Daniela's P.O.V.
"Sorry. Sorry Daniela. Sorry talaga. I'm very sorry." nagulat ako sa sinabi ni Elandrea sakin pagkayakap niya sakin. Kaya di ako kaagad nakasagot. Pero sumagot na rin ako.
"Sorry din. " tipid kong sagot kaya napabitaw siya sa akin.
"Ako nga dapat magsorry sayo eh. Kasi-- " hindi ko siya pinatapos sa sasabihin niya ng takpan ko bibig niya.
"Sorry ulit. Masyado akong nagmarunog. Sorry kasi di ko sinabi sayo na nagpaalam sakin si Kyle na aalis siya at bantayan daw kita. Pero wala, inaway lang kita. " tinanggal niya yung kamay ko sa bibig niya at ngumiti siya sa akin.
"Okay na yun. Wag mo ng ibalik ang nakaraan. Past is in the past. " natawa naman ako sa sinabi niya. Kaya natawa rin siya sa akin. Lahat nakatingin sa amin naiilang ako. Hindi ako sanay. Pero okay lang.
Hinug ko na lang siya ulit at hinug niya ulit ako.
"Sorry, Elandrea. "
"Oo na. Pero bati na tayo ha? Wag na tayong magaaway ulit ha. " Tss. Natawa ulit ako sa sinabi niya. Kasi siya naman ang nangaaway palagi pero ayos na rin siguro.
"Okay. Subukan natin. " bibitaw na sana ako ng nakihug din samin si Pam. Kaya technically, group hug na ang nangyari samin. Tapos nakisama na din yung iba. Sila Lorenz, Jhayel, Jul, Ryan, Leane, Diego at si Avril.
A good way to start again. Hashtag. ForeverNaTo!
***
Pamela's P.O.V.
"Hay. Buti naman nagkabati na tayong tatlo. Ang hirap kasi na magkaaway tayong tatlo." Sabi ko kay Daniela. Di namin kasabay si Elandrea mag-lunch kasi kasabay niya si.. Alam niyo na. Si Kyle. Pero siyempre wala kaming galit sa kaniya. Eh siyempre namiss niya yung tao kaya panigurado gusto niyang makasama yun.
"Oo nga eh. Buti na lang nagkabati na tayong tatlo. Pero kailan kayo maguusap? " ha? Ano bang sinasabi nito ni Daniela.
"Kayo ni Jotham? Kailan kayo maguusap? Sila Kyle at Elandrea ayos na. Kayo na lang ang hindi. " napahinto ako sa pagkain sa sinabi niya. Ewan ko ba. Napayuko na lang ako bigla.
"Ano ba talagang problema Pam? " di ko rin alam kung anong problema ko eh. Nagugulohan ako.
Tumabi sakin si Daniela. At nagsalita na siya.
"Gusto mo ba si Yuki? " napatingin ako sa kanya at nagulat.
"Ha?! "
"Ang sabi ko. Kung may gusto ka ba kay Yuki? "
"Uhmm. Oo.
Pero dati yun. Crush ko siya dati. Pero ngayon hindi na siyempre, kasi kay Avril yun eh. Ano ka ba naman. " napangiti naman siya sa akin at bumalik na sa kinauupuan niya kanina.
"Ang lakas ng trip mo. " sabi ko sa kanya.
"Thank you. " ha?! Ano daw. Gulo niya lang ha.
***
Umuwi na kaagad ako ng bahay. Wala pa daw kaming practice para sa last round ng Battle of the Bands eh. Sabi nila Daniela at Elandrea.
Ang saya nagkabati na rin kaming tatlo. Grabe. September na tapos mag- oOctober na. Tapos November, Tapos December na ulit malapit na ulit mag-Christmas. Tapos nakalimutan ko yung Foundation Week. Panigurado magiging masaya yun.
Pagkatapos kong makaligo at makapagbihis. Nahiga na ako sa kama siyempre. Kailangan ko rin magpahinga no. Nakakamiss rin palang mag-wattpad. Kaya kinuha ko yung phone ko at binuksan ko yung wattpad ko.
Aba! Ang daming stories na bago. Pero si Melody16 parang wala paring bagong book. Tapos ko na yung book 1 and 2 nung story niya eh.
Baka naman tinatapos niya pa yung ginaggawa niyang story ngayon. Hay. Makatulog na nga lang.
***
Daniela's P.O.V.
"Oh. Sige. Bye. " paalam ko dun sa kasamahan ko sa Choir. Nagpractice kasi kami ngayon kaya wala kaming practice ng banda namin.
Kaya late na din akong makakauwi. Bago ako umuwi nagpunta muna ako sa locker. Nilagay ko muna yung mga gamit ko bago ako aalis sa school.
Pagkalagay ko ng mga libro at notebooks ko sa locker naglakad na ako. Ng biglang may tumawag sa pangngalan ko. Kaya kinilabutan ako. Hala!! Baka si Nate yun. Nagpaparamdam yata sakin siya.
"N- Na- Nate? " natatakot na ako. Ng biglang nagdilim. Namatay yung mga ilaw bigla. Hala!! Ano ba tong story na to ha? Bakit di ako na-inform na horror na ang category nito.
"BOO!!!"
"AY BAKULAW!!! " si Ross. Si Ross ginulat ako. Teka nahihirapan akong huminga.
"Huy.. Oa naman nito. " sabi ni Ross pero nahihirapan talaga akong huminga kaya medyo nahihilo na ako.
"Huy. Daniela. Okay ka lang? Ano bang nangyayari sayo? " hinawakan niya ako sa braso ko pero di ko na siya maintindihan. Sobra akong nagulat sa kanya kanina.
"Huy. May asthma ka ba? Daniela. " yun. Naintindihan ko siya sa sinabi niyang yun. Basta may word na 'asthma' alam kong meron ako pero di ko talaga sure yun. Kaya umiling ako sa kanya.
"Nako. Meron kang asthma eh. Ayaw mo pang aminin. Sorry hindi ko alam. I'm sorry. Pano ba to? Ah alam ko na. May inhaler ka ba? " umiling ako. Di naman kasi ako nagamit nun eh. Kasi di alam ni Mama at di ko rin alam talaga kung meron ako nun kasi hindi naman ako nagpapacheck-up sa doctor.
"Wala. Ah. Okay ganito. Inhale.. Exhale. Okay gawin ulit natin yun. " ginawa ko sinabi niya. Kaya medyo nawala hilo ko pero nanghina parin ako. Pero sinalo niya naman ako.
Kaya nakayapos siya sakin.
"Kaya mo yan. Sorry. Kasalanan ko to di ko alam na may asthma ka. Sorry talaga. " hinigpitan niya yung yakap niya sa akin.
"Okay lang, Ross. Okay lang talaga. "
Pagkasabi ko nun. Di ko na alam ang nangyari sa akin. Ang naalala ko lang nakayapos lang ako kay Ross pagkatapos kong sabihin na okay lang talaga ako.
BINABASA MO ANG
The Campus Hotties
De TodoSimple lang ang buhay nang isang napakaganda at napakaganda at napakasexy {sobrang sexy} na si Pamela nang biglang dumating sa buhay niya ang iritable na si Elandrea at pati si Daniela na sobrang tahimik para pigilan sila na laging mag-away. May pag...