Back at Chapter 38...
Bakit nga ba tulala si Avril pagpasok sa classroom???
"Please... Please na. Please na kasi Avril. Pagbigyan mo na ako kahit isang beses lang tapos wag na natin ulitin. Please na nagmamakaawa na ako sayo. Pagbigyan mo na ako. " paulit-ulit na pagmamakaawa ni Yuki sa akin.
Alam niyo minsan sumasagi sa isipan ko kung gangster ba talaga to eh. Kasi sobrang kulit niya. >.<
"Alam ko na. " napatingin ako sa kaniya at napakunot yung noo ko nang bigla siyang lumuhod.
O.O
"Huy! Ano ka ba. Wag kang magiskandalo diyan. Para kang magpopropose sa akin nang hindi oras. Wag ganyan. Tumayo ka na nga diyan. " pagpapatayo ko sa kaniya pero ngumiti lang siya at pinagdikit niya yung kamay niya.
"Please. Makipagdate ka na kasi sa akin. Kung hindi.. Hindi ako tatayo dito. Sige ka. Bilian mo na. " aba. Nginitian ko na lang siya.
"A.YO. KO. Kaya bahala ka diyan. " pagkasagot ko nun sa kaniya naglakad na ako. Aba. Bahala siya dun.
Pero biglang nag-cling yung kamay niya sa braso at parang may naramdaman akong kakaiba.
"Aha! Alam ko na! >.< " tinulak ko siya papalayo sa akin. Ang sakit sa tenga.
May lumabas ata na bombilya sa utak nang lalaking to eh.
"Alam ko na!! "
"Oo nga. Alam mo na. Wag ka ngang sumigaw. Ang sakit sa tenga eh. Bahala ka na nga diyan. " aalis na sana ako nang hilahin niya ako.
"Oh. Ano na naman ha? "
"Laban tayo. " O.O nanlaki mata ko sa sinabi niya.
Seryoso ba tong taong kaharap ko. Maglalaban kami eh. Ang tagal na nung huling nakipaglaban ako sa mga gangster.
"Seryoso ka? "
"Oo nga. Ganito pagnanalo ako at natalo ka. Makikipagdate ka na sa akin. Maraming beses. Pero... Kapag nanalo ka ikaw na bahala. Kung anong gusto mong ipagawa mo sa akin. Kung gusto mo halikan kita, hahalikan kita. Kung gusto mong maghubad ako nang brief sa harapan mo. Gagawin ko. Anything for you, my Avril. " O.O
Maghuhubad nang brief sa harapan ko? Eww. Bad idea yun. Pero kung hahalikan niya ako.. Siguro pwede na. Hahaha. Lols.
"Ano? Game? Please na. "
"Sige na nga. Game. " sabi ko sa kaniya.
"Eh.. Parang napipilitan ka yata eh o baka naman.. "
"Baka naman. Ano? " tong lalaki na to. Ang daming alam.
"Natatakot ka. " O.O
"Ano?! Hindi! There's nothing that can made me coward. But if you insist. Then I'll give you the fight that you want. "
***
Kinuha muna namin yung armas namin kahit na wala na naman akong balak na gamitin yun. Buti na lang tinago ko yung katana ko sa locker ko dito sa school kung hindi wala akong magagamit.
BINABASA MO ANG
The Campus Hotties
RandomSimple lang ang buhay nang isang napakaganda at napakaganda at napakasexy {sobrang sexy} na si Pamela nang biglang dumating sa buhay niya ang iritable na si Elandrea at pati si Daniela na sobrang tahimik para pigilan sila na laging mag-away. May pag...