Pamela's P.O.V.
Kaasar talaga yung JERKELANDREA na yun eh! Masmasarap daw ang Pillows kaysa Loaded. Baligtad yata utak nun eh. Pero okay na din. Nalibre pa ako ni Daniela ng di oras eh. Heheheheh. ^____^
Naglalakad na ako sa hallway. kit ko kasi kaninang umaga na nakuha ako sa Photography Club. Pati nga si Jotham nakuha eh. Sakto kasama ko siya. Dun ko na lang siya laging aasarin.
Pero teka nga lang. Si Jotham may kausap sa hagdan? Babae? Teka si Sofia yun ah. Eto na naman po ako. Bakit ba parang my kumukurot sa hearty ko. Bwisit. Makaalis na nga. Kaya ko to, malalagpasan ko sila. Alam ko yun, ako pa.
Unti-unti na nga akong naglakad. Nang madaanan ko sila di ko sila tiningnan. Pero naramdaman kong tumingin sila sakin. Hay... Papansin lang.
***
"Ano ba yan. Kainis. May gawain agad dito sa Photography Club. " himutok ko paglabas. Agad-agad ba naman. Kala ko naman walang gawain dito. Kaya nga dito ako sumali eh.
"Pam! " napalingon ako sa tumawag sakin si Jotham. Teka!! Bakit nagsoslow-mo mundo ko. Di pwede to.
"Huy.. Pam. Okay ka lang." Pisil pisil niya pa yung pisngi ko. Kaya hinampas ko yun.
"Anong problema mo?! Aray ha! " ah. Teka. Nasaktan ko siya.
"Ah. Masakit?! Saan?! Hala. Sorry. " nagchuckle siya bigla. Ang cute niya pala. Ay ano ba tong iniisip ko. Takte!! Bawiin mo yun.
"Yiii. Wag ka nga ganyan sakin Pam. Pinapakita mo sakin na concern ka sakin eh. Hay.. Wala na talaga akong magagawa sayo. Mukhang tinamaan ka na yata sakin eh. " ha?! Tinamaan!! In your dreams. Di ko na siya sinagot. Kaya nagwalk-out na ko. Bwisit.
Pero biglang may humigit sa braso ko at tumabi sakin bigla. Si Jotham. Sinundan pa ko.
"Galit ka na nun? Hay. Sorry na. Wala akong mapagtripan ngayon eh. " Edi.. Pumunta ka dun sa crush mo na si Sofia. Na mukhang Hopia. Ang taba kaya ng mukha nun. Mabilog pa katawan. Pinagkaiba lang naman namin eh yung boobae namin. Sa kanya malaki tas yung sakin... Medyo malaki lang. Pagawa yata yung sa kanya eh.
"Huy sorry na. Is it too late now to say sorry??? " kinanta niya yun. Ano JB lang tayo ngayon? Pero bigla siyang nagpout at nagpuppy eyes. Ahhhh!!! Jotham. Jusko! Ano bang ginagawa mo. Naasar na ko sayo.
"Sige na nga. Bwisit ka. " nagchuckle na naman po siya. Kabwisit lang pero ang cute niya. Ay ano na naman ba tong iniisip ko ha?!
Lagot ka sakin author!!!
***
Elandrea's P.O.V.
As usual alam niyo na siguro kung nasaan kami. Siyempre nasa classroom. Natural sa Campus lang naman iikot kwento namin eh. Yung author kasi dyan..
[A/N: Problema mo ha??? Wala akong naisip na story eh. Gawin kaya kitang bruha na may salamin at maraming nunal. Papangitin kaya kita dyan.]
Ay bad yan author. Ako pa naman favorite nila tapos gagawin mo kong nerdy na bruha na something. Pano na kami ni Kyle baka di niya na ko magustuhan. ^______^
[A/N: Ewan ko sayo!!! ]
Sige na nga. Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit ko kinakausap yung author ng book na to. Pero napapansin niyo ba na madalas niyang sinisingit yung gusto niyang sabihin. ????
Pero sige na nga. Masyado na akong mean kay author. Imbes na comedy tong story niya. Magiging drama pa to.
At yun na nga wala naman kasi akong masyadong ginagawa. Actually nakuha ako sa Gazette Club. Nagandahan daw sila sa article na ginawa ko. Siyempre inspired eh. Kay Angelo sa PSY at saka kay... Kyle. Na nagiging dahilan ko para mabuhay sa araw-araw. Pero tama na nga.. RomCom ang story na ito eh.
Ayun..
"Excuse po. Kay Ms. Buenavista. " biglang may nagexcuse sakin na lalaki. Kasamahan ko sa Gazette Club.
"Oh.. David. " oo na tama kayo. David Loyzaga siya actually. Kabwisit nga siya. Kaklase ko kasi din to sa Green Field High. Tapos kapangalan nung umaangkin kay Yna. Bwisit talaga. Bago pa dumating yung PamPanget na yun sa lifey ko. Siya una kong kinaiinisan.
"Uhm.. Elandrea. May papagawa pala daw satin si Ma'am. Nakalimutan niya daw na sabihin kanina. After daw makuhanan ng pictures nila Pam at Jotham yung mga kailangan nilang kunan. Gagawa daw tayo ng article about it. At saka ang kapartner ko si Jotham. Kaya technically... Partner mo si Pam. Yun lang. Sige una na ko. " what the?! Partner ko si PamPanget?! Bad idea, author. Kanina ka pa talaga pahamak sa buhay ko. As in parang partners in crime? Hay... Kaasar.
Pero teka nga. Si Kyle papadaan.
"Oh, hello. Ky-- " nilagpasan niya ako. Pero bakit? Hinabol kl siya at hinawakan ko siya sa braso niya. Grabe huggable pala siya. Ay focus!!!
Nagulat naman siya sakin pero sinamaan niya lang ako ng tingin.
"Uy.. Kyle. Problema mo ha? Magsalita ka naman.. Please " nagpuppy eyes effect pa ako para lang mapasagot siya. Pero siyempre umeffect din noh.
"Ikaw. " ha?! Ako daw?! Anong nagawa ko.
"Ikaw ang problema ko. Boyfriend mo ba yung si David Loyzaga. Hanggang dito ba naman sinundan ka. Ayos din ah. " ha?! Teka nga...
"Nagseselos ka ba? " tanong ko sa kanya. Na ikinagulat na naman niya. Ang cute niya talaga kapag nagugulat siya.
"Ako?! Nagseselos. Ano yun. " nako nagmamangmaangan pa. Huli na naman.
"Hay.. Wala. Ang sabi ko ang cute mo at isa pa hindi ko po boyfriend si David. Kasamahan ko lang po yun sa Gazette Club. " bigla naman siyang napabuntong hininga. You know ang cute niya talaga.
BINABASA MO ANG
The Campus Hotties
De TodoSimple lang ang buhay nang isang napakaganda at napakaganda at napakasexy {sobrang sexy} na si Pamela nang biglang dumating sa buhay niya ang iritable na si Elandrea at pati si Daniela na sobrang tahimik para pigilan sila na laging mag-away. May pag...