TRISHA
I thought that night, katapusan ko na. Akala ko hindi ko na
sila masisilayan pa. Pero kung mauulit muli ang pangyayaring
’yon, pareho pa rin ang gagawin ko. Ililigtas ko pa rin si Choleen
dahil kapatid ko siya at mahal ko siya.Nabuhay ako kaya may pagkakataon pa akong ayusin ang gusot sa ’ming relasyon.
“We’re here!” pukaw sa ’kin ng kapre pagdating namin sa
bahay. “Sa lalim niyang iniisip mo, malamang nalunod na ako,” sabi niya sabay kindat.“Tse! Manahimik ka nga.”
Hinila niya ako palapit sa kanya.“I love you. Thank you at
hindi mo kami iniwan. Thank you dahil may pagkakataon pa
akong makasama ka, ang gumising ng bawat umaga sa tabi mo, ang mayakap at mahalikan ka, at ang tumandang kasama mo.” I saw tears in his eyes bago niya ako hinalikan.“Ba’t ang drama mo?” sabi ko na lang pagkatapos niya akong
halikan.Sumimangot siya. Ang gwapo talaga ng asawa ko kahit
nakasimangot!“Tara na nga. Mamaya dito pa masundan ang kambal,” natatawa niyang sabi. Baliw din ’to, umiiyak tapos tumatawa.
Sina Mommy, Daddy, at Ate Marga lang ang may alam
na uuwi na ako. Gusto kasi naming sorpresahin si Chloe.
Naging malungkutin nga raw ang bata lately at hindi gaanong nagsasalita. She’d been through a lot.Masaya kaming sinalubong nina Mommy, Daddy, at Ate
Marga. Pati sina Ally at Suzi, na hawak ang kambal ko, ay
natuwa rin sa pagdating namin.“We’re glad you’re home, sis. Na-miss ka namin.” Ate Marga
hugged me, sunod sina Mommy at Daddy. Na-miss ko rin
naman sila.“How are you? How are my babies?” Pareho ko silang
hinalikan, saka ko kinarga si Isha.“Na-miss ko kayo, anak.”
Pinupog ko siya ng halik. I was so glad that she was now safe.
Pagkatapos ay kinarga ko rin si Ian. “Matakaw ba ang mga baby ko? Bumibigat na kayo, ah,” puna ko. Nang napansin kong wala si Chloe ay nagtanong na agad ako. “Si Chloe po?”“She’s upstairs. Ikaw lang yata ang gamot sa topak ng batang ’yon, e. Hindi siya nagsasalita. Kasama niya si Jeza, ’yong
tumulong sa inyo, at binigyan namin ng trabaho. Malaking
tulong din kasi siya sa pagkakaligtas ng mga bata,” sabi ni Mommy.Hinayaan nila akong umakyat mag-isa para kausapin si
Chloe. Pagpasok ko sa kwarto ay nadatnan ko silang nagdo-
drawing. Nakatalikod si Chloe kaya hindi niya ako nakita agad.Tiningnan ko ang ginagawa niya at saka napangiti. Hugis puso
ito at may nakalagay na I miss you, Mommy sa gitna.“I miss you more, baby,” bulong ko sa kanya.Gulat na napalingon si Chloe.
“Mom?” sabi niya sabay yakap
sa akin.“Yes, baby, I’m here.” Hindi ko rin napigilan ang mga luha ko.
“You’re awake! You’re here! I’ve missed you,” luhaang sabi
niya.“I love you too, baby. I told you, ’di ba? Hindi kita iiwan.” Pinahid ko ang mga luha niya saka siya kinandong. Napatingin
ako sa dalagang luhaan ding nakatingin sa ’min.“Ikaw si Jeza,
’di ba? Maraming salamat.”
Ngumiti ito sa ’kin.“Salamat din po. Dahil sa pamilya n’yo ay may maayos na akong trabaho. Natutuwa rin po akong ligtas na kayo.”
“Walang ano man, Jeza. Utang ko sa ’yo ang buhay ng mga
anak ko.” Iniwan niya muna kami ni Chloe na hindi na bumitiw sa pagkakayakap sa ’kin.
BINABASA MO ANG
Instant Mommy Ako? (PUBLISHED under Pop Fiction)
Humor(Published under Pop Fiction) I was not expecting na ang normal na takbo ng buhay ko bigla na lang magugulo. I am a 23-year old certified NBSB virgin tapos isang araw, bigla na lang akong naging nanay. Akala ko, instant coffee at instant noodles lan...