Chapter 3 - Pogi

93 2 1
                                    

Daniela's P.O.V

"Oo na. Sorry na po. Okay na siguro yun noh? Alis nako." Nagulat silang lahat ng sinabi ko yan. Kasi ba naman nakakarindi yung dalawang babae! Yung Elandrea at Pamela. Kaya para tigilan nila ako sinabi ko na yan.

Pero di rin nagtagal lumabas ako ng classroom. Hay!! Nakakairita sila. At bakla!!!

"Hello, Daniela." Teka kaklase ko to ah?! Bakit to Nandito sa labas.

"Sasamahan muna kita. Kasi baka kung anong gawin mo pa dito. Diego nga pala. Diego Del Monte." Ha?! Kamag-anak niya kaya yung pineapple juice. Pero nabigla ako ng umupo siya sa tabi ko. Nasa may bench kasi kami sa labas ng classroom.

Walang umimik samin. Kaya tinitigan ko na lang siya. Overall gwapo. Pero somethings specie..

"Oh?! Bakit ganyan ka makatingin?" Ay baklush si kuya!

"Ahh.. Wala naman. Pasok na lang kaya ulit tayo sa classroom." Sabay kaming tumayo. Pero bigla siyang tumango. Nilagyan ng band-aid yung tuhod ko. Anyare?!

"May sugat ka. Kanina ko pa yan talaga napansin. Nung nabagsak ka. Lika na nga." Tas umakbay siya sakin pagkasabi niya nun. Alam niyo kung straight to siguro magiging crush ko to. ^___^v

***

Elandrea's P.O.V.

After 5 minutes. Pumasok na ulit sa classroom si Daniela kasabay pa nga niya yung isa naming kaklase eh. Actually may band-aid pa nga siya sa tuhod niya kasi maikli lang ang skirt namin kaya siguro nasugatan siya. Yung mga lalaki kasi eh.

Nako lalo na yung. Pamela. Ang sarap torturin sa utak eh at bangasan ng kalhati para mabawasan yung kapal ng mukha niya.

"BV parin kay Pam?" Nagulat naman ako. Aba sino naman to?!

"Lorenzo Pineda nga pala." At nakipagshake-hands pa siya ha. Tumabi pa siya sakin sa upuan na vacant. Ano to kamag-anak ni Onyok. Diba-- Pineda yun? *.*

"Uhmmm.. Oo eh. Nakakaasar talaga siya. " sabi ko sa kanya.

"Hay nako! Kung alam mo lang napakabait niyan ni Pam. " anong sinasabi nito?! Nababaliw na yata to eh. Tong bakla na to. Yup bakla po siya.

"Nasisiraan ka na yata ng bait eh. Ayan mabait. Mabait her face." Sabay tinuro ko yung PamPanget na yun.

"Ay. Ang harsh ni Ate. Mabait talaga yan. Siguro nasasabi mo lang yan kasi-- "

"Ay nako ka. Kanino ka ba kampi!! Nilapitan mo pa ako. Dadayo ka lang pala ng inis. Lumayas ka na nga. Moles." Oo. Moles. Marami kasi siyang moles kaya sinabi ko yan sa kanya.

"Hay nako. Wala naman akong kinakampihan eh. I'm just saying the TRUTH." Eh loko pala to eh!

"Anong truth truth sinasabi mo dyan. Itruth mo yang mukhang mo. Baka sakaling mawala yan mga nunal mo." At napatayo na nga ako. At tumayo na rin siya. Pero ilang saglit lang umupo na ulit kami.

"Hay nako! Ate" kanina pa to hay nako ng hay nako. Hay nako! Massampiga ko na talaga to. Pigilan niyo na nga ako.

"Ano ba?! Di mo ba ako tatantanan ha?! Layas tsupi" pagpapaalis ko sa kanya sa upuan at kung di niyo nga pala natatanong. Walang teacher period.

"Hay nako! Ate" yan na naman yang hay nako. Hay nako!

"Hay nako! Hay nako ka ng hay nako di ka na ba titigil dyan. Tamo. Isa pa talaga mong hay nako mo diyan. Mababatukan na kita! Hay nako!"

"Okay. Chillax magjudge ka muna. Oh eto." Sabay binigyan niya ako ng judge. Aba reding ready to ah.

"Okay. Nabigla lang ako. Ano ba kasi talaga ang trip mo at Nandito ka at kinukulit mo ako? "

"I want kasi makipag friends sa inyo. Kasi ang ganda mo po eh." Ha?! Ako maganda?!

"Ah..eh..ih..ohh..uh. Oo. Sige ba. Friends na tayo." Ewan ko ba kung anong sumanib sakin at sinabi ko yun.

"Yeheyyy!! Friends na tayo." Nagtatalon pa siya nan ba. Pero ang saya pala talaga ng may kaibigan. ^___^v

***

*kring**kring*

Nagbell na lunch na!! Yess. Kainan na. Pumunta na ako ng canteen at dahil sa friend ko na nga yung Lorenz. Sinamahan niya ako.

Grabe ang dami palang pagkain dito. May palabok, tempura, spaghetti at SINIGANG!!! Yes!! Eto na lang ioorder ko.

Sinimulan ko na ang pagpila hanggang sa makaabot na ako dun sa dulong part para mag order at yun after 10 decades or 1 century. Nakaorder na rin ako.

After ko magorder, nagpunta ako dun sa ref na may mga softdrinks yung may papasukan ng pera. Pero.....

Kung sineswerte nga naman ako lagi lagi. May sumingit pa.

"Ano ba?! Teka ikaw na naman!!" Si Pamela. Bwisit ano bang problema ng nga tao.

"Yup. Ako na naman. Ang sarap mo kasing bwisitin eh." Sabay ngumisi pa siya.

"Ate eto nga po. " at tinuro niya pa yung inorder niya. Hay. Hahayaan muna talaga kita ngayon pero sa susunod. Hay nako!!!

After niya. Umorder na rin ako. Bwisit kasi yun eh. Nung nakaorder na rin si Lorenz umupo na kami.

"Hay nako! Nakakabwisit talaga yang Pamela na yan."  Pagrereklamo ko.

"Hay. Elandrea. Wag ka ngang maistress. Sige ka papanget ka nan. Walang magkakagusto sayo. Kapag ganyan--- ka..." Anong nangyari dito sa bakla na to? Parang nakakita ng multo.. Matingnan nga ang tinititigan nito...



O________O


May Pogi!!! Ang guwapo niya.. Grabe. Mukhang foreigner.. Brown yung buhok niya at nakataas pa yun, matangos ang ilong, brown eyes at red lips. Grabe mahihimatay na yata ako.

"Ang gwapo niya. "

"Type mo noh? Elandrea yiiiii!! Lumalovelife ka na agad ah. " pangaasar sakin ni Lorenz. Eeh kasi naman eh.

Pero di ko na lang siya pinansin. Tinitigan ko na lang ulit si Pogi. Mukhang naghahanap siya ng mauupuan. Pero you know what happened next?? Lumapit siya samin.

"Hi! Uhmm.. Pwedeng makishare ng seat? " wala akong sinagot. Hindi kasi ako makaimik kaya si Lorenz na lang yung nagsalita.

"Ah sige.. Dito ka sa tabi ko. " ang talandi talaga niyong Lorenz na to. Pero tumabi naman si Pogi sa kanya. Bakit ba di parin ako naimik.

"Hi. Miss. What's your name?  Kanina ka pa kasi nakatitig sa akin eh. Nga pala I'm Kyle De Jesus. " teka may sinabi ba siya. Ah oo nga yung pangngalan ko.


"Ahh.. Ehh..ihh. Kasi. I'm Elandrea Buenavista. Nice to meet you. Kyle " =___= hay buti naman nakapagsalita na ako.

"Ah... Elandrea. Nice to meet you din.. Uhmmm.. Alam mo.. Ang ganda mo.. " ha?! Ano daw?! Ako Maganda. Ano ba tong nararamdaman ko. Bumibilis tibok ng puso.


"Ahh... Ehh..iihh...ooo..uhm. Thank you. " tae!! Ano ba yung sinabi ko.T___T

"Uhm.. You're welcome.. Uhmm. Pwede bang makipagkaibigan? Transferee lang kasi din ako dito eh. "

"Ay syempre naman. Pwedeng pwede Pogi. Diba?? Elandrea. " singit ni Lorenz.

"Uhmm. Oo naman. Pwede. Sure. Why not diba "



The Campus HottiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon