Chapter 26 - Concern

24 1 0
                                    

Pamela's P.O.V.



Nakakabinging katahimikan. Yan ang naririnig ko ng sumakay ako sa sasakyan ni Jotham. Ng ilang saglit lang nagsalita na din siya.





"Kuya. Ang init. Pakilaksan pa po ng aircon. " ha?! Eh abnormal yata ang Hank body ni Jotham eh.





"Okay po sir. Sakto ang init naman talaga. " tamo tong si Kuya Driver. Ginawa nga. Ang lamig, I mean sobrang lamig nakamaximum ata yung aircon niya. Kainis. Giniginaw na ako.





Pero no choice ako. Nakikisakay lang ako dito eh kaya tiis-tiis muna pagmay time. Alangan naman magreklamo ako kay Kuya Driver as if naman sasabihan niya ako na FC ako.






Kaya tiniis ko na lang. Sobrang lamig. Ng ilang saglit lang. Thank You Lord. Nakauwi na din. Agad-agad akong bumaba. Pero bigla akong hinila ni Jotham.




Ano na naman ba ha? T _ T





"Wala man lang thank you? " ay tae. Nakalimutan ko pa.





"Ah. Thanks. Sige una na ko. Ingat ka. "




Wooh. Muntikan nako dun. Kala ko naman kung ano yun. Pero seriously nilalamig parin ako kahit nakapasok na ako sa bahay.




Nanghihina ako.





"Oh. Pamela. Bakit ngayon ka lang? " tanong sakin ni Mama. Actually only child lang ako eh. Pinsan ko lang ang tinuturing kong kuya ko.





Tumabi sakin si Mama sa sofa. Nakakapanghina talaga. Grabe. Napatingin ako kay Mama at kinunot ko noo. Nakakunot kasi noo niya eh.




Ilang saglit lang hinawakan niya ako sa noo. Hala!!





"Sabi na nga ba eh. May lagnat ka. Nagpaulan ka ba? " tumingin ako sa ibang direksyon. Pero walang effect. Hay.



"Pumasok ka na sa kwarto mo. Tapos dun na lang kita dadalhan ng pagkain mo. Kapag di mo kayang pumasok bukas. Wag ka ng pumasok. Akyat na. "





Kahit kailan talaga si Mama. Ang bait. Kaya umakyat na ako sa kwarto ko. Nahiga agad ako pero nakatulog na rin ako. Kaya ayun di na ko nakakain. -_____-






Not feeling well. Ang peg ko tuloy.




***



Daniela's P.O.V.





From: PamSexy

Daniela. Pakisabi kay Ma'am di ako makakapasok. Nilalagnat ako. Mamaya na lang ipapadala ni Mama yung letter nasa trabaho pa kasi siya.

To: Daniela




Hay. Nilagnat pala si Pam. Ano kayang nangyari dun sa babaeng yun. Ay. Kung napansin niyo SEXY dun sa name niya diba.



May bansag kami kasi sa isa't isa. Si Pam, Sexy. Kay Elandrea, Cute. At sakin Pretty. Heheheheh. Alam ko na yun. Maganda ako. Tss.



[A/N: Ang hangin! nakakatangay!]



Ewan ko sayo author!




Pumasok na kaagad ako sa school. Actually ngayon na kasi malalaman kung sino ang top 10 sa ranking.




Pagpasok ko. Punta kaagad ako sa bulletin board. Hinanap ko pangngalan ko. Nagbabakasali ako.




O_O




"Top 2, Dela Fuente, Daniela. " after kong mabasa yun. Nagtatalon ako. Grabe. Nakitingin silang lahat pala sakin. Siguro naweirduhan sila sa akin. Pero Yes!!!







Si Elandrea top five. Nako kaya niya pa yan. Si Pam naman top six. Pero ayos lang yan ang mahalaga Sexy naman siya. ^____^




***


After ko magpunta sa bulletin board nagpunta na ako sa classroom. Wala na silang pinagbago. Grabe sila. Pero siyempre may isang nagbago.



Hindi na nila ako BINUBULLY. Nagpastraight na kasi ako ng buhok. Kaya di na ako kulot yung dulo na lang. Hehe. Sabi ng nila lalo daw akong gumanda.




Napaupo na lang ako sa isang sulok. Nagear phones ako. Ang ingay nila eh. Napatingin ako sa Phone ko. Ang daming notifications. Ang saya ko.




Kaya pumikit na lang ako. Sinandal ko ulo ko dun sa katabi kong pader. Nagmulat na din ako. Napatingin ako sa paligid ko.




Narealize ko. Ang tumal pala ng lovelife sakin. Si Pam may Jotham na ( malapit na rin silang magaminan), si Elandrea may Kyle on going great, at ako?? Wala pa. Si Jotham ramdam ko may gusto yan kay Pam pero siguro naghahanap pa ng tiyempo para umamin. Si Kyle naman ang alam ko nangliligaw siya kay Elandrea tapos ang alam ko pag graduate nila. Sasagutin na din daw niya si Kyle.



Si Avril naman may Yuki na. Si Diego bff's sila ni Juls. Si Ryan di ko alam. Si Jhayel ang alam ko may crush yan pero di ko alam kung sino siya. Tapos may iba pa kaming mga kaklase na hindi pa naisasama sa story na to na may nabubuo ng kilig sa story nila.




Kaya babanggitin ko na rin sila. Si Darlene at Lans hindi ko alam kung anong meron sa kanila.  Basta lagi silang nagkakausap at nagtatawanan. Si Jem for Jemuel at Andrea ramdam ko may nabubuo na dyan na ****. Something like that.




Si Lorenz naman may Raymart heheheheh. Pero siyempre friends lang sila no. Si Leane wala yang crush sa mga taga-dito. Si Jeuel naman may crush. Basta di ko siya kilala. Yung iba naman di ko alam sa kanila. Bahala sila sa buhay nila. Pero siyempre joke lang yun.



Kaya okay lang sakin na wala akong lovelife ngayon. Kasi kung di ako mayaman sa manliligaw, mayaman naman ako sa kaibigan.



At saka feeling ko malapit na akong magkaroon ng lovelife na yan. Abangan niyo lang siyempre! Aba. Pinagiisipan pa ni author kung sino yung My Labs ko. ^_____^




"Daniela. " may tumawag sakin. Si Jotham pala. Tumabi siya sa akin.




"Alam mo ba kung nasaan si Pam? " nako. Hinahanap niya.




"Oo. Pero bakit mo siya hinahanap? " nagblush siya. Gwapo din tong lalaking to. Pero aish!! Kay Pam na yan. Jusko naman.



"May masama ba dun ha? " tamo to nagmamaang-maangan pa. Tutal wala naman si Pam. Papaamin ko to ngayon.




"Wala. Pero may gusto ka ba sa kaniya? " tumingin siya sa ibang direksyon.





"USONG umamin. " napatingin ulit siya sa akin at nagpout. Ang cute niya kainis.




"Oo na. Gusto ko siya. Kaya ako nagtatanong diba? Kasi namimiss ko yung tao. " Tss. Nakakakilig silang dalawa. Kainis ha. Nabibitter na tuloy ako.




"Sige na nga. Sasabihin ko ba kung nasaan siya. " sinabi ko kay Jotham na may lagnat si Pam at nagpapahinga siya sa bahay nila.



"Ano?! Sh*+!! Sabi na nga ba eh. Dapat di ko na pinalakas kay Kuya yung aircon. Nako naman. "




"Ayieeeee.... Concern siya. Puntahan mo na. " nagblush siya. Hahaha. Kakatuwang asarin siya.




"Oh sige na nga. Pero wala kang pagsasabihan nung sinabi ko sayo kanina ah. Naiintindihan mo? " bulong niya sa akin. Kaya natakot naman ako. Kaya tumango na lang ako. Hay. Di naman talaga ako mapagsabi ng mga ganyan noh.



Alam ko kasing..



' Masmagandang manggagaling sa taong gusto mo, ang mga salitang gusto ka niya. '



Oh diba!! WhoGoat!! ^_____~




The Campus HottiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon