Chapter 38 - Nice View

51 2 1
                                    

Daniela's P.O.V

"Daniela? " gulat na tanong nila Pamela at Elandrea.

"Bakit basang-basa ka ha? Naulan.... Oo nga no. Naulan nga. " sabi nila Pam at Elandrea. Kasi tinuro ko yung bintana. Nakita nila na naulan.

"Hala. Yan kasi eh. Pa-late pa. Naulanan ka pa tuloy. " dumating si Tita Selena na may dalang towel para sa akin. Kaya hinablot ko na agad.

"Thank you po. " nagpunas na ako ng mukha at pinatuyo ko na rin yung buhok ko. Saka umupo sa isang gilid.

"Bakit ba kasi ngayon ka lang? " tanong ni Elandrea. Hay. No Choice ako. Di ko kayang mag-isip pa ng palusot ngayon.

"Masama kasi pakiramdam ko. Ang sakit ng ulo ko kanina. " sabi ko sa kanila.

Hinawakan ako ni Elandrea sa noo. Okay?

"Hala!!! Nilalagnat ka!! O.O " hay nako. Napahampas na lang ako sa noo ko.

"Ano ba naman kayo? Kaya ko pa. Kaya nga ako nakarating dito eh. Kasi kinaya ko. Wala lang to. Sinat lang to. Lika na. Practice na tayo. " aya ko sa kanila. Mukhang maniwala naman sila sa akin kaya nagpractice na kami.

Ang kaso pag-uwi ko. Nilagnat na ako ng tuloyan. Ang sama ng pakiramdam ko. T___T

***

Pamela's P.O.V.

"Good Morning!!! To all of you seven a!!! " yes.. Naman. Siyempre dapat always confidently beautiful with a heart ako pagpasok pa lang sa classroom. Heheheheh. Muse ako eh. ^____^

"Good morning PamSexy!! " Bati nila sa akin.

"Alam ko na yan. Kaya Thanks!! "

Nagpunta na ako sa upuan ko. Napansin ko naman na wala pa si Daniela. Kadalasan nauuna sakin yung babaeng yun. Pero nandun na naman yung bag ni Elandrea. Yup. Magkakatabi na kami ng tatlo simula nung naging friends na kaming tatlo. Hahaha. Grabe ang bilis ng oras. Next week Battle of the Bands na ulit.

Dumating na si Elandrea.

"Hello. Pam-parampam. Pam. Love ko to' " hay nako.

"Kamukha ko na ba si McDonalds para kantahin mo pa yan sa akin? " tanong ko sa kanya.

"Medyo. Heheheheh. Pero Joke lang yun. " tong taong to. Ay si.

"Si Daniela nga pala nasaan? " tanong ko sa kaniya. Bigla naman siyang napakamot sa ulo niya.

"Ha? Bakit ikaw ang nagtatanong nan eh. Ikaw nga ang tatanongin niyan dapat eh. " ha? Ano daw?!

Bigla namang dumating si Diego at pumunta sa harapan naming dalawa. Ah talaga naman. Nagmodel pa siya oh.

"Si Daniela. Absent siya ngayon. Nagtext siya sa akin. Masama raw ang pakiramdam niya. Sige. Baboo na. " ala. Oo ng pala. Masama pakiramdam niya kahapon.

Umupo na rin kami ni Elandrea. Siyempre sa upuan hindi sa hangin duh. -_____-

Ng biglang may kumatok. Aba si Nate. Yung grade eight na taga-kabilang room. Mukhang may hinahanap ang mokong na to ah.

"Uhm. Excuse ko lang si Raf. " sabi niya. Lagi niyang ineexcuse si Rafhaelle. Ang weirdo talaga ng lalaking to.

Pumunta naman si Rafhaelle sa kanya. Nandun lang sila sa malapit sa pintuan ng classroom namin. Eh may tumawag sa akin. Kaya nagpunta ako sa unahan. Malapit kasi siya sa unahan sa may pintuan. Ng may marinig ako.

"Nasaan siya? Bakit parang wala ata siya? "

"Di ko alam eh. Sila Pam at Elandrea ata alam. Yieee... Hinahanap. " narinig ko pangngalan ko kaya napalingon ako. Si Raf at si Nate.

The Campus HottiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon