Chapter 23 - Trouble??

29 2 0
                                    

Pamela's P.O.V.

"Hi. Dark Feather." Nanlaki mata ni Avril.

"D-Death Prince?? " ngumisi naman si Yuki. Ang cute niya talaga.

"Hay. Yuki na lang. Hindi na ako sanay na Death Prince ang tinatawag sakin eh. " napangiti naman si Avril.

"Okay. " tas nagpoker-face na po siya. Lagi siyang ganun.

"Uhmm.. Can we be friends? "

"Sure. " tas pagkatapos nun iniwan ko na si Avril kay Yuki. Bahala siya dyan kaya na siya ni Yuki.^_____^

***

Naglakad na ako sa hallway papuntang canteen. Ng nakapunta na ako dun bumili na ako. Isang loaded na puti at saka Nestea. Hahaha. Perfect Combination talaga to. Naupo ako dun sa isa sa mga upuan. Dun ako umupo sa tahimik. Ang iingay nila eh.

Sinalpak ko yung ear phones ko sa cellphone ko. Wala naboboring na ako sa buhay ko ngayon. Mamaya pa naman ang real start ng practice namin. Kaya naman magiisa muna ako. Si Jhayel Faulkerson kasama yung iba kong kaklase. Si Juls kasama yata si Diego. Si Ryan kasama yata yung mga ibang coucil members ng school. Si Daniela wala. Di ko rin alam kung saan nagpupunta yung babaeng yun.

Napansin niyo ba? Malimit lang siyang magkaroon ng point of view. Kaya di ko alam nangyayari sa buhay niya eh. Sana sa next chapter meron na siya. Parang samin lang nafofocus story dito. Pero ayos lang Maganda naman ako eh.

=_____=

Pagkatapos kong kainin yung Loaded ko. Pinikit ko muna yung mata ko. Medyo masakit na eh. Siguro kakabasa ng wattpad. ^____^

Nagbow down ako ng head ko. Ng may tumabi sakin sa upuan ko. Napatingin ako sa kanya ng walang reaksyon ang face ko. Si Jotham pala. Himala di niya kasama si Boobae.

"Oh. Ano. Di mo yata kasama ngayon si Yuki ah. " teka nga. Paano niya nakikilala si Yuki.

"Nakikita ko kayo laging magkasama eh. Napapansin nga din yun ni Sofia. Katabi lang kasi nila yung classroom nun. " ah... Kaya naman pala. Yung boobae na yun. Pero ayos lang dun ka na. Wag kang magaalala. Nararamdaman ko may darating pa ako na suitors na masgwapo sayo.

"Ah.. Ganun ba. Tss. Wala yun. "

"Pero Pam. May. Gusto. Ka. Ba. Kay .Yuki? "

"Oo. " nakita kong medyo malungkot mukha niya. Pero bakit? Ay alam ko na. Kasi baka may makahati ka sa oras ko sayo kay Yuki. Ayos lang yun. Dun ka na kay Sofia / Boobae.

"Sige una na ko. Baka hinahanap na ako ni Grant. " teka kailan sila naging magfriends? Ay grabe oh. Iniwan ako ditong magisa. Akala ko naman may makakasama na ako dito. Ang kaso wala iniwan parin niya ako.

***

Pagbalik ko sa classroom. Una kong nakita si Jotham katawanan ni Grant. Ang lalakas ng boses nila. Nandun sila sa dulo. Mukhang tinatawanan ni Jotham yung drawing yata ni Grant.

Pero nakita ko na rin naman si Avril. Kaya lumapit nako sa kanya. Siyempre magtatanong ako about dun sa status niya kay Yuki.

"Dark Feather. " napatingin siya sakin. Poker Face lang siya.

"Why? "

"Kamusta na kayo ni Yuki? What's your status? " umupo ako sa tabi niya. Nasa likod kasi yung upuan niya sa left side.

"Nothing. " ha?? Anong nothing sinasabi nito.

"Anong nothing??!! Hindi pwedeng nothing lang yun. Ano di mo ba siya nakakacrushan? Ang gwapo niya kaya. " nagsmirk lang siya sakin. Kahit kailan talaga to. Palibhasa boyish kaya malimit ang suitors nito eh.

"I admit it. He's hot and handsome and he's just like me. An old gangster also. "

"So... "

"We're friends. " yes. Nasabi niya din. A good way to start yan. To be friends. Hanggang sa mafall kayong dalawa hanggang sa... Ahahhhhh!! Magiging sila na. Edi FOREVER NA YAN!!

***

After magdismiss ng class. Dumiretso na kami ni JERKELANDREA at ni Daniela. Mukhang masaya to ngayon ah. As in naman, ang balita ko nagaway sila ni Kyle eh pero nagkabati na yata sila. Yes!!! Si Daniela na kasama namin.

Ang Three Sexy Ela's tuloy na tuloy na talaga. Wala ng bawian yun.

Nasa SEXY studio na kami. Nandun na yung Tita ni Leane. Bago kami magstart umupo kami sa tabi muna at nagsimulang magusap para pagdesisyonan ang tutugtugin namin.

"So?? Anong tutugtugin natin? "

"See you again na nga lang. " -JERKELANDREA

"Counting Stars. Period na yun. Masmadali kasi yun sa gitara. "

"Mahirap naman yun sa piano. Kaya See You Again na lang. "

"Counting-- "

"Tama na. Okay. What if.. Tugtugin na lang natin sila parehas tapos itanong natin kay Tita Selena kung anong masmagandang tugtugin tutal siya maalam diyan. " oo nga no. Ang galing nito ni Daniela ah.

Sumangayon naman kami ni JERKELANDREA sa kanya. Yes!! Pero anong uunahin namin??

"Huy! Anong uunahin natin? Counting Stars or See you again? " ako

"See you-- " Elandrea

"See you again na lang muna. " Daniela

Hay... Mastrip ko talaga Counting Stars.

***

"Alam niyo wala akong nagustuhan sa dalawang kantang yun. " sabi samin ni Tita Selena. After namin tugtugin yung dalawang kanta. Pero seriously? Wala talaga.

"Okay. So we should choose pa ng ibang kanta. " Daniela

"Pero-- " pinigilan ako ni JERKELANDREA na tapusin yung sasabihin ko.

"Okay na yun, PamPanget. At least naitry natin tugtugin yun. Actually parehas ko nga din di feel yung dalawang kanta eh. " Sa bagay may point din tong si JERKELANDREA.

"Okay. Pero anong tutugtugin natin. Kailangan na naging magpractice as soon as poasible. Malapit na ang Battle of the Bands. Next week na yun. " sabi ko sa kanila.

Nagtinginan kaming tatlo. Si Daniela parang may gustong sabihin pero ayaw niyang nagsalita. Si JERKELANDREA mukhang nagiisip naman ng napatingin naman kami kay Tito Xian na dumaan. Kumakanta siya ng...


I knew you were trouble by Taylor Swift.

Nagbigay attention saming apat yung kinanta ni Tito. Napatingin samin si Tita Selena at tumango.

"Itry niyo yun. Maganda yung kantang yun. Sige una na ako. Hon, hintay!!! " sinundan ni Tita si Tito. Oo nga no. Maganda yun kapag tinugtog namin yun ni JERKELANDREA sa piano at sa gitara ko.

"So ano, game? "

"GAME!!! "

Nagpunta si JERKELANDREA sa drums. Sabi niya dun na lang daw siya. Aba!! Multi-Talented ang babaeng to ah. Not bad.

Yes!! This is it!! Here we go!!

^____^

The Campus HottiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon