Part 34

341K 5.1K 203
                                    

TRISHA

Kararating lang namin ni Nurse Ally sa Cebu, and as discussed,
sinundo kami ni Daddy Alex para ihatid kami sa rest house nila.

Naiyak pa nga si Mommy Sandra kanina sa airport dahil bakit
kailangan ko pa raw lumayo samantalang wala naman akong kasalanan sa lahat ng ’to. Dapat pa nga raw matuwa si Choleen
dahil minahal ko si Chloe, pero sadyang masama lang ang ugali ng babaeng ’yon.

“Kumusta ka, anak?” tanong si Dad.

“Ayos lang po. Salamat po pala at pasensya na rin sa abala,”
sagot ko.

“Trisha naman… Ang pamilya talaga ay dapat nagtutulungan.” Ang bait talaga ng mga biyenan ko.

Nalibang ako sa tanawin at paminsan-minsang kwentuhan
namin nina Dad at Nurse Ally habang nasa byahe.

“Salamat, Ally, at pumayag kang maging personal nurse ko.”
Ngumiti siya.

“Naku, Ma’am! Natuwa pa nga po ako, e. Libreng bakasyon na rin kasi ito. Saka mas malaki pa ang sweldo ko dito.”

“Trisha na lang ang itawag mo sa akin. Baka matagal-tagal din tayong magkakasama.”

“Okay, Trisha,” nakangiti niyang sagot.

Sa layo ng binyahe namin, sa wakas nakarating na rin kami
after a few hours. Kung natulala ako sa laki ng bahay nila noon,
nganga naman ako ngayon sa lawak at ganda ng rest house nila.

Alagang-alaga ang mga halaman at beachfront ito. Sila na talaga
ang mayaman! Pati nga si Ally ay hangang-hanga sa lugar.

“Ang ganda naman po dito, Dad.”

“Alam kong magugustuhan mo dito, anak. Maaliwalas at
malayo sa gulo. Makabubuti ang preskong hangin sa ’yo at sa
apo ko.”

“Salamat po.” Pareho kaming tuwang-tuwa ni Ally.

“Kaya pala parang may nagtutulak sa ’kin na bilhin ang lugar na ’to. Para pala sa inyo nang magiging apo ko,” nakangiting sabi ni Dad.

“Sana lalaki ang maging apo ko para naman madagdagan ang mga Rosales. Pero masaya pa rin ako kahit babae pa siya.”

“Sana nga po, Dad. Gusto rin kasi ni Xander ng anak na lalaki,” sagot ko.

Tumuloy na kami sa loob ng bahay. Kung maganda ang labas, ganoon din ang loob. Presko kahit walang aircon.

Nakatutuwa ang mga kagamitan, gawa yata lahat sa kahoy pero halatang
mamahalin. May mga taong sumalubong sa amin.

“Sila nga pala ang mga makakasama n’yo dito, ang mag-asawang sina Monet at Hayde. D’yan lang sa may likod ang bahay nila. Sila at ang mga anak nila ang taga-alaga ng bahay na ito. Monet, Hayde, ito ang asawa ng Sir Xander n’yo, si Trisha. Ang kasama niya ay ang personal niyang nurse niya na si Ally,” sabi ni Daddy.

“Magandang araw po. Kumusta po kayo?” bati ko sa kanila.

“Magandang araw din po, Ma’am,” halos magkasabay nilang bati. Mukha naman silang mababait.

Kumain lang kami ng tanghalian at umalis na rin si Daddy.
May business meeting pa raw kasi siyang dapat habulin.

Babalik na lang daw siya sa weekend.

Tinulungan ako ni Ally ayusin ang mga gamit ko. Maya-maya
lang ay nag-ring ang cell phone ko.

“Hello, hon?”

“Honey, how are you? Kumusta ang byahe?”

Gusto kong maiyak nang narinig ko ang boses niya.

“I’m fine. Maayos naman ang byahe namin. Ang ganda-ganda dito, hon. Magugustuhan dito ni Chloe. Nasundo mo na ba siya?”

“Oo, nandito na siya. Mabuti at nagustuhan mo d’yan. Mag-ingat ka lagi, ha?”

“’Wag kang mag-alala. Kayo ang mag-ingat d’yan at baka may gawin na naman si Choleen. Kumusta ang acting mo kanina? Ginalingan mo ba?” biro ko sa kanya.

“Maayos naman, hon. Paniwalang-paniwala ang babaeng ’yon. Magsimula raw kami ulit dahil hindi ka na babalik pa.” Impakta talaga ang babaeng ’yon!

“Basta mag-ingat kayo, ha? Mahal na mahal kita. Pakausap
ako kay Chloe, please?”

“Kanina pa nga nangungulit ito. Siya naman daw ang kakausap sa ’yo.”

“Hello, Mommy! How are you?” bati ni Chloe sa akin..

Na-miss ko agad ang yakap niya.

“Ayos lang si Mommy, baby ko. How’s your day?” Pilit kong
pinapasigla ang boses ko.

“Masaya po, Mommy. We played at Teacher Jen’s house. Ang
bait po ng mommy at daddy niya. Ang cute-cute ko raw.”

“That’s good, anak. Cute naman talaga ang baby namin, e.
How about your lessons?”

“Nag-color lang po kami, Mommy, tapos nagsulat ng letter M. I miss you so much, Mommy.”

“I miss you too, anak. Anong promise ng baby ko?” Mukhang
ngangawa na naman kasi siya.

“Hindi ako iiyak kasi malulungkot ka saka si baby. But I miss you, Mommy. Who will read me my bedtime stories?”

“Si Daddy, baby. O kaya si Tita Marga or si Yaya na lang.”

“Pero mas gusto ko na ikaw, e.”

“Sige, mamaya si Mommy na lang ulit. Tell Daddy to hold
the phone for you.”

“Yehey! Thank you, Mommy!”

“You’re welcome, baby.” Tapos ay ibinalik na ni Chloe ang
phone sa daddy niya.

“Kumain ka na ba, hon? Anong ginagawa mo?” tanong
ni Xander.

“Kausap ka,” biro ko.

“Oo nga naman. ’Wag mo ako ipagpapalit d’yan, ha?”

“Kanino naman, kay Kuya Hayde? E matanda na ’yon.”

“Malay ko ba, baka may makita ka d’yang mas gwapo pa sa
’kin.”

“Hoy, Alexander! Baka nakalilimutan mong buntis ako.

Tingin mo magagawa ko pang lumandi?”

“High blood agad? Naglalambing lang, hon.” Tatawa-tawa
pa siya.

“Umayos ka! Baka ikaw d’yan ang bigla na lang bumigay kay
Choleen. Ang landi mo pa naman.”

“Uy, walang ganyanan! Alam mong hindi mangyayari ’yan.
Wala na akong mamamahalin pang iba, ikaw lang.”

“Ayee! Tumigil ka na nga! Abot hanggang Cebu ’yang ka-
corny-han mo,” sabi ko.

“Mag-ingat ka d’yan. Tatawag na lang ulit ako mamaya,
okay? Love you.”

Pagkababa ko ng tawag ay narinig ko agad na nagsalita si
Ally.

“Ayee! Si Trisha, kinikilig,” tukso niya.

“Ikaw yata d’yan ang kinikilig, e. Pero miss ko na talaga sila,
Ally.”

“Konting tiis lang, Trisha. Maayos din ang lahat.”

Sana nga maging maayos na ang lahat nang magkasama-
sama na ulit kami. Sana bago pa ako manganak ay okay na ang
lahat.



Instant Mommy Ako? (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon