ELISA
Alam kong kahiya-hiya ang itsura ko ngayon. Pakiramdam ko kasi pulang pula na ang mukha ko.
"Ilalagay ko na ba 'to?" Lumingon ako sa kanya.
Hawak na nito ang pulang asukal.
Tumango ako habang kagat ko ang labi ko. Nahihiya at 'di ako mapakali dahil magkatabi ngayon. Tapos sobrang init pa dahil sa niluluto namin.
"O—oo, ilalagay mo na 'yang asukal. Akin na." Kinuha ko ang asukal sa kanya at binuhos 'yon sa saging sa kumukulong mantika.
"O—okay na. Haluin mo na lang para kumapit 'yong asukal." Pinanood ko siya habang hinahalo ang banana-q.
Ingat na ingat siya at tutok na tutok sa ginagawa niya. Di niya 'ko napapansin kapag tumitingin ako sa kanya dahil busy siya. Kita ko na din na pinagpapawisan siya kaya 'di ko alam kung pupunasan ko ba 'yon o hindi.
Sa huli, umalis ako saglit at kumuha ng tuwalya.
"Dominic ito oh, magpunas ka muna. Pawisan ka na kasi. Ako na muna dyan." Sabi ko.
Hindi niya 'ko pinansin kaya napayuko na lang ako.
"Ilalagay ko na lang dito—"
"No. Punasan mo na 'ko. Can't you see? May ginagawa ako. Baka masunog pa 'to." Napatingin naman ako.
Hindi naman 'yon masusunog. Magpupunas ka lang naman eh.
Gusto ko sanang sabihin pero sinunod ko na lang.
Pinunasan ko ang leeg niya tyaka ang noo niya. Nanginginig pa 'ko dahil sa pagka-taranta. Ngayon ko lang kasi nagawa ito sa kanya.
"Tingnan mo nga kung okay na 'to." Huminto ako tyaka sinilip ang ginawa niya.
Napangiti naman ako.
Very good.
"Oo, okay na 'yan." Sagot ko.
Pinatay na nito ang lutuan at kinuha niya sa'kin ang tuwalya at nagpunas.
"Tulog na si Eric. I'll bring him to his room." Napalingon naman ako sa anak ko na nakatulog na kakahintay.
"S—sige. Ilalagay ko na lang muna 'to sa ref para kainin niya na lang mamaya." Sabi ko.
Binuhat niya ang anak namin tyaka umakyat sa kuwarto.
Sinilip ko muna sila at tumingin sa niluto niya. Parang babae dahil perfect ang pagkaluto niya. Hindi sunog, tama lang.
Napangiti ako at kumuha ng tinidor.
Titikman ko.
Ma-ingat kong kinuha ang isang saging tyaka hinipan muna dahil mainit pa.
Maya-maya pa ay tumalikod ako at humarap. Kumagat ako ng kaunti.
Nakapikit pa 'ko.
Ang sarap!
Simpleng banana que lang naman 'to, pero ang babaw ko. Pag ako kasi ang nagluluto nito, parang normal lang. Pero si Dominic ang nagluto kaya espesyal para sakin.
"What are you doing?"
Napadilat ako.
"D—Dominic..."
Nakita niya kaya?
Napatalikod ako ng wala sa oras.
"Pasensya ka na. Sandali, ilalagay ko lang 'to sa plato." Sabi ko.
Napapikit pa 'ko ng bahagya dahil sa kahihiyan. Sigurado ako na nakita niya 'ko.
Nakakahiya!
"Ipaglagay mo din ako sa isang plato. I'm going to change my clothes. Paki-akyat na lang sa kuwarto 'ko " Sabi nito kaya napatigil ako.
Sa kuwarto niya?
"Narinig mo ba 'ko Elisa?" Lumingon ako.
"Oo."
"Pakibilisan." Tumango ako.
"Oo sige, dadalhin ko." Sagot ko.
Tumingin lang siya sa'kin at umalis.
Napahawak ako sa dibdib ko.
Sobrang bilis ng tibok nito at parang sasabog na.
Nasaan na ba si mama?
👔👗
Huminga muna ako ng malalim bago kumatok sa kuwarto niya.
"Dominic?" Tawag ko.
Kumatok ako pero walang sumagot.
"Dominic?"
Kumatok ako ulit.
"Dominic—"
Biglang bumukas ang pinto.
Nakasoot ito ng pajama at puting T-shirt.
Matutulog na siya?
Pero maaga pa.
Hindi siya nagsalita at dumiretso sa loob.
Sumunod naman ako.
Napatingin ako sa paligid ng kuwarto niya.
Tatlong beses pa lang yata na nakapasok ako dito. Madalas kasi, sa opisina niya lang ako nakakapasok.
"Pakilapag sa table." Utos niya.
Nilagay ko ang banana que niya sa mesa, sa tabi ng kama niya.
Wala akong imik at nakatingin lang sa likod niya. May ginagawa kasi ito.
"Lalabas na 'ko—"
"Elisa." Napatigil ako.
"B—bakit?"
"Lumapit ka sa'kin." Hindi agad ako nakapag-react.
Pero, lumapit pa din ako. Nakayuko ako ng lumapit ako sa kanya.
"Tumingin ka sa'kin." Nag-angat ako ng tingin.
Sobrang lamlam ng mga mata niya.
May sakit ba siya?
"May sasabihin ka ba—"
Napatigil ako ng bigla niya 'kong halikan.
Hindi ako nakaka-kilos. Hindi ko siya naitulak at pinikit ko ang mga mata ko.
Hinahalikan niya 'ko—
Napadilat ako ng itulak niya 'ko.
"Lumabas ka na." Hindi agad ako nakasagot dahil sa pagka-bigla.
"Dominic..."
"Get out. I... I thought you're Erich..."
![](https://img.wattpad.com/cover/60026131-288-k548481.jpg)
BINABASA MO ANG
The Ignorant Selfless Wife (BOOK 1)
General FictionKilalanin si Elisa. Isang asawa at ina. Sobra kung mag-mahal at walang ibang ginawa kung hindi mahalin ang anak nila ni Dominic. Ang lalaking walang ibang ginawa kung hindi saktan siya. Magawa niya pa kayang mahalin ang sarili, kung lahat na-ibigay...