Chapter 56

40.1K 842 127
                                    

ELISA

Hindi ako natulog magdamag kakahintay sa kanya. Pero sa huli, nakatulog din ako.

Tumihaya ako idinilat ko ang mga mata ko.

Umaga na pala.

Bumangon ako at bumaba na. Naabutan ko ang sina mama at Eric na nasa kusina habang nagluluto si mama.
"Good morning mama!" Sabi ng anak ko sabay lapit sa'kin.

Hinalikan ko ito sa pisngi.

"Good morning baby." Sabi ko.

"Oh gising ka na pala. Kumain na tayo." Sabi ni mama habang naglalapag ito ng mga plato.

"Tara baby, upo ka na. Kakain na tayo." Sabi ko sa anak ko.

Tinulungan ko si mama na maghain.

"Mama."

"Bakit?"

"S—si Dominic po ba, umuwi kagabi?" Tanong ko.

Mga ganitong oras kasi naghahanda na 'yon bago umalis.

Nilapag ni mama ang plato na hawak niya at tumingin sa'kin.

"Hindi pa anak eh."

"Sigurado po ba kayo mama?" Tanong ko.

Tumango siya sa'kin.

"Sige po. Baka uuwi din 'yon." Sabi ko na lang.

"Kumain na muna tayo." Sabi ni mama.

Huminga ako ng malalim tyaka umupo sa tabi ng anak ko.

Tiningnan ko si Eric na walang muwang sa mga nangyayari.

👔👗

Hapon na pero hindi pa din umuuwi si Dominic. Hindi ko maiwasang mag-alala at matakot.

Hindi kaya may nangyari na sa kanya? Hinahanap niya ba si Erich? O nasa kumpanya siya?

Pabalik-balik ako sa sala habang tinitingnan ang orasan. Alas-kuwatro na at ilang oras na siyang hindi umuuwi. Panay pa naman ang tanong sa'kin ng anak namin.

Nasa ganoon akong pag-iisip ng biglang bumukas ang pinto at bumungad sa'kin ang asawa ko. Napatigil ako at tiningnan siya. Ganoon pa din ang soot niya. Saan siya nagpalipas ng gabi?

Kumurap muna ako ng ilang beses at lumapit ako sa kanya.

"Elisa—Dominic." Sabi ni mama.

"Dominic saan ka nagpunta?" Tanong ko.

Hindi siya umimik at tiningnan lang ako ng malamig. Nasasaktan ako sa klase ng mga titig niya sa'kin.

"Dominic—"

"Mag-usap tayo." Sabi niya at umakyat sa kuwarto niya.

Tumingin ako kay mama. Pilit akong ngumiti sa kanya.

"Anak..."

"Mama, aakyat po muna 'ko. Mag-uusap po kami." Sabi ko at umakyat na sa taas.

👔👗

"Dominic anong pag-uusapan natin?" Tanong ko sa kanya.

Naabutan ko siyang nagbibihis.

"Dominic saan ka pupunta? Aalis ka ulit?" Tanong ko.

Hindi siya sumagot at panay ang pabalik-balik niya dito sa kuwarto.

"Dominic sagutin mo naman ako. Saan ka pupunta?" Tanong ko sa kanya.

Lumingon siya sa'kin.

"Alam mo ba kung nasaan si Erich? May address ba siya na binigay sa'yo? Tell me." Sabi niya. Napatigil ako at tumitig lang sa kanya.

Nasasaktan ako.

May binigay si Erich sa'min ni address noong nandito siya kahapon para kapag bumisita kami sa kanya ay alam namin kung saan siya pupuntahan.

"W—wala siyang binigay." Pagsisinungaling ko.

Ayokong sabihin dahil tiyak na pupuntahan niya si Erich. At ayokong mangyari 'yon.

"Are you kidding me? I know na may binigay siya." Sabi niya pa.

Umiling ako.

"Wala Dominic." Sagot ko.

Titig na titig ako sa kanya.

"Bakit Dominic? Pupuntahan mo siya? Ipipilit mo ang sarili mo sa kanya? Dominic, may pamilya na siya!—"

"I don't care, Elisa!" Sigaw niya.

Napailing ako sa sagot niya. Baliw na ba siya? Hindi niya pwedeng kuhanin si Erich dahil may pamilya na siya!

"Dominic ano ba?! Bakit ka ba nagkakaganyan? May asawa na siya! Hindi na nga—"

"Shut up Elisa! Wala akong paki-alam kung may asawa na siya o wala! Ako ang nauna kaya ako din sa huli!"

Napasinghap ako at tumulo ang mga luha ko. Sobrang sakit ng mga binitawan niyang salita. Hindi ko akalain na masasabi niya 'yon sa'kin sa kabila ng mga nangyari sa'min.

Pinunasan ko ang mga luha ko at tinatagan ko ang sarili ko.

"Anong nangyari Dominic? B—bakit bigla kang nagbago at bumalik sa dati? Bakit? Kasi bumalik siya? Ganoon ba? Akala ko ba, okay na? Akala ko ba, masaya na tayo? Bakit Dominic? A—ano bang nagawa ko? Naging mabuti lang naman akong asawa at nagmamahal sa'yo ah? H—hindi pa ba sapat? Dominic, asawa mo 'ko! Kasal tayo! May anak na tayo—"

"At sana hindi na lang 'yon nangyari! It's your fault, Elisa! Not mine! Kung pinigilan mo lang kasi ako noon o 'yang sarili mo bago may mangyari sa'tin, eh 'di sana—"

"Sana ano? Wala si Eric? 'Yon ba?" Natahimik siya sa sinabi ko.

Hindi ko lubos akalain na isusumbat niya 'yon sa'kin. Kasalanan ko ba na kaya ko ibinigay ang sarili ko dahil mahal ko siya? Oo, tanga ako. Pero hindi ako nagsisisi. Dahil dumating sa buhay ko si Eric.

"Kung ayaw mong ibigay sa'kin ang address niya, then I'll make my own way to find her." Sabi niya.

Napa-iling ako at pinigilan siya.

"Dominic paki-usap, 'wag naman..." Hinawakan ko ang kamay niya.

"Dominic asawa mo 'ko..." Sabi ko.

Tinitigan niya 'ko at inalis ang kamay ko.

"I'm sorry, but you're wrong." Napatigil ako at naguguluhan na tinitigan siya.

"Dominic—" At umalis na naman siya.

Hindi ako nakaalis at naiwan lang na nakatayo sa kuwarto niya.

Anong ibig sabihin ng huling sinabi niya?

The Ignorant Selfless Wife (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon