Chapter 17 - Kiko

41 2 1
                                    

Pamela's P.O.V.

"Sige na nga. Pero bakit ba parang masyado lang curious diyan tungkol sa pagkamatay ng daddy niya ha? "

Bakit nga ba ha? Bakit ba masyado kong curious sa death ng father ni Daniela. Di kaya sa awa ko lang sa kanya. O dahil sa mga nababasa ko sa wattpad or baka naman ayaw ko lang siyang mawala sa banda namin. Ano nga ba???

Naawa ba ako kay Daniela kasi parehas kaming nawalan ng tatay. Or dahil sa wattpad. Kasi naman eh. Paano ba to?

"Oh Pam. Nga pala pinapatawag tayo sa Club natin. Sabay na ba tayo? Or-- " bago pa ituloy ni Jotham yung sasabihin niya sinagot ko na siya.

"Sabay na tayo. Ah JERKELANDREA aalis na ko. Sige bye. " at tumayo na nga ako sa kinauupuan ko at naglakad na papalayo.

***


"Huy!! Baka malunod ka na niyan. " ha?! Ano bang sinasabi nitong lalaking to?

"Ang sabi ko. Baka malunod ka kako. Kasi ang lalim sobra niyang iniisip mo. " ah. Pero bahala siya diyan. Di ko siya papansinin.

Anobeng!! Problema nito. Hinigit niya ako bigla tapos dinala niya ako sa... Likod na likod ng Campus.

"Teka.. "

"Ang sabi mo kapag maalala mo papa mo pupunta ka dito. Kaya eto. Ako na ang nagdala sayo dito. Kasi alam kong naalala mo siya ngayon dahil kay Daniela. " kahit kailan talaga. Kilalang kilala na niya ako. Eh siyempre kababata ko yan eh kaya kahit kilos ko alam na niya.

Umupo ako sa damuhan. Madamo kasi dito eh. Bigla naman si Jotham umakbay sakin. Pero tinanggal ko din yun.

"Agang tsansing yan ah. Wa-effect po yan sakin. "

"Tss. Gusto mo naman. "

"Napaka neto.. Tiggilan mo nga muna ako. "

"Okay. Sorry naman. "

Hay.. Alam niyo di ko na alam iisipin ko. Para tuloy ang dami kong problems. Una yung sa banda. Yung tungkol sa second option namin sa lugar na pagpapractisan namin. Tapos si Daniela..

"Kawawa si Daniela no? Siguro kasama niya na ngayon yung papa mo. " bigla akong napangiti sa sinabi niya.

"Hay.. Siguro nga. Pero alam mo sure ako na hindi isang killer si Daniela. "

"Ako din.. Eto oh. " bigla niyang binigay sakin yung gitara niya. Yup may dala po siyang gitara. Actually kanina pa niya yun dala-dala.

"Alam mo talaga trip kong gawin no... Ayos ka din eh. " pero nagsimula na nga lang akong kumanta.



*I had feeling
That your holding my heart
And I know that it is true
You wouldn't let it be broken apart
Coz its much to dear to you
Forever we'll be together
No one can break us apart
For our love will truly be
A wonderful smile in your heart

When the night comes
And im keeping your heart
How I feel so much more secure
You wouldn't let me close my eyes
So I can see you through and through

You're a sweet tender lover
We are so much in love
I'm not afraid when you're far away
Just give me a smile in your heart...

You brighten my day
Showin' me my direction
You're comin' to me
And givin' me inspiration
How can I ask for more
From you my dear
Maybe just a smile in your heart*

Pinutol ko na yung kanta.

"May crush ka na no? " ha?! Ano bang pinagsasabi nito.

"Feel na feel mo yang kanta mo eh. Yiii.. Sino yan ha? Bili na sabihin mo na sakin. " a-ano bang sinasabi nito.

"E-ewan k-ko sayo. Wala kaya akong crush. At kung magkaroon man ako. Sa ANIME lang yun. " hehehhe. Kala mo ha.


Kinuha ko na lang ang phone ko. At binuksan ko. Siyempre di lang ako mukhang wattpad ng wattpad no. Naglalaro din ako ng mga games. And for this day.... Color Switch.


"Nako.. Gawa yan ni Satanas. " bulong niya sakin. Pero di ako namansin. Siyempre I need CONCENTRATION. AHHH!!!! 50 stars ang nakuha ko. Yehey!!

Napatingin ako sa katabi ko.. Ayun nakanga-nga siya.

"Galing ko no? "


Biglang sumimangot siya at tinitigan ako ng masama.


"Akin na nga yan.. Patry.. Matatalo din kita diyan. " kinuha niya phone ko. Grabe ang bait niya no?

"Gawa yan ni Satanas. " napatingin siya ng masama ulit sakin at...

"Ayan tuloy.. Nakakainis ka. Bahala ka nga diyan. " bumalik niya phone ko ng may score siya na 0. As in ITLOG. Hahahahaha hahaha. Teka!! Nagwalk-out?!


Hahaha. ITLOG.


***


Elandrea's P.O.V.


"Tamo yung tao na yun. Inawan ako. Ganyan kayo. Mga mang-iiwan!! Bahala ka. Wala ka ng babalikan.  " ang drama ko ngayon. Paano ba naman iniwan ako ng PamPanget na yun.


"Hello. Ate. " sino to? Ano pag may mawawala may darating lang ang peg. Teka medyo kahawig niya si Ligaya. Bwahahaha.


"Pwede bang tumabi? Wag kang mag-alala di po kita gugulamanin. " teka nga--

"Leane po. Leane Padilla. " ano raw?! Padilla?! As in for real. Teka baka naman kamag-anak niya si Daniela. Oh my g!! Kailangan ko siyang maging friend. As in now na.

"Uhmm.. Actually classmate mo ko. Di mo lang talaga ako napapansin. Pero pwede bang-- "



"Makipag-friends? Sure. Why not?! To naman oh. Friends na tayo. "
  



Medyo nagulat siya. Pero okay naman. Nagkausap kami ng sobrang tino. Grabe di niya kamag-anak si Daniela Padilla. Pero wag ka FAN din siya ni DANIEL PADILLA. Wahhhh!! Favorite niya din ang PSY!!! May kasundo na akong bago. Yeheyy!!!



Sabay na kaming pumasok ng classroom. Nakita naman ako ni Lorenz.


"Ganyan ka na Elandrea. Pinagpalit mo na ako kay Leane. " heheheheh. Mabiro nga to.


"Talaga.. Kasi siya mahilig sa PSY. Sa KATHNIEL. Eh ikaw.. Anong pinapanood mo? OTWOL? JADINE? " nagpuppy eyes. Siya pero masmagandang itawag niya yun na  PATACUTE EYES. =____=



"Oh sige na. Diyan ka na kay Leane. Ay may gagamba! " hala. Oo nga no. Nabigla naman ako ng lumapit sakin si Leane.

"Ehh.. Elandrea. May gagamba. " pinitik ko naman yun. At yun pinag-agawan nung mga boys. Hahahahaha. Takot si Leane sa gagamba. Maasar nga siya.


"Takot ka pala sa gagamba ha. " tinaas-baba ko yung kilay ko at ngumiti ng nakakaloko.



"Bakit ganyan ka ngumiti? Ang creepy mo " yes. Takot na siya.



"KIKO " tawag ko sa kanya.



The Campus HottiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon