Pamela's P.O.V.
Tama nga si Miss! May mga Booths at mga Stands sila. Mukhang nagbabawi talaga ang school namin ngayong year kasi last year. Walang ganito kasi last year eh. Hahaha.
Pagkadating na pagkadating ko sa may gymnasium namin nilibot ko na agad ang tingin ko para hanapin ko si Elandrea pero wala naman siya. Aba!
Medyo rin marami rami na rin ang nasa gymnasium. Kailangan pa kasi namin mag-ayos para sa pagkanta namin.
Aha! Biglang may lumabas na bombilya sa utak ko at nakaisip na ako nang paraan para mahanap ko siya.
Hinanap ko yung stage at nakita ko naman. Nagpunta na ako dun sa may gilid nang stage kasi nandun yung nag aayos nang audio at saka mga instruments na gagamitin namin.
May nakita akong Kuya na nag-aayos nang instruments at nakita ko rin yung microphone kaya kinalabit ko si Kuya at humarap naman siya sa akin.
"Kuya, pahiram po nung Mike Enriquez. Please. " sabi ko kay kuya pero biglang kumunot yung noo niya. Ano bang problema sa sinabi ko? Mike.. Okay. Gets ko na.
Slow si Kuya.
"Ang ibig sabihin ko po, pahiram po nung microphone po saglit. May gagawin lang po. Mabilis lang. "
"Ah. Okay. Here. " inabot sa akin ni Kuya yung microphone at kinuha ko naman yun.
Saka ko siya Minike Test at umubo ubo pa bago ko sabihin yung mga gusto kong sabihin sa sambayanan.
"Okay. Hello, Emperorian's. Nabitawan ko po kasi yung mga alaga kong unggoy eh di ko na po sila makita pa. Nagbabakasakali lang po ako na nakita niyo sila kaya eto po. Nandito po ako at pinepage sila Elandrea Buenavista. Elandrea Buenavista. At si Daniela Dela Fuente. Daniela Dela Fuente. Pinepage kayo nang napakagandang babae na si Pamela Montemayor. Pamela Montemayor. Uulitin ko lang po. Elandrea Buenavista at Daniela Dela Fuente. Paging paging. Yun lang. Thanks. "
Pagkatapos ko magspeech na minsan ko lang magawa sa isang taon. Binalik ko na rin yung mic kay Kuya. Natawa pa nga siya sa akin eh. Hahaha. Mga Unggoy na nakawala.
***
Elandrea's P.O.V.
Mga Unggoy?! Yung MONTEMAYOR na yun! Kahit kailan talaga! Kasama ko lang si Kyle eh.
Nang marinig ko yung pagpage sa akin at kay Daniela ni Pamela inaya ko si Kyle na pumunta kami dun at sugurin ko na si Pamela.
Nagpunta na kami sa may gilid nang stage at kitang kita ko ang Bruha na nagtawag samin na Unggoy ni Daniela. >.<
Nakakapag-init nang dugo!
"MONTEMAYOR!! "
Napalingon siya sa akin na nakangiting aso. Kamukha niya tuloy si Joker. Haha.
"Oh! Ikaw na pala! Good Monkey! Lika na nga rito! " inirapan ko siya at hinigit ko si Kyle.
Naglakad lang ako nang lakad nang bigla akong may natapakan na panyo kaya nadulas ako.
"Elandrea! " sigaw ni Pam.
Pero bigla naman akong nasalo kaagad agad ni Knight and Shining Armor ko. Hays.
"Thank you. " bulong ko Kyle habang buhat buhat niya parin yung likod ko saka niya ako tinayo. "My Savior. " sabi ko ulit sa kaniya.
"Nako wala yun. Basta ikaw hindi kita hahayaan na masaktan at mahulog sa iba. " Hays.. Iba rin ang nagagagawa nang sweet at loyal na lalaki sayo eh. Kaloka!
"Wag kang mag-alala. Sa susunod, tayo naman ang magiging ganyang kasweet. Kung gusto mo, masmatamis pa sa tsokolate na paborito mo. "
Napatingin ako dun sa nagsalita. Sabi na nga ba, eh. Si Jotham dumating na. Siguro narinig niya yung nakakainis na pagpepage sa amin ni Pamela.
"Ewan ko sayo. Masgusto ko pa ang maasim. Lumayo ka nga sa akin! " pagpapataboy ni Pamela sa kaniya. Tss. Kung alam ko lang eh. Gusto rin naman niya. Hahaha. Bruha talaga siya.
"Uhh.. Nasaan si Daniela? " tanong ni Pam sa akin nang nakalapit na kami ni Kyle sa kaniya. "Diba pinage mo na siya. Bakit wala pa? " tanong ko sa kaniya.
"Baka naman wala pa dito at mamaya pa ang dating niya. " singit ni Kyle. "Oo nga naman. Baka malelate lang. Darating naman yun. Wag kayong mag-alala dun. Panigurado di niya kayo iindianin. " dagdag pa ni Jotham.
"Sa bagay. Ganito na lang. Pagwala pa siya nang ten. Magbihis at mag-ayos na tayo. Para di tayo mahuli mamaya. At saka isa pa, malay natin dumating siya nang nakacostume na diba? Naibigay naman natin sa kaniya yun eh. " sabi ni Pam na nakapameywang pa.
"Yon! Sige maghintay lang tayo dito tapos ipapage mo na lang siya kapag ten na. " suggest ni Jotham na sinang-ayunan naman naming lahat.
***
10:00
Nagpunta na kaagad si Pam kay Kuya sa mic para ipage si Daniela pagkakita niya nang oras sa relo niya.
"Ehem ehem. Ipepage ko lang ulit po si Daniela Dela Fuente na isa ko pang unggoy. Kung nandyan ka na. Punta ka na lang sa gilid nang stage. Daniela Dela Fuente. Paging paging. "
Naghintay muna kami hanggang sa dumating si Daniela pero ten thirty na. Wala pa si Daniela kaya nagpunta na kami sa dressing room.
"Oh. Bakit pa nandito yan? " tanong ni Pamela sa akin na turo turo pa si Kyle. Point point. Tumingin naman ako kay Kyle.
"Labas ka na. " sabi ko sa kaniya. "Baka may maitulong ako sa inyo eh. Dito na lang ako." O.O
"Aba aba aba! Anong tulong ang sinasabi mo ha?! Kung gusto mong tumulong lumabas ka na lang! Tsupi tsupi! " pagpapaalis ni Pamela kay Kyle kaya naman ngumuso ako sa kaniya.
Papaalis na sana si Kyle sa may dressing room nang bigla siyang pigilan ni Pam. Ano kayang problema niya?
"Walang sisilip ha! Kung hindi makakatikim kayo sa akin ni Jotham nang upper cut! "
Hahahaha. Conservative si Ateng Baliwag!
BINABASA MO ANG
The Campus Hotties
RandomSimple lang ang buhay nang isang napakaganda at napakaganda at napakasexy {sobrang sexy} na si Pamela nang biglang dumating sa buhay niya ang iritable na si Elandrea at pati si Daniela na sobrang tahimik para pigilan sila na laging mag-away. May pag...