ELISA
Sumakay ako agad sa taxi at sinabi ang address na binigay sa'kin ni Erich.
Habang nasa byahe ako ay 'di ko maiwasan na mapangiti pero may halong kaba.
Sinandal ko ang sarili ko at pinanood ang mga gusali na nadadaanan namin habang hinihintay ko na makarating doon.
👔👗
"Miss nandito na ho tayo." Sabi ni manong kaya binigay ko na ang bayad at bumaba na ng taxi.
Napatingin ako sa mataas na gusali at tiningnan ang card na hawak ko. Sabi ni Erich makakapasok daw ako basta may card ako. Ito daw ang access sa elevator. Ang may-ari lang daw kasi ang meron nito at binigay niya sa'kin.
Huminga ako ng malalim at pumasok. Binati ako ng mga guards. Sinalubong naman ako ng isang babae kaya agad kong pinakita ang card na hawak ko.
Mabuti na lang natanaw ko agad ang elevator. Kung hindi ay baka 'di ako patuluyin. Tinuro naman sa'kin ni Erich kung paano gagamitin ang card na binigay niya sa'kin bago ako umalis kaya 'di ako kinakabahan.
Itinapat ko ang card sa scanner at pinindot ko ang floor na pupuntahan ko. Nasa 8th floor ang unit at room H-5, sa may kaliwa.
Pagkabukas ng elevator ay lumabas agad ako at naglakad habang hinahanap ko ang unit.
G-10
H-1
H-2
H-3
H-4
Huminto ako sa tapat ng H-5.
Ito na nga.
Sa tabi noon ay may keypad kaya pinindot ko ang password na nakasulat sa papel.
Maya-maya pa ay umawang ang pinto. Saglit akong napatigil at huminga ng malalim.
Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan.
Nandito kaya siya?
Binuksan ko na ang pinto at pumasok na 'ko sa loob. Hindi ko na nga sinarado kasi natatakot ako.
Tahimik lang ako habang pinagmamasdan ko ang paligid. Napatigil pa 'ko dahil may mga pictures pa sila ni Erich noong sila pa. Nag-iwas na lang ako ng tingin at nagpatuloy. Medyo madilim at sobrang lamig.
Sabi ni Erich ay tumingin ako sa kanan at may kuwarto akong makikita.
Naglakad ako ng dahan-dahan hanggang sa makita ko ang kuwarto at nakabukas.
Napatigil ako sa gilid.
Nandito nga siguro siya. Bukas kasi ang ilaw sa loob.
Huminga ako ng malalim bago ako pumasok sa kuwarto.
Pero napatigil ako ng may maapakan ako na damit.
Kinuha ko ito.
Damit ng babae?
Napatingin ako sa kawalan. Hindi ko alam pero lalo akong kinabahan. Naglakad pa ako at parang bumabagal lahat ng nasa paligid ko. Na parang ang bigat ng paghinga ko.
At tuluyan na ngang huminto ang mundo ko sa naabutan ko.
Ang mga hubad nilang katawan habang nasa ibabaw ang asawa ko.
Hindi ako nakakibo kasabay ng paghigpit ng pagkakahawak sa damit na hawak ko. At kilala ko ang babaeng katalik niya.
Si Leslie.
Hindi na 'ko nag-abala na panoorin pa sila.
"MGA WALANGHIYA KAYO!" Sumugod ako sa puwesto nila at tinanggal ang kumot na bumabalot sa kanila at hinila ko ang buhok ni Leslie.
"ANG BABABOY NIYO!" Sigaw ko habang hila hila ko ang buhok niya at hinila siya pababa sa kama.
Wala akong paki-alam kahit naka-hubad sila.
"ELISA—"
"MGA HAYOP KAYO! MALANDI KANG BABAE KA!"
"Ouch—ano ba! B—bitiwan mo ang buhok ko—ugh! Dominic help me!" Kinaladkad ko siya sa isang tabi at pinagsasampal habang nasa ibabaw niya 'ko.
"HAYOP! HAYOP KAYO!" Sigaw ko habang umiiyak ako.
"ELISA, STOP IT! F*CK!" Sabay hila sa'kin ni Dominic paalis sa ibabaw ni Leslie.
"OH MY GOD! YOU'RE CRAZY! DOMINIC!" Sabi nito sabay tayo at inayos ang buhod niya.
Gigil na gigil ako sa kanya.
"WHAT ARE YOU DOING HERE ELISA?!" Tanong sa'kin ni Dominic.
Naka-tuwalya na siya sa ibaba pero naka-hubad si Leslie na nasa likod niya.
"BAKIT DOMINIC? NAGULAT KA? HA? ANG BABABOY NYO!" Sigaw ko sa kanila.
Akmang susugod ako ulit pero pinigilan niya 'ko.
"STOP IT, WILL YOU?!" Sabi niya.
Napa-iyak na lang ako at sinampal siya.
"WALANGHIYA KA! SINUNGALING!" Sigaw ko sa kanya.
"ELISA—"
"WAG MO 'KONG MA-ELI ELISA! ITO BA?! ITO BA ANG GANTI MO SA'KIN?! HA?! KAYA BA HINDI MO AKO MAGAWANG MAHALIN?!" Pasigaw na tanong ko.
Nanginginig ang buong katawan ko dahil sa galit.
"SAGUTIN MO 'KO—"
"WILL YOU SHUT UP STUPID?!" Sabi ni Leslie.
Hinarap ko siya.
"ANO?" Tanong ko.
"Huh! Hindi mo ba 'ko narinig? O hindi mo naintindihan? Oh! Oo nga pala! Bobo ka pala. How sad." Sabi niya.
"Leslie—"
"And wait? Elisa, wala ka ng karapatan magalit sa kanya." Humakbang siya palapit sa'kin.
Bakat na bakat ang kamay ko sa pisngi niya.
"Why? Dahil wala ng bisa ang kasal niyo."
Naguguluhan na tumitig ako sa kanila.
"Leslie—"
"Totoo naman diba, babe? 'Yong pinapirmahan mo sa kanya ay ang ANNULMENT nyo."
Natigilan ako at tumitig kay Dominic. Gulat na gulat siya.
"T—Totoo ba?" Tanong ko.
Lumunok lang siya.
"It's true —"
"Hindi kita kinakausap kaya manahimik ka!" Sabi ko kay Leslie.
Umirap lang siya sa'kin.
Nilingon ko si Dominic.
"Totoo ba? Sumagot ka."
"SUMAGOT KA—"
"Leslie was right—" Sinampal ko siya.
"PAANO MO NAGAWA SA'KIN 'YON? NILOKO MO 'KO! SINAMANTALA MO ANG KAHINAAN KO!" Sigaw ko.
"Elisa—"
"Wag mo 'kong hahawakan." Sabi ko at lumayo sa kanila.
"NAPAKA-GAGO MO. SOBRA NA." Sabi ko.
"Yan ba ang pinakasalan mo? Halatang walang pinag-aralan!" Sabi ni Leslie.
Lumapit ako sa kanya at hinila ko ulit ang buhok niya.
"Damn it, Elisa! Stop this!" Pigil sa'kin ni Dominic.
"UGH! LET ME GO STUPID —AH!" Inis na binitawan ko ang buhok niya at humarap kay Dominic.
"TAPOS NA 'KO, KAYA MAGSAYA NA KAYO." Sabi ko at lumabas na ng unit.
Tama na.
BINABASA MO ANG
The Ignorant Selfless Wife (BOOK 1)
Ficción GeneralKilalanin si Elisa. Isang asawa at ina. Sobra kung mag-mahal at walang ibang ginawa kung hindi mahalin ang anak nila ni Dominic. Ang lalaking walang ibang ginawa kung hindi saktan siya. Magawa niya pa kayang mahalin ang sarili, kung lahat na-ibigay...