Daniela's P.O.V.
Wala kaming pasok ngayon. Saturday ngayon. Napatingin ako sa orasan ko sa kwarto. Ang aga ko palang magising. Eight o' clock pa lang pala.
Sinandal ko yung katawan ko sa may kama ko. Walang pumapasok sa isip ko ngayon kundi yung mga sinabi sakin ni Elandrea. Kaya biglang napaluha ako pero pinunasan ko na lang yun.
Kinuha ko yung laptop ko at yung phone ko. Inuna kong buksan yung phone ko. Tiningnan ko yung date ngayon.
Nagulat ako. September 16, 2017 na pala. It's the day when my best friend died. My best friend, Nate died. His my best friend whom I love also. His my best friend who stand also as my second daddy and love me also.
Kaya sinarado ko na yung laptop ko at tumayo na ako sa higaan ko. Nagpunta na ako sa banyo para maligo. Paglabas ko nagbihis na kaagad na ako at pumunta na ako sa cemetery. In the cemetery, where Syl was buried.
***
"Hi, Syl. Sorry ngayon lang ulit ako nakadalaw sayo. " sabi ko sa puntod niya. Habang nililinis ko yun. Tuwing nadalaw kasi ako sa kanya kinakausap ko na rin siya.
Malay niyo magising siya sa puntod niya at narinig niya ako. O diba. ^____^
"Sana nasa tabi kita ngayon, Syl. Para may magsasabi sakin kung anong gagawin ko. " sabi ko ulit sa kanya. At umupo ng maayos. Saka inilagay yung mga bulaklak na bili ko sa palengke. ^___^
Sobrang liwanag ng araw pero di naman mainit. Sobrang lamig ng hangin. Para akong nasa Tagaytay or kaya naman nasa Baguio.
Ng biglang dumilim kaya naman napatingin ako sa taas. May humarang sa araw. Lalaki siya. Anong trip nito?
"Hi. Ang galing mo kagabi magperform sa school. " ala. Kilala niya ako. Tumabi siya sa akin sa damuhan at tiningnan yung puntod ni Syl.
Di ko na lang siya pinansin. Di ko naman siya kilala eh. Kaya tiningnan ko na lang din yung puntod ni Syl.
"Alam mo. Lagi kitang nakikita kahit saan. " napatingin ako sa kanya. At napakunot yung noo ko.
"Una dati, dito lang sa sementeryo. Pero ngayon sa school na pinapasukan ko at sa village na tinitirhan ko, nakikita na kita. " grabe siya oh. Stalker.
"Edi pumikit ka, para di mo ako makita. " natawa naman siya sinabi ko. Aba. Cute din pala ang mokong na to.
"Alam mo ba. Pag nadalaw ako sa Mama ko. Laging ikaw ang unang nakikita ko. Kasi katabi lang ng puntod niya yung Mama ko."turo niya sa puntod ni Nate.
"So? Ngayon rin ba na.. "
"Oo. This is also the day when my Mother died. Kaya lagi kitang nakikita. " ah. Kaya pala. So hindi siya stalker ko. Hahaha.
Natawa ako dun sa sinabi niya.
"Ang cute mo kapag tumatawa ka. "
"Tss. Alam ko yun. " natawa siya sinabi ko. Kaya naman tawanan kami ng tawanan. Hanggang sa narealize ko na nasa tabi ko nga pala ang puntod ni Syl kaya tumigil na ako.
"Kaano-ano mo ba siya? " napangiti ako sa tanong niyang yun. Di ko rin alam kung kaano-ano ko si Syl eh.
"Di ko alam. "
"Ha? Panong di mo alam. Eh dinadalaw mo siya palagi. " huminto siya at nagtanong na ulit sa akin.
"Pinsan? " umiling lang ako.
"Ah. Asawa mo siya no? Maaga ka siguro natali sa kaniya pero-- "
"Hindi. Ano ka ba naman. Matalik kong kaibigan si Syl. " napatigil siya at napakunot yung noo.
"We're best friends since I can't remember. He's my best friend that stands to be my second father. He's my best friend... Who.. Love me and I loved too. " napangiti lang siya sinabi ko. Actually hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ko at kinakausap ko ang taong hindi ko pa kilala.
Oo kilala niya ako. Pero siya, hindi ko siya kilala.
"Alam mo ba, tuwing nadalaw ako sa mama ko kasama mga kaibigan ko. Lagi nila akong sinasabihan na patay na daw ako. " ha?! Di ko siya gets.
"Kapangalan ko kasi siya. " turo niya sa puntod ni Nate. Wait. It means.
"Nate din ang pangngalan ko. I'm Sylvester Kenneth Rossue Cortez. " ah..
"Ah. Yun pala. Kala ko naman kung ano yung sinasabi mo. " natawa siya at tumayo na at nilahad niya sakin yung kamay niya. Kaya naman nagtaka ako.
"Lika na. Mag-teten na. Nine forty-five na. " napatingin ako sa orasan ko. Oo nga no. Pero pano niya nalaman na gantong oras ako nauwi pagkatapos kong dalawin si Syl? Ah. Oo nga pala. Nakikita niya ako palagi.
***
"So anong gusto mong itawag ko sayo? " tanong ko sa kaniya. Ang dami niya kasing pangngalan eh. Naglalakad na nga pala kami pauwi. Sabi niya ka-village niya daw ako. Kaya Sabay na daw kami.
"Ikaw bahala. Kung gusto mong Sylvester, Syl din itawag mo sakin. Tawagin mo akong Nate. Kung gusto mong Kenneth, Ken, O kaya Rossue. Tawagin mo ko nun. "
"Uhm.. Ano kaya? " nagiisip muna ako. Bago sumagot. Kung Syl parang hindi naman Maganda yun. Kasi may Syl na ako na kaibigan ko, baka naman mamatay din siya. Kaya di ko siya tatawagin nun.
Kung Kenneth o kaya Ken. Napaka-common naman. Kung Rossue two-syllables nakakapagod sabihin. Ah alam ko na.
"Ross. Ross na lang itatawag ko sayo. " nagtaka naman siya. Actually may nabasa akong story sa wattpad, Daniela ang character nung babae tapos yung lalaki Rossue din pero nickname niya Ross. Kaya Ross na lang.
"Bakit Ross? "
"Ayaw mo nun, di common. Ross. " napangiti naman siya sa akin.
"Oh sige na nga. "
Naglalakad parin kami. Medyo mabagal lang paglakad namin. Kaya di ako masyado hinihingal. Ng magtanong ulit ako sa kaniya.
"Ross, anong grade mo na? "
"Grade 8 section A. Katabi lang ng classroom mo yung classroom ko. Kaya lagi kitang nakikita. " ah. Kaya pala. Gusto ko pa siya daldalin. Kaya dadaldalin ko pa siya.
"Ross, saan ka nga palang street sa village natin. " ngumisi siya sa akin. Ang cute niya. Nako naman!! Concentrate Daniela!!
"Sa street mo din. Magkatapat lang ang bahay mo at bahay ko. " oh my g. Bakit di ko siya napapansin.
"Maaga ka kasing napasok. Kaya di mo na ako nakikita. Late na akong napasok sa school. Pati sa paguwi. Pero kapag nasa bahay ka naman niyo. Di ka nalabas kaya di mo rin ako nakikita. " ah. Kaya pala.
"Pero Daniela. " napatingin ako sa kanya.
"Pwede ba tayong maging friends? "
"Oo naman. Magmula ngayon. Friends na tayo. " ngumiti siya sa akin. Nasa bahay na pala namin kami kaya nagpaalam na kami at nagsabihan na magkita na lang kami sa ibang araw.
Pagpasok ko may narinig ako sa T.V.
'Kapag may nawala sayo. May babalik din sayo, at sa pagkakataon na yun. Masmaganda na ito kesa dun sa nauna sayo. '
Siguro nga ganun nga yun, Nate. ^_____^
BINABASA MO ANG
The Campus Hotties
RastgeleSimple lang ang buhay nang isang napakaganda at napakaganda at napakasexy {sobrang sexy} na si Pamela nang biglang dumating sa buhay niya ang iritable na si Elandrea at pati si Daniela na sobrang tahimik para pigilan sila na laging mag-away. May pag...