Pamela's P.O.V.
"Wow.. " rinig ko na bulong ni Jotham sa amin ni Elandrea. Siyempre dapat talaga humanga siya sa ganda naman noh. Actually si Elandrea ang nag-aayos sa akin. Istrinaight namin nang maigi yung buhok naming dalawa. Pero ewan ko lang kung nakastraight din ba ang bruhang babae na si Daniela. -___-
"Nasaan si Kyle, Jotham? " tanong ni Elandrea kay Jotham. Oo nga noh. Ngayon ko lang napansin na wala pala yung si Kyle sa harapan namin..
"Ah ang sabi niya sa akin, pupuntahan niya lang daw yung kaklase niyang ikakasal sa marriage booth at kung gusto daw natin siyang sundan. Pwede naman daw para narin maraming tao ang manonood at maghahagis nang petals para dun sa ikakakasal. " ahhh...
Tumango tango naman si Elandrea. "Gusto mo bang sumama? Kasi gusto kong pumunta dun para makigulo lang. Haha. " O.O seryoso ba siya?
Napatingin ako kay Elandrea na nanlaki ang mga mata. Pero tutal wala naman kaming gagawin eh nakisakay naman kami sa trip ni Jotham. Ngayon ko nga lang nalaman na gusto ni Jotham sa mga ganun eh. Hays..
Naglakad na nga kami papunta dun sa marriage booth. Malaki siya. Nakatent pa na puti eh. Bigla namang may lumabas na lalaki na galing dun ata sa loob o sa gilid nang tent.
"Oh.. Papasok ba kayong tatlo? " tanong niya sa aming tatlo. Tumango naman ako pati si Jotham. "Pwede po bang pumasok? " tanong ni Elandrea sa kaniya.
"Pwede naman.. Pero bawal yung ganyan na suot. " tinuro niya yung damit namin. Aba! Ang ganda ganda nga nang suot namin eh.
"Edi hindi na lang kami papasok. " sabi ko sa kaniya pero pinigilan niya kaming tatlo. "Hindi hindi. Ang ibig sabihin ko, bawal yung ganyan na suot pero kung gusto niyo talagang pumasok edi papahiramin ko na lang kayo nung mga damit na nasa loob. Kasi mahigpit yung gustong magkasal eh. Teka babalikan ko kayo ha. "
Biglang nawala yung lalaking kausap namin at pumasok sa may loob nang tent at bumalik rin. Pero may dala dala na siyang tatlong magagandang damit na parang pangkasal at pangabay.
Inabot niya yung coat at yung isang dress na pink sa akin. Terno siya actually kasi may tie pang pink na ibibigay niya kay Jotham. "Yan sa inyo yan. Bale mga pang-abay yan talaga. May sumobra kasi eh. Masyado talagang baliw na maikasal yung lalaking nasa loob kaya ayan. Suot niyo na. " pagpapaliwanag niya sa amin.
Kaya kinuha ko na nga yung damit ko at tinanggal ko na lang yung coat ko na parang uniform pero hindi namin talaga uniform. Costume lang namin para mamaya. Tapos itinara ko yung sando ko at pumunta sa isang gilid na masikip saka ko pinatong yung dress. Infernes maganda siya. Pero hindi ako sanay sa ganito eh.
"Ganda ah. Bagay sayo. " sabi ni Jotham sa akin pagbalik ko sa pinagpepwestuhan nila mula kaninang iniwan ko sila sa unahan nang tent. "Bagay rin sayo yang suot mo. " bawi ko sa sinabi niya sa akin. Terno kaya kami ngayon.
"Wala na ba talagang iba? " napatingin ako kay Elandrea na mukhang ayaw nung ibinibigay sa kaniya nung lalaki. "Wala na talaga eh. " sagot niya naman. Tiningnan ko yung hawak hawk nung lalaki na di namin kilala. Medyo masmahaba yung dress na ibinibigay niya kay Elandrea. Hahaha. Baka mapagkamalan siya yung ikakasal.
"Wala na ba talaga? Kasi mukhang siya yung ikakasal diyan eh. " banat ko sa kaniya. Napatingin naman sa akin si Jotham at sinamaan ako nang tingin.
'Anoba?! ' bulong niya sa akin kaya napaatas yung kilay ko. 'Siya nga yung.. '
"Sige sige. Susuotin ko na. Siguro di na naman ako mapapansin kasi baka nagsisimula na yung kasal nila. Akin na. " kinuha ni Elandrea yung damit at sinuot na dun sa may isang madilim na gilid na pinanggagalingan ko.
"Wow! Ang ganda mo te! " sabi ko sa kaniya pagkakita ko sa kaniya. Mukha talagang siya yung ikakasal. "Sya sya, lika na nga. "
***
Elandrea's P.O.V.
"Okay kayo muna ang pumasok. Tapos siya na lang sa may likod niyo. Kasi magkaterno kayong dalawa at ako na lang sasabay sayo. Para terno tayo, okay ba yun? " tanong sa akin nung lalaking di ko kilala. Aba! Baka makita pa ako ni Kyle magselos pa yun.
Pero paano ko siya makikita kung hindi ako papayag diba? Kaya papayag na lang ako. "Ge, lika na. Baka nagsisimula na yung ceremony sa kasal. "
***
Pumasok na sila Pamela at Jotham at after siguro mga ilang segundo sumunod na rin kami sa loob.
Pagkapasok namin, ang liwanag sobra. Parang nasa langit na ako. Chos! Haha. Hindi noh. Haha. Parang nga lang diba. Haha. Unti unti kong naramdaman na nawala na si Mister Walang Pangngalan dahil hindi siya nagpakilala sa amin.
Minulat ko yung mata ko at nanlaki naman ang mga mata ko sa nakita ko. Si Kyle nasa harapan na nasa harapan naman nang kunyaring pari na si Ryan. Actually hindi bagay sa kaniya eh. Kasi hindi naman siya mukhang banal. Nagpapakabanal lang talaga. -___-
Pumunta sa akin si Kyle at ningitian lang ako. Ano ba naman to! Parang parang.. May mga paru-paro sa tiyan ko na nalipad. Ganitong ganito yung mga babae sa mga nababasa ko sa wattpad eh.
Sasabihin nila na. There are butterflies fluttering inside my stomach. Ganon! Ang daming alam.
Dinala ako ni Kyle sa unahan medyo nahihiya pa nga ako eh. Kasi ba naman. Hindi pa ako sinabihan. Tanong maiintindihan ko naman kasi gusto rin nang ganito. ^__~
"Okay. Mr. Kyle De Jesus, tinatanggap mo ba si Elandrea bilang kabiyak mo habang buhay? " nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Ryan. Este ni Father.
"Teka teka.. Father yan agad? " tanong ko sa kaniya.
"Oo bakit may angal ka? Ipatitigil mo ba itong kasal na to? Sabihin mo lang habang maaga pa. Para hindi na umasa pa ang lalaking katabi mo na tunay na nagmamahal sayo. " nilapitan ni Ryan yung mukha niya sa akin. Tss.
"Actually father gustong gusto ko. Tuloy mo na lang. Sige. " ngumiti ako at tumingin kay Kyle na tiningnan rin ako.
"Yes, I do father. "
Tatanongin na sana ako ni Ryan pero inunahan ko na siya noh. Ang dami dami niyang sinasabi eh.
"Yes, I do Father. "
***
"MABUHAY ANG BAGONG KASAL! "
BINABASA MO ANG
The Campus Hotties
RandomSimple lang ang buhay nang isang napakaganda at napakaganda at napakasexy {sobrang sexy} na si Pamela nang biglang dumating sa buhay niya ang iritable na si Elandrea at pati si Daniela na sobrang tahimik para pigilan sila na laging mag-away. May pag...