Part 40

322K 4.6K 224
                                    

Mabilis naipaayos ni Tita Connie ang bahay nila. Iba na talaga
’pag mayaman. Ilang araw lang ay gumanda at nabuhay na ang
dating ng napabayaang bahay bakasyunan.

Nakapagtataka dahil parang nakita ko na talaga ang bahay nila, ’di ko lang matandaan
kung saan. Magaan din ang loob ko kay Tita Connie at inaalagaan niya ako. Nawawalan na nga nang ginagawa si Ally, e.

“O, anak, magmerienda ka na.” Masaya talaga siyang tinatawag akong anak.

“Sige lang po, hindi pa naman po ako nagugutom.”

“Ano ka ba, dapat kumain ka palagi para maging healthy
kayo ng baby mo.”

“Okay lang po talaga ako, Tita.”

“Pwede na pala akong umuwi sa bahay namin. Hindi na amoy pintura doon. Nakahihiya na kasi, ilang araw na ako dito
nakikitira sa inyo.”

“Ayos lang naman po na dumito muna kayo.” Ang sarap niya
rin kasing magluto, e.

“Darating kasi ang asawa ko. Ipakikilala kita sa Tito Mauro
mo. Excited na nga siyang makita ka, e.”

“Tita talaga, mapagbiro. Bakit naman po siya mae-excite na
makita ako?”

“Basta, anak. Matutuwa ’yong makita ka,” sabi niya sabay
haplos sa mukha ko kagaya nang madalas niyang ginagawa. At
tuwing ginagawa niya ’yon, may kung ano akong nararamdaman.

Hinatid ko na si Tita Connie sa bahay nila. Ang laki nga nang
ipinagbago nito. Pati ang loob ay kumukutitap sa kintab. Tapos
may nakita akong picture ng dalawang batang magkaakbay.
Halatang kambal sila. Magkamukha, e. Ang cute nilang tingnan!

Teka, bakit parang kamukha ko sila noong bata ako?

Lumapit si Tita Connie sa akin. “May problema ba, Trisha?”
tanong niya.

“Ah, wala po. Ang cute lang po ng mga bata sa picture. Sino
po sila?”

“Anak kong kambal.”

“Nasan na po sila?”

“Nawala ang isa sa kambal ko. Matagal-tagal din namin siyang
hinanap.” Tapos ay umiyak na si Tita. Hala! Pinaiyak ko siya?

“Nakita n’yo na po ba siya?”
Ngumiti naman siya, sabay pahid ng luha.

“Palagay ko natagpuan ko na siya. Ang masakit lang ay hindi niya na ako matandaan. Marahil kasi bata pa siya nang nawalay siya sa ’min. Labingwalong taon din kaming nangulila at naghanap sa kanya.”

“Pwede n’yo naman po siyang kausapin, Tita. Ipaliwanag
n’yo sa kanya ang lahat.”

“Sana nga maintindihan niya at matanggap niya kami. Mahal
na mahal namin siya. Walang araw na hindi ko inisip kung
kumakain ba siya, nagkakasakit, natutulog nang maayos, kung
may nag-aalaga ba sa kanya, kung buhay pa ba siya…”
Hindi ko na rin napigilan bumagsak ang mga luha ko.

“Kung halimbawang ikaw siya, Trisha, matatanggap mo ba
kami?”

“Siguro po. Kasi po hinanap n’yo naman siya at hindi
kinalimutan. Sa kabila nang maraming taon, hindi n’yo siya
nalimutan.” Masuwerte pa siya dahil siya hinanap, samantalang ako, hindi man lang nag-effort ang tunay kong mga magulang.

“Sana nga maging maayos ang lahat at malaman niyang
mahal na mahal namin siya.” Niyakap niya ako pagkatapos.

We heard an engine stop, at sabay kaming nagpunas ng mga luha ni Tita Connie.

“Ang Tito Mauro mo na siguro ’yon.”

Lumabas kami ni Tita ng bahay, at sumalubong sa ’min ang
isang may edad ngunit gwapong lalaki.

“Siya ba, Mommy?” sabi nito kay Tita Connie pagkatapos niya ’tong halikan sa noo.

“Oo, Dad, at hindi niya alam. Hija, ito ang Tito Mauro mo.”
Hindi ko talaga sila maintindihan.

“Ikaw na ba ’yan?” sabi ni Tito sa ’kin.

“Po? Ah…e… Ako nga po pala si Trisha,” sabi ko na lang.

“Trisha, pwede ka bang mayakap, anak?” Hala!

Teary-eyed din si Tito.

“Sige po.” At niyakap niya ako saka hinalikan ang ulo ko.

Waaaahhh!

Na-miss ko bigla ang papa ko.

“Okay lang po ba kayo?” Humihikbi na kasi si Tito Mauro.

“Ayos lang ako, hija. Ayos na ako,” nakangiting sagot niya.

Weird talaga, pero maging kay Tito Mauro ay magaan ang loob ko.

Nagkwentuhan lang kami. Sumabay na rin ako sa kanilang magtanghalian. Posible palang makasundo mo ang mga taong
hindi mo naman lubos na kilala.

Nagpaalam na ako sa kanila pagkatapos. Parang ayaw pa nga nila akong umalis. Marami pa sana akong tanong tungkol sa
kambal nila, pero baka pagod na sila. Saka mawawalan ako ng
dahilan para dumalaw sa kanila kung itatanong ko na sa kanila
lahat ngayon.

Naalala ko na naman ang mukha noong kambal. Kamukha
ko talaga sila.

Instant Mommy Ako? (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon