Pamela's P.O.V.
"Kaasar naman oh. Sa lahat lahat ng tao sa mundong earth. Why them?! Hay.. " buntong hininga ko.
"Ano bang problema mo sa kanila? Mukha naman silang okay eh. " napatingin ako ng masama kay Jhayel. Well actually di ko rin alam eh.
"Hay. Di bale na nga. Isasantabi ko muna yang galit na yan. Pero ano bang magandang pangngalan para sa banda namin?? " kasi naman eh. Di pa si Ma'am ang nagisip. Pero baka pag siya rin ang nagiisip. Panget ang kalabasan. Hay!!! Ang gulo!!!
Bigla namang dumating yung dalawa. Pinapunta yata ni Jhayel. Ano bang trip nitong tao na to?! Pinatabi pa talaga sakin. Ako sa gitna. Sa left ko si Daniela. At si JERKELANDREA sa right ko. >.<
"Uhmmm.. Ano may naiisip na ba kayo? " tanong ni Jhayel kila Juls at Ryan na makatingin samin. What's wrong with them ba?! Kailangan pa talaga kaming pagtabihin ng mga to oh.
"Wala pa eh. Ikaw ba? " -Juls
"Wala pa din " -Jhayel
"Aha!! Star Bands! " what?! Star Wars panigurado nasa isip niyong lalaki na to eh.
"Wag yun. Ang panget. " -Juls at Jhayel.
"Uhmmm.. Ano kaya? " -Juls
"Alam ko na. Hasht3 " ngekk.. Ang panget na idea naman nan Jhayel.
"Peace lang naman eh. Sabi ko nga panget yun. " nako.
"Ela. " napatingin naman ako. Napatingin din ako dun sa dalawa na napatingin din. Ano to nakikitingin lang. Eh ako ang tinatawag.
"Tss. I said Daniela. Not Pamela or Elandrea. " tapos naglakad na papalayo si Avril kasama si Diego.
"Oo nga no. " hay. Ano na naman kaya naisip nitong si Jhayel. Panigurado panget na naman yun.
"Three Ela's. Pareparehas kasi kayong may Ela sa names niyo . Pero parang may kulang... " oo nga no. May kulang pero good idea yun ah.
"Aha!! Three Sexy Ela's !! " sigawan naming anim. Yup you heard me right. Kaming anim. Kasama yung dalawang babae.
***
"Ma'am!!!! Wait po Ma'am ! " sigaw namin habang takbong takbo papunta kay Ma'am. Tapos huminto na siya. Buti naman. Nakakapagod kayang habulin ang isang tao.
"O why? Ms. Montemayor.. "
"Ma'am. Kasi may name na po band namin. Gusto lang po namin sa inyong sabihin. "
"Ah okay. Ano ba yun? Sakto pupunta na ako dun sa office para ipalista ko kayo. "
"Three Sexy Ela's. "
***
Elandrea's P.O.V.
Okay. Kung tinatanong niyo po kung nasaan po ako at sinong kasama ko. Nasa canteen ako kasama yung si PamPanget at si Daniela.
"Oh ano. Ano bang gagawin natin dito? " tanong ko kay PamPanget. Kasi ba naman eh. Kailangan daw naming magusap-usap.
"Schedule. We need schedule for our practice. Kailan kaya pwede? " sabi ni PamPanget. Oo nga no.
"Tuesdays and Thursday. " sabi ni Daniela. Oo nga no. Pero saan?
"Sa Music Room. Tuwing M-W-F naman ang practice namin eh. Ang kaso panigurado may makikihiram dun. Kaya kailangan may second option tayo for the room na pagpapractican natin. " -Daniela
"Saan kaya?? " nagtitigan kaming tatlo ng maigi. Pero wala kaming maisip parin kaya tumingin na lang kami sa ibang direksyon.
Saan kaya??
"Wow ha. May himala nga. Tama si Nora Aunor. " sila Juls. Bakit kaya niya kasama si Diego. Ohmyg!! Ayii. Si Diego.
"Ano bang sinasabi mo? " si PamPanget.
"Ayan oh. Kayong tatlo naguusap ng di nagbabangayan. " dagdag ni Diego. Oo nga no.
Napatingin ako kay PamPanget at kay Daniela. Pero inirapan ko na lang sila. Bahala sila dyan.
***
Paguwi ko. Siyempre humiga muna ako. Tapos tiningnan ko yung phone ko.
Pero biglang may kumatok sa pintuan ko.
"Come in!! "
O____O
Si mommy!!
"Ma!! Bakit?! "
"Surprise anak. " si mommy I can't believe it. My mom is here. Galing kasi siyang states. Wala naman akong galit sa kanya or whatever you're thinking of. Actually ang name niya Claudia Macaspac. ^___^ promise!!
"Ma. Kailan pa kayo dumating? Why didn't you texted me? Edi sana na sundo pa kita sa airport. "
"Kanina lang. At saka surprise nga diba kaya okay lang yun. Nga pala magkwento ka. "
Edi ayun kwinento ko yung tungkol sa School at saka yung mga new friends ko. Maliban lang kay Kyle.
"Ganun ba? Parang ang dami ko tuloy na-miss tungkol sayo. "
"Mom. Okay lang yun. "
"Uy nga pala. Sakto may sasabihin ako sayo. " biglang tumunog yung phone ni mommy. Hay. Phone calls always.
Pag lagi kasi kaming naguusap ni mommy lagi na lang biglang may asungot na tatawag sa kanya. Mga partners niya sa business. You heard it right. Actually meron talaga kaming company. Three companies. One her, then in Japan and in States.
Minsan nga dahil diyan sa business na yan natitripan akong ipa-fiz marriage. Pero sabi ko ayoko. Pinipilit ko talaga na ayoko. Aba! Ayoko ng ganyan noh buti ba naman kung gwapo. At saka bawal na talaga sa ganyan kasi may nagmamay-ari na ng puso ko. Kilala niyo na siguro yun....
Si KYLE.
"Ay...anak. Sa susunod ko na lang pala sasabihin yun. Una na ako. Bye. "
Ayan. Ayan ang pinakamalalang parte ng buhay ko. Yung tipong kausap ko si Mommy pero dahil sa asungot na kausap niya na kung sino man yun. After niya makausap yun aalis na siya. Kahit kakarating palang niya. -____-
"Sige po. " sabi ko pagkasarado ni mommy sa pintuan ko.
Pero bigla namang tumunog yung phone ko. Sino to? Text kasi siya. Aaahhh!!!
Si Kyle. ^___ ^
Kyle: Hello!! Musta ka? Sorry ngayon lang ako nakapagtext sayo nagpaload pa kasi ako eh.
Ay grabe siya o!! Pinapakilig niya ko masyado.
Me: Okay naman! Ikaw ba?
Pero okay nga lang ba talaga ako? Kasi nandyan na naman si Mommy eh. -____-
Kyle: okay lang naman. Sige! Matulog ka na baka mapuyat ka pa dahil lang sakin. Goodnight!! Sweet dreams!!
Jusko Kyle kung alam mo lang gusto pa kitang makausap. Pero sige na nga. Sabi mo e. Kaya sususndin ko na.
Me: sige. Goodnight din!! Sweet dreams!!
Kyle: ^______^
Wattpad yun ah!! Pano niya nalaman yung emoticon na yun?! Di bale na nga lang makatulog na nga lang akesh. Maaga pa ko bukas.
BINABASA MO ANG
The Campus Hotties
De TodoSimple lang ang buhay nang isang napakaganda at napakaganda at napakasexy {sobrang sexy} na si Pamela nang biglang dumating sa buhay niya ang iritable na si Elandrea at pati si Daniela na sobrang tahimik para pigilan sila na laging mag-away. May pag...