Chapter 32 - Apology Accepted

21 2 0
                                    

Elandrea's P.O.V.

One week na din. Mula nung inaway ko si Daniela at pinagsabihan ng hindi magagandang salita. Pero di parin ako nagsosorry sa kanya. Kahit na gustong gusto ko na.



"Anong gagawin ko??? Sabihin niyo sakin. Kung anong gagawin ko. " reklamo ko sa mga kasama ko sa table na kinauupuan ko sa canteen.



"Hay. Elandrea. Kakausapin mo lang siya. Yun lang. " yun lang ba talaga yun. Baka kasi..



"Alam mo kung magalit siya at hindi niya tanggapin yung sorry mo sa kanya. Problema niya na yun. Problema na yun ni Daniela. " sabi sakin ni Pamela.



Ng biglang may dumaan na lalaki. Napatingin ako sa kanya. Kaamoy niya kasi si Kyle. Pero di siya si Kyle. Namiss COLOMBIA pa ako. Ano ba yan.



Dalawa na problema ko. Una kay Kyle. Miss ko na siya. Gusto kong magsorry sa kanya. Gusto kong magsorry sa kanila ng dalawa ni Daniela. Pero pinaiiral ng utak ko yung Tide, Ariel at PRIDE ko. ( yung mga sabong panglaba yun. ) ^____^



"Kaya mo yan. Tiwala lang. " oo nga naman. Sabi yun ni Leane. Tiwala lang. Kaya ko to. Yung Angelo na yun kasi naman. Kainis.

*tweet**tweet*

Biglang tumunog cellphone nilang tatlo. Sila Pam, Lorenz at Leane. Aba! Ano sabay-sabay lang mawawalan ng load?!

"Ah, Elandrea. Una lang kami ha. " aba. Hindi ako papayag.

"Ha? Saan naman kayo pupunta ha. Pati ba naman kayo tatalikuran ako katulad ni Kyle. Please naman. Wag niyo ko iwan. " nagmakaawa ako sa kanila. Pero wa-effect. Binitiwan nila kamay ko. Tulad ni Kyle at tumakbo na.

Ano ba kasing meron ngayon at ang dami-dami kong problema ngayon. T___T Help me please.

***

After kong magrecess, umalis na ako sa canteen. Para hanapin ko yung mga nangiwan sakin kanina sa canteen. Sila PamPanget.


Kaya nagpunta na ako sa classroom. Pagpasok ko walang tao. Ano bang nangyayari ha? Hinanap ko sila sa ilalim ng upuan. Pero wala naman sila kaya pumunta ako sa upuan ko. Kasi kukunin ko yung ear phones ko. Ng may nakita akong letter na nakabaligtad.

Nacurious ako kung anong nakasulat dun kaya kinuha ko siya at binasa.

SORRY

S - SELOS. Sobra akong nagselos ng makita kitang may kausap na lalaking hindi mo naman talaga kilala at nakikipagkaibigan lang sayo. For short, SOBRANG FC NIYA.

O - OVER-ACTING. Naging sobra akong Over-Acting sa naging reaksyon ko. Na kahit na nanliligaw pa lang naman ako sayo sobra na kitang nasigawan, napagalitan at nasaktan.

R - RUN. I ran away. Umalis ako at iniwan kita ng hindi ako nagpapaalam sayo. Kasi gulong-gulo yung utak ko that time. Magbibirthday ang Mama at Papa ko. Nasa States sila kaya I ran away at nagpunta ako sa kanila.

R - READY. Ready ako sa kahit anong magiging reaksyon mo kapag makita mo ako ngayon. Okay lang sa akin kung sigawan mo ako, sampalin mo ako, paghahampasin mo ako, muramurahin mo ako. Okay lang sa akin. Kasi magmula nung nakilala kita binigyan na kita ng karapatan para saktan mo ako at pagsabihan ng kung ano-ano.

Y - YOU. REMEMBER, YOU'LL BE THE ONLY GIRL THAT WILL HAVE THE RIGHT TO HURT MY FEELINGS AND YOU'LL BE THE ONLY GIRL THAT I WILL LOVE FOR THE REST OF MY LIFE, ELANDREA.

SORRY...

LOVING YOURS TRULY, KYLE. <3

Napaluha ako pagkatapos kong mabasa yung letter. Si Kyle nandito na siya. Pero nasaan na siya.

"Panget ba sulat ko? Sensya na minadali ko kasi yan. Kasi gusto ko ng makita kita kaagad. "


Napalingon ako sa likod ko.


"Kyle? " ngumiti siya sa akin. Si Kyle nga. Kaharap ko siya ngayon. May dala dala siyang flower na white rose. Speechless. I am so speechless now.


"Sorry. Sorry Elandrea. Sorry kung-- " niyakap ko siya para malaman ko kung totoo siya. Totoo nga siya. Di ako namiss COLOMBIA ngayon.Nandito na siya.



Biglang humigpit yung yakap ko sa kanya kaya ginantihan niya ako nga yakap din. Nararamdaman kong natulo naiyak siya. Nababasa yung uniform ko eh. T___T

"Sorry. Sana patawarin mo na ako. I'm very sorry. Sorry talaga. " bulong sakin ni Kyle. Kaya natawa ako kasi nakikiliti yung tenga ko.

"Bakit natatawa? May nakakatawa ba mga sinabi ko? " umalis siya sa pagkayakap niya sakin at tumayo ng diretso.

"Nakakakiliti kasi sa tenga yung sinabi mo. Pero...






Your apology accepted. "

After 19 seconds, saka lang nagsink-in sa utak niya yung sinabi ko kaya yumakap ulit siya sakin. More on hug kami this day. Pero okay lang. Huggable naman siya eh. ^____~

"I love you Elandrea. " narinig kong sabi niya sa akin. Kaya natawa ulit ako.

"TAMA NA YAN!!! NILALANGGAM NA KAMI!! "

"AY TAE!! " napabitaw ako sa pagyakap ko kay Kyle. Pero natawa lang siya sa akin. Teka nga.


"Sorry ulit Elandrea. Kinuntsaba ko kasi sila. " eh kaya naman pala eh. Nirentahan niya tong classroom namin para makausap niya lang ako. Sweet.

Pero ilang saglit lang hinawakan niya yung kamay ko. Kaya technically, HH kami.

"Ayiieee... " kantyawan nila. Ng bigla kong nakita si Daniela na nakangiti pero hindi siya nangaasar. Ng biglang bumulong sakin si Kyle.

"Magsorry ka na. Usong magsorry at magthank you sa taong nakiusap para bumalik na kaagad ako. " teka. Si Daniela. Alam niyang umalis si Kyle? Si Daniela.

Ng malaman ko yung tumakbo ako sa harapan ni Daniela at yinapos ko siya. Nagulat naman siya sa ginawa ko kaya di siguro siya nakakibo.

"Sorry. Sorry Daniela. Sorry talaga. I'm very sorry" bulong ko sa kaniya.

The Campus HottiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon