CHOLEENBuntis daw ang malanding babaeng ’yon? At talagang
nagpabuntis agad siya, ah. Kung inaakala niyang panalo na siya
dahil may anak na sila ni Xander, pwes, humanda siya! Baka hindi maisilang sa mundong ito ang anak niya.Kailangan ko na talaga ng tulong ni Marga. I need to get rid
of that bitch. Hindi pwedeng mapunta sa kanya si Xander.“Have you heard the news, sis?” tanong ko kay Marga.
“Yeah, sinabi ni Mommy sa ’kin kanina. Well, I’m happy for
Xander sahil nakikita kong masaya siya.”“What?! Marga! ’Wag mong sabihing okay na sa ’yo ang
Trisha na ’yon? I thought tutulungan mo akong paghiwalayin sila?”“You must be mistaken, Choleen. I told you I will help you
with Chloe para mapalapit ka sa anak mo. Hindi ko sinabing
paghihiwalayin ko sina Xander at Trisha. Saka tingin ko ay
nakabuti sa kanya si Trisha. Last time I saw him, he was so
miserable because you left them. But seeing him with Trisha
now, he’s happy and contented. Pati na ang anak mo.”“I thought you’d help me win back Xander and Chloe, pero
wala rin pala akong maaasahan sa ’yo.” Tinalikuran ko na siya.
Kailangan ko nang kumilos mag-isa.Pinuntahan ko si Chloe sa kwarto niya. Kailangan ko makuha ang loob niya dahil magagamit ko siya para makuha si Xander.
Naabutan ko siyang nagdo-drawing habang binabantayan
siya ng yaya niya. Tamang-tama, mamaya pa ang dating nina
Xander galing ospital.
Inutusan ko muna ang yaya niya na iwan kami. Ayaw pa sana
nito, pero natakot din siya at sumunod din sa akin.“ Baby, can I talk to you?”
Biglang tumigil si Chloe sa ginagawa niya at umatras
papunta sa may headboard ng kama niya.Do I look that scary?
Sa ganda kong ito?
“Go away! You’re bad. Mommy’s in the hospital because of
you.”Maldita din ’tong batang ’to, e. Mana talaga sa ’kin. “No,
baby, it’s not my fault. Alam mo ba kung bakit nasa hospital si
Mommy Trisha mo? Come, I will tell you.”Nag-atubili siya pero lumapit din naman siya sa akin
eventually. Good girl. “What happened to Mommy?” tanong
niya sa ’kin.“Your Mommy Trisha’s pregnant. They’re going to have a
new baby in the house.”
Namilog ang mga mata niya.“Really? I’m going to have a
baby brother?” Aba’t mukhang natuwa pa siya, ah. Hindi pwede ’to!“Yes. So, that means hindi ka na nila mahal. Hindi na ikaw
ang baby nila. Iiwan ka na nila sa akin. Tayong dalawa na lang
ang magsasama, anak.” Konti na lang ay makukuha ko na ang
loob niya.“No! You’re lying. Hindi nila ako ibibigay sa ’yo. I hate you!”
Itinulak niya na naman ako, pero hinila ko siya palapit sa akin.Napupuno na ako sa batang ’to, ah!
“Sa ayaw at sa gusto mo, ako ang mommy mo! At sa akin
ka sasama. May anak na sila kaya hindi ka na nila kailangan.
Naintindihan mo?”Nag-iiiyak na si Chloe. Nasaktan yata siya sa pagkakahawak
ko sa braso niya. Sakto namang pumasok sina Xander at Trisha
sa kwarto. Tsk! Palagi na lang nila akong naaabutan. Malakas
talaga ang radar ng mga ito!“Anong ginagawa mo sa anak ko?” Galit na lumapit si
Xander at kinuha ang bata sa akin.“Shhhhhh… Tahan na,
baby. Daddy’s here.” Binuhat niya ang bata at lumabas na sila ng kwarto kasunod si Trisha.Maya-maya pa ay bumalik ito at kinaladkad ako papuntang
kwarto namin ni Marga. Kinuha niya ang maleta ko at inihagis
’yon sa kama.“Pack your things and leave!” The last time I saw him this
angry was when we were in the States, noong napalo ko si Chloe.“No!” Hindi ako pwedeng umalis.
“You are leaving now! ’Wag mong hintaying kaladkarin kita
palabas ng bahay na ’to.” Tapos ay lumabas na siya.
Narinig kong nag-usap pa sila ng kapatid niya sa labas ng
kwarto namin. Pinipigilan yata siya ni Marga.
Marga then stepped inside our room.“I’m sorry, Choleen.
Wala na akong magagawa. Bakit mo naman kasi sinaktan ang
bata? Akala ko ba gusto mong mapalapit sa kanya?”“Sorry, sis, nadala lang ako. Kahit kasi anong gawin ko sa
batang ’yon, parang hindi ko na makukuha ang loob niya.
Nalason na yata ng babaeng ’yon ang utak niya.”“Pero hindi mo pa rin dapat siya pinilit. Galit na galit
tuloy sa ’yo si Xander. You better leave. Kilala mo naman ’yon,
tinototohanan ang sinasabi niya.”I started packing my things. Aalis na naman talaga ako, but
I wasn’t done yet. Hindi ako titigil. Mapasasaakin din ulit sina Xander at Chloe.
TRISHA
Masasaktan ko na talaga ang Choleen na ’yon. Parati na lang
niyang sinasaktan ang bata.
Panay pa rin ang paghikbi ni Chloe.Nagmarka ang kamay ng
impakta niyang ina sa maliit nitong braso. Napagalitan ko nga ang yaya niya dahil iniwan niya si Chloe kasama ang babaeng
’yon. Paano ba nagagawang saktan ni Choleen si Chloe? Dugo’t laman niya ’to. Tsk. Kakaiba talaga siya!“Tama na, baby. Nandito na si Mommy. Tahan na, please?”
“Sabi niya you have a new baby. Iiwan niyo na raw ako ni
Daddy. Is that true?” tanong ni Chloe.
Impakta nga talaga ang babaeng ’yon! Kung anu-ano ang
sinasabi sa bata.“No, baby. Alam mong hindi totoo ’yon. Ano bang sabi ko sa ’yo? ’Di ba, love na love kita at hindi ka namin iiwan ng Daddy mo.”
“Kahit may baby na po kayo ulit?”
“Yes, baby. Ayaw mo ba ng kapatid? Hindi ka ba masaya na magkaroon ng baby sister or baby brother?” Hinawakan ko ang mga kamay niya.
“I want a baby brother, Mommy. Pero you’ll still love me
kahit na may kapatid na ako?”
Epal kasi ang nanay niya. ’Di tuloy mawala sa isip ni Chloe
ang takot.“Kahit ilang babies pa ang dumating, love na love ka
pa rin nina Mommy at Daddy kasi ikaw ang baby Chloe namin. Tandaan mo ’yan, okay?” I hugged her tight.
“Yes, Mommy,” sabi niya at inilapit niya ang ulo niya sa tiyan
ko.“Hello, baby. I’m your big sister. Are you okay there?”
“Okay lang si baby, Ate. Don’t worry.”
Sa wakas ay ngumiti na siya. “Yehey! I’m going to be an ate!
D’yan po talaga siya galing sa tummy mo?”
“Yes, baby.”
“Sana ako rin, Mommy, galing d’yan sa tummy mo.” Nalungkot na naman siya.
“Kahit naman ’di ka galing sa tummy ni Mommy, galing ka
naman sa puso ko. Dito, o.” At tinuro ko ang puso ko. Ayokong
isipin niya na may pagkakaiba sila nang magiging kapatid niya.
“Talaga, Mommy?”
Tumango ako. “I love you, baby.” Niyakap ko ulit siya.
“I love you, too.”
Nagulat ako nang pumasok si Marga sa room namin.
Maganda talaga siya, parang female version lang ni Xander.
“How is she?” tanong niya. Ako kasi ang nakaharap sa kanya
at nakatalikod naman sa kanya si Chloe.
“Okay na siya, A…Ate…” sagot ko. Nag-aalangan kasi akong
tawagin siyang ate, baka ’di niya gusto. Close pa naman sila ng
impaktang ’yon.
“I heard about the good news. Congatulations! Masaya ako
para sa inyo ni Xander.”Hala! Mabait naman pala siya, e.
“Tita, I’m going to be an ate soon!” balita ni Chloe sa kanya.
Natatawang binuhat siya ng tita niya.“And you like that?”
“Yes! I want a baby brother.”
“Masakit pa ba ang braso mo?”
“I’m fine na, Tita.”
Tumingin sa ’kin si Ate Marga.“Salamat, Trisha. Dinig ko
ang pag-iyak nito, pero tingnan mo, hyper na ulit. Thank you for taking care of them. At oo nga pala, welcome to the family, sis.”
Niyakap niya ako habang buhat niya si Chloe.
“Thank you, Ate.” Pasimple kong pinahid ang luha ko. Ganito
ba talaga ’pag buntis, iyakin?
Sana ay maging okay na ang lahat. Isa na lang talaga ang
problema—si Choleen. Sana naman wala siyang masamang
binabalak, at sana maging masaya na lang siya para sa amin.
BINABASA MO ANG
Instant Mommy Ako? (PUBLISHED under Pop Fiction)
Humor(Published under Pop Fiction) I was not expecting na ang normal na takbo ng buhay ko bigla na lang magugulo. I am a 23-year old certified NBSB virgin tapos isang araw, bigla na lang akong naging nanay. Akala ko, instant coffee at instant noodles lan...