Chapter 9 - Jelly

49 2 3
                                    

Elandrea's P.O.V

Grabe one week na rin ang nakalipas. Buti nga tinigilan na ako nung PamPanget na yun eh. Buti nga sa kanya. Siguro nagsawa na siya. Pero balita ko may iba yung kinukulit ngayon eh. Si Jotham. Actually bagay sila. And by the way, going strong lang kami ni Kyle. Pero huy kayo wala paring kaming status or something like in a relationship noh. ^____^


Oh ayun pala si Lorenz??

"Lorenz?? Bakit parang? " bigla siyang humagulgol. Actually nasa labas kami ng CR ngayon. Sobrang iyak na iyak lang siya.


"OK lang yan. Ano bang-- ?? "

"Si Raymart!! May masamang babae.... " Uh Oh...

"Sige iiyak mo lang yan. Lika dun tayo sa bench. " at pumunta naman kami dun.

"Si Raymart. May babaeng katawanan.. Ang sakit.... Ang sakit sakit sakit sakit sakit... Dito. " okay? Siguro mga ten times niya siguro sinabi yung word na SAKIT. Siguro nga ang sakit nun.


"Hay.. Ayan ang problems satin eh.. Masyadong-- ay Mali. Mali yung term ko. Ang tama pala ay. Nafall ka na sa kanya. Diba ?? " bigla siyang napatigil sa pagiyak.

"Pero.. Kasi.. "

"Lorenz.. Ganito ha. Diba lalaki si Raymart. Straight siya at ikaw.... Baluktot?? " sumama tingin niya. Hala. Saan ba kasi nanggaling yung word na Baluktot. Author!! Maiba na nga lang.


"Uhm.. I mean is..mahirap talaga yang sitwasyon mo okay. Syempre yung mga malaking katulad ni Raymart maghahanap talaga ng.. babae. "


"Ouch naman diyan " sabi niya.


"Alam mo. Di naman masamang magmahal. Pero sa katulad niyo na parehas na lalaki.. " bigla sumama na naman tingin niy. Ano ba? Tam naman sabi ko eh.

"Okay. Kal-ma. Isang lalaki at isang? Lalaki... Na may pusong babae... ^___^ dapat friends lang talaga kayo. Okay ba yun? " napangiti naman siya sakin at niyakap ako.

"Thank you, mommy. " hala?? Anong mommy! Hinampas ko yung kamay niya sakin.

"Ouch. Masakit na nga puso ko sasaktan mo pa ang magaganda kong kamay? " ang Arte naman nito.


"Aba!! Maka-mommy kasi eh. " nagtawanan lang kami. Hanggang sa.

1....



2...


3...



"Hay nako!!! " haahhaahaha!! Tama nga sabi nila. Yung mga masasayang tao may tinatago ding lungkot sa mga mata nila. At siyempre isa na dun si Lorenz. ^_____^


***

Lorenz P.O.V.


Okay. Last na point of view ko po ito. Wag na po kayo magreklamo pero kung gusto niyo po talagang magreklamo. Sa author po kayo maghain ng reklamo. Wag sa judge.

[A/N: Ewan ko sayo!! Hay nako!!!]

Bahala ka nga diyan author. Hay nako!! Gayagaya ka ng tagline. Hay nako!!

After magadvice sakin ni Elandrea a.k.a. Mommy. Yes she is my new mommy. Hinanap ko na siya. Siyempre walang iba kundi si Raymart. Actually sa section C siya eh. Pero wala na namang mga teachers eh kaya panigurado nasa labas siya ngayon.


Ayun!! Nakita ko siya.... Ang kaso kasama niya yung babae niya. Na naman. Pero dahil sa echosera ng frogy ako lalapit ako. Pero siyempre di ko siya aawayin.

"Hello. Raymart. " pero di napatingin lang siya sakin at ngumiti. Ang gwapo niya talaga.

"Siya ba si Lorenz? Raymart? Hi. Ako nga pala si Diane. " teka?? Paano niya nalaman ang name ko??

"Ah.. Lagi ka kasing nakekwento sakin ni Raymart. Sabi niya nakakatuwa ka raw. At mukhang totoo nga. Mukhang nakakatuwa ka nga.  " napatingin lang ulit ako kay Raymart at ngumiti ulit siya sakin.

"Ah ganun ba.. Nako wala yun. Sige una na ako. Sige nice to meet you, Diane. " nagpaalam na ako sa kanya. I mean sa kanilang dalawa.

Hay nako!! Utak ko talaga. Siguro ako lang tinatawanan nila nung isang araw. Pero alam niyo sa tingin ko bagay sila Diane at Raymart. Kaya ipapaubaya mo na lang si Raymart sa kanya. ^____^


Bahala siyang umiyak kay Raymart. Hahaha. De joke lang. Peace be with you. ^___^v

***

Pamela's P.O.V.


Hayyy!!! Nakakaasar at nakakapagod. Ayaw parin sakin ni Jotham kung sino crush niya kainis. Bwisit talaga. Actually di ko na nga siya mahanap eh.


Teka nga! Siya ba yung nasa hagdan. At teka may tinutulungan siyang babae. Si Sofia. Yung sa 7D!! Oo nga.

Pero bakit ganito nararamdaman ko. Parang nag-- hay!! Parang wala. To naman oh. Makabalik na nga lang sa classroom baka may teacher na ulit.


***

Pagkapasok ko nagkakagulo na naman. At nakagilid pa yung mga upuan sa tabi anong meron? Tapos may sound system pa? Anyare? Nawala lang ako may sound system na agad?

"Huy. Jhayel Faulkerson. Anong nangyayari dito? " humarap naman siya sakin. Actually nagsasayaw siya eh. Pangistorbo lang.

"Kailangan talaga full name ko sabihin mo? " ang Arte naman nito.

"Oo. Pake mo. Sabing ano nga ang nangyayari dito? "

"To naman oh. Ang Taray. Ano pa nga ba Edi nagsasayaw. I mean nagsasayaw. Party-party lang kumbaga. " ah.. AkalA ko naman kung ano na ang nangyayari eh. Kaya napaupo na lang ako sa gilid. Siyempre sa upuan. Alangan sa sahig. Pero oo nga no. Pwede din yun.

"May problema no? Ano? Saan? Family? Personal life? Financial Problem? Or.... Love life? " ah!! Ano?!love life! Anong sinasabi ng baklang to.


"Balita ko. May nilalapitan daw na bagong babae si Jotham. Sabi nung mga boys. Si Sofia ng 7D. " teka! Alam niya din yun. Pero bakit ganito ba tong nararamdaman ko kanina pa iyo ah. Nakakabwisit.


"Love life ang problema mo no? Silence means Yes. " ah ganun ah.

"Hindi! Tiggilan mo nga ako. Ano naman ngayon kung may nilalapitan na babae yun si Jotham na pangngalan ay Sofia? Ha? Bansagan ko pa sila na JOPIA eh!! " teka nga. Parang masarao yun ah. Diba pagkain yun. Yung Hopia ba yun?

"Nako. Deny pa more. Never pa kasi naiinlove eh. Kaya ganyan. " ano bang sinasabi nito?! Kabwisit ah!

"Di mo ba talaga ako titigilan. Ikaw na Jhayel ka ha. Umayos ka may crush ka lang Alden Richards eh. Wala kay Yaya Dub na yun. " napatayo naman siya bigla.


"Ahh!! Bahala ka nga diyan. Bahala ka. Kung si Alden may Yaya Dub na. Bahala ka kasi yung Jotham may labidabs mo may Sofia na!! Isasayaw ko na nga lang to! " silence. Silence ang nangyari after sinabi yun ni Jhayel. Napatitig sakin yung mga kaklase ko. Patay!! Ano ba kasing trip niyong bakla na to?

"MAY CRUSH KA KAY JOTHAM!! " sigaw nila. Pero bigalang may dumating... Si.....




O_____O


"Sinong may crush sakin? "


Si Jotham!!!!

The Campus HottiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon