ELISA
Nandito kami sa sala at nagkukuwentuhan kami nina mama, Erich at ako. Nasa kuwarto naman si Eric at pinaglalaro ko.
"Erich, paano mo nalaman na si Marcela ang tunay mong ina?" Tanong ni mama.
Huminga muna ng malalim si Erich tyaka tumingin sa'min.
"S—si mama ang nagpalaki sa'kin..."
"Sinong mama? Si ate Myra ba?"
"Opo. Siya ang nagpalaki sa'kin."
"Siya lang? Wala siyang kasama?"
Umiling si Erich.
"Lumaki ako na walang ama."
Nagka-tinginan kami ni mama. Anong ibig sabihin niya? Wala na si papa noon?
"Sa ibang bansa niya 'ko pinalaki mag-isa. Tapos, unuwi kami dito noong 10 taong gulang na 'ko. Dito na kami nanirahan. M—malupit siya sa'kin. At parang 'di niya ko tinuturing na anak. Masakit para sa'kin 'yon. Tinatanong ko kung may ama ba 'ko, pero ang sagot niya iniwan na daw kami. Pakiramdam ko talaga wala ng magmamahal sa'kin. Hanggang sa nagdalaga ako at inamin niya na lahat sa'kin lahat ng pangyayari. At hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko. Hindi ko siya tunay na ina. At ang tunay kong ina ay nagnga-ngalang Marcela. Gulong-gulo ang isip ko sa mga nalaman ko. Naglayas ako at simula noon. 'Di na 'ko nagpakita pa sa kanya. Hanggang sa namatay siya. Pero napatawad ko na siya." Sabi niya.
Bakas sa mukha ni Erich ang lungkot at panghihinayang.
"Tita? Pwede nyo po ba 'kong kuwentuhan about kay mama?"
"Oo naman."
"Sa aming tatlo, siya ang pinakamabait at maalalahanin. Parang siya ang anghel sa pamilya namin. Matalino. At higit sa lahat, maganda siya katulad mo. Marami ang nagkakagusto sa kanya, pero isa lang ang bumihag ng puso niya. At 'yon ay ang ama mo. Si Jerome. Gwapo si Jerome at mabait. May disiplina at responsable. Kaya siguro bagay na bagay sila. Negosyante ang ama mo noon kaya madalas busy siya. Pero hindi siya nawawalan ng oras para sa mama mo. Mahal na mahal niya kasi ito. Kayo ng mama mo." Kuwento ni mama.
Ngumiti naman si Erich at pinahid ang mga luha na kanin pa naglalandas sa pisngi niya.
"Sayang lang dahil hindi ko man lang sila nakasama." Malungkot na sabi niya.
Umupo si mama sa tabi niya.
"Ganon talaga ang buhay. Maraming pagdadaanan pero sa huli, makakarating din naman tayo sa ating ika-sasaya." Sabi ni mama.
Napa-ngiti naman ako. Naalala ko ang mga pinagdaanan namin ni Dominic. Noong una ay ayaw na ayaw niya sa'kin at lagi niyang sinasabi na makipag-hiwalay ako sa kanya. Pero ngayon, ayos na ang lahat. Masaya ako dahil naging maayos ang pagitan sa'min.
Tumabi ako sa kanya at niyakap siya. Gusto ko na maramdaman niya na nandito lang kami lagi ni mama para sa kanya. Siya na lang kasi ang natitira naming kamag-anak.
"Imagine, may pinsan pala 'kong maganda at tita na maganda din. I'm happy Elisa. At may pinsan ako na tulad mo. May ka-chikahan na 'ko." Napatawa naman kami lahat.
Nasa ganoon kaming scenario ng may kumatok. Kumalas kami sa pagkakayakap.
"Nandyan na yata ang asawa mo Elisa." Ngumiti naman sa'kin si Erich.
"Salubungin mo na." Sabi niya.
Tumayo naman na 'ko at binuksan ang pinto.
Bumungad sa'kin ang asawa ko.
Ngumiti ako sa kanya at niyakap siya.
"Na-miss kita." Sabi ko.
Hindi siya sumagot at parang natuod lang sa kinatatayuan niya. Naramdaman ko din na bumitaw ang braso niya na nakayakap sa'kin.
Hinarap ko siya.
Hindi siya naka-tingin sa'kin.
Naka-tingin siya kina mama at Erich na nakatingin sa'min. Napatingin ako kay Erich na parang namutla at nakakita ng multo.
"D—Dominic..." Sambit nito.
Napatingin ako sa kanya.
Kilala niya ang asawa ko?
"Kilala mo siya?" Tanong ko sa kanya.
Nag-iwas ng tingin si Erich.
Tumingin naman ako kay Dominic na titig na titig sa kanya.
Ano bang meron?
Hinawakan ko ang kamay niya pero parang wala siyang reaksyon. Naguguluhan na pinagmasdan ko si mama.
"Erich hija, siya ang asawa ni Elisa. Si Dominic." Pakilala ni mama.
Hindi pa din tumingin si Erich sa'min.
May mali ba?
Nilingon ko si Dominic.
"Dominic? Ayos ka lang ba? Bakit 'di ka nagsasalita? P—pagod ka ba?" Tanong ko.
Hindi niya 'ko pinansin at pumunta siya sa puwesto ni Erich.
Wala sa'min ang umiimik.
Nagka-tinginan kami ni Erich pero tumingin siya kay mama. Binasa ko ang ekspresyon niya at parang may gusto siyang sabihin sa'min.
"Erich okay ka lang ba hija? Namutla ka." Puna ni mama.
Umiling siya at kinuha niya bigla ang bag niya.
"Aalis ka na?" Tanong ni mama.
"I—I'm sorry tita. K—kailangan ko ng umuwi. E—excuse me." Sabay nilagpasan niya si Dominic.
Huminto si Erich sa harapan ko. Para siyang maiiyak habang nakatingin sa'kin.
"E—Elisa, uuwi na 'ko."
"Bakit?"
"Kailangan ko na talagang umalis, I'm sorry—"
"Why, Raye? Hindi ka ba makapaniwala na nakita mo 'ko? Are you not happy to see me again after you left me?" Sabi ni Dominic.
Napatingin ako sa kanilang dalawa at gulong-gulo.
Tiningnan ko Erich na nakatitig sa'kin at umiiyak.
"Elisa." Banggit niya sa pangalan ko.
Naguguluhan na napatingin ako sa kanilang lahat. Lalo na sa dalawa.
Sa mga tinginan nila at sa sinabi ni Dominic, alam kong mayroong kakaiba.
"Unbelievable. I'm sorry again. Akala ko kasi ikaw si Erich.""Yeah. Siya ang dahilan kung bakit ako nag-lasing kagabi."
"Ayoko na siyang pag-usapan."
Biglang bumalik sa'kin lahat.
Siya ba? Si Erich ba na nasa harapan ko ang ex ng asawa 'ko?
Gusto kong makasigurado sa narinig ko mula sa asawa ko kaya nagsalita ako.
"M—may hindi ba 'ko alam?"
BINABASA MO ANG
The Ignorant Selfless Wife (BOOK 1)
Fiction généraleKilalanin si Elisa. Isang asawa at ina. Sobra kung mag-mahal at walang ibang ginawa kung hindi mahalin ang anak nila ni Dominic. Ang lalaking walang ibang ginawa kung hindi saktan siya. Magawa niya pa kayang mahalin ang sarili, kung lahat na-ibigay...