ELISA
Tahimik lang akong naka-titig sa pintuan ng aming bahay habang hinihintay ko si Dominic. Ang asawa ko.
Maya-maya pa ay bumukas rin ito at iniluwa nito ang asawa ko. Halatang pagod siya kaya lumapit ako at ako na ang kumuha ng gamit niya. Pero, iniwas niya ito sa'kin.
"Tsk, will you leave?! You're blocking my way, stupid!" Napa-urong ako dahil sa pagsigaw niya sa'kin.
"A—anong i—ibig mong sabihin?" Tanong ko. 'Stupid' lang kasi ang naintindiham ko. At ang ibig sabihin ay tanga ako. Oo, mang-mang ako. Hindi kasi ako nakatapos ng highschool at tanging hanggang elementary lang ang natapos know. Hindi ko naman kasalanan dahil maaga akong naulila at ang tiyahin ko lang ang nag-palaki sa'kin na walang ibang ginawa kundi maltratuhin ako.
"What?! Oo nga pala, nakalimutan ko na bobo ka pala." Sabi niya at marahang tumawa.
Nasaktan ako sa sinabi niya. Masakit, dahil mismong asawa mo ang nag-sasabi sayo. Mas tanggap ko pa kung sa ibang tao.
"Dominic, kumain ka ba?" Pag-iiba ko ng usapan.
"No. I don't want to eat. Where's my son?" Tanong niya kaya napatingin ako sa kanya. Alam niya na siguro na hindi ko masyadong naiintindihan.
"Nasan ang anak ko?" Tanong niya.
Anak ko?
Anak ko rin naman 'yon ah.
"N—nasa kuwarto, tulog na." Sagot ko pero 'di niya 'ko pinansin at umakyat sa kuwarto kung nasan ang anak namin.
Si Eric.
Siya ang bunga ng pagmamahal ko sa kanya. Naalala ko pa noong una kaming magkakilala ni Dominic. Siya ang tumulong sa'kin ng minsan niya 'kong nakita na binubugbog ng aking tiyahin sa gitna ng palengke dahil sa hindi ko naubos ang ipinatitinda niya sa'kin. Naawa siya sa'kin kaya tinulungan niya 'ko at sinabing tutulungan niya 'kong makaalis sa puder ng aking tiyahin. Sobrang saya ko noon dahil may isang lalaki na handa akong tulungan. Dahil sa pangako niya, binili niya 'ko. Binayaran niya ang tiyahin ko ng malaking halaga mabili lamang ako. Bagama't masakit, dahil wala talagang pakialam sa'kin si tiya Martha. Pero lubos ang aking pasasalamat dahil sa asawa ko. Dinala niya 'ko dito sa bahay niya upang patuluyin. Noong una, tumanggi ako dahil sobra-sobra na ang ginawa niya para sa'kin. Pero naalala ko na may utang pa pala akong dapat bayaran kaya nag-presinta ako na gawin niya lang akong katulong upang makabayad sa kanya. Pumayag naman siya. 5 buwan akong nanirahan sa bahay niya ng kaming dalawa lang. At sa limang buwan na 'yon, nagsimula akong mag-kagusto at mahalin siya. Mabait siyang tao kahit na minsan niya lang akong kausapin dahil sa alam kong busy siya sa trabaho niya at gabi na siya kung umuwi. At sa pagkakaaalam ko ay may kasintahan siya kaya inilihim ko na lamang ang pagtingin ko para sa kanya.
Hanggang isang gabi ay umuwi siyang lasing at bigla na lamang akong hinalikan. Nagulat ako noong una at pinigilan siya dahil sa lasing siya kaya niya nagawa iyon. Pero hinila niya 'ko sa kuwarto at hinalikan ulit. Hindi na ako umangal dahil inaamin ko mismo sa sarili ko na gusto ko ang ginagawa niya at mahal ko siya, kaya naibigay ko ang sarili ko sa kanya. Matapos may mangyari sa'min ng gabing iyon ay sinabi ko rin na mahal ko siya. At sobrang saya ko ng sumagot siya na mahal niya rin ako. Sobrang saya ko. Pero, ang sagot niyang iyon... Ay hindi pala para sa'kin.
BINABASA MO ANG
The Ignorant Selfless Wife (BOOK 1)
Ficción GeneralKilalanin si Elisa. Isang asawa at ina. Sobra kung mag-mahal at walang ibang ginawa kung hindi mahalin ang anak nila ni Dominic. Ang lalaking walang ibang ginawa kung hindi saktan siya. Magawa niya pa kayang mahalin ang sarili, kung lahat na-ibigay...