapon lang ang tapang niya, ah.

“Paki ko kung nagugutom ang anak mo! Makatatagal kaya
’yon nang walang gatas? Mga ilang araw kaya?” Tapos ay
humalakhak ako.

“Maawa ka naman sa bata. Ano bang gusto mo sa akin?
Gagawin ko ang lahat, ibalik mo lang ang anak ko.”

“Magkita tayo, ikaw lang at ako, bukas ng umaga. Ite-text ko
sa ’yo ang lugar. Adios, twin!”

Tila may sasabihin pa siya pero
binabaan ko na siya ng tawag.
Magtutuos kami bukas, at sisiguraduhin kong isa lang sa
’min ang matitira.

Instant Mommy Ako? (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon