ELISA
Pagkapasok namin sa loob ng bahay ay naabutan namin si Dominic na nakaupo sa sofa at nakapikit ang mga mata. Halatang pagod na pagod ito sa trabaho niya. Nadako ang tingin ko sa soot niya. Iba na 'yon at hindi na 'yon ang damit niya na suot niya kahapon. Saan kaya siya nagpalipas ng gabi?
"Papa." lumapit si Eric at akmang gigisingin ito.
"Anak, natutulog si papa, 'wag mo muna siyang gisingin." Ngumuso ang anak ko at lumapit sa akin.
"Bakit siya ulit natutulog? Di po ba siya natulog kagabi? Ha, mama?" Tanong nito sakin. Tiningnan ko ang asawa ko. Mabigat ang paghinga nito.
"Ganon talaga anak. Laging tulog ang mga lalaki." Palusot ko. Kahit bata pa lang ang anak ko ay matanong at matalino ito.
"Eh bakit ako mama, 'di naman laging tulog? Pero lagi mo kong pinapatulog." Napatawa na lamang ako.
"Kasi... 'Di ka pa, big."
"But matangkad daw po ako sabi ni teacher." Sabi ng anak ko. Sa edad na apat na taon ay parang 6 years old na siya kapag tiningnan mo. Namana niya ang tangkad ng kanyang ama.
"Totoo yun 'nak. Matangkad ka." Ngumiti ito sakin.
"So, nagpapatangkad si papa?" Napatawa ako.
"Hindi na po. Kasi big na siya." Tumango ang anak ko at yumakap sa'kin.
"Mama, tabi tayo kay papa." Hindi ko alam ang isasagot ko.
"Ah eh, 'wag na anak—"
"Come here." Napatingin kami sa nagsalita. Si Dominic habang nakapikit. Tumakbo ang anak namin sa kanya.
"Papa, gising ka na po?" Tanong ni Eric sa kanya. Nakaluhod lang ako sa harapan nila.
"Why?" Tanong ni Dominic. Nakapikit pa din ito.
"Kasi po, mag-uusap pa po tayo para sa family day papa." Sabi ng anak ko. Di nakasagot si Dominic. Siguro ay nakatulog ulit ito.
"Papa,"
"Elisa." Biglang tawag nito sa'kin. Nakapikit pa din ito.
"B—bakit?"
"Come here." Sabi nito. Tumingin sa'kin si Eric at ngiting-ngiti.
"Mama punta ka daw po dito."
Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Alam ko naman ang ibig sabihin non. Pero parang wala akong naintindihan sa sinabi niya.
"Ah, eh..." Dahan dahan akong tumayo at tumabi sa kanya.
"B—bakit Dominic?" Tanong ko dito. Nakasandal ang ulo nito at nakapakit.
Nagulat naman ako ng ibaling nito ang ulo niya paharap sa'kin. Pero nakapikit pa din ito."Hilutin mo ang sintido ko." Hindi ako agad nakasagot.
"H—huh?"
"Damn Elisa. Narinig mo naman." Inis na sabi nito. Nataranta naman ako kaya umayos ako ng upo at mas lumapit pa sa kanya. Mas magka-dikit na kami ngayon.
"A—anong gagawin ko?" Tanong ko. Alam ko naman ang gagawin ko. Pero pakiramdam ko ay nakalimutan ko agad.
"Mama hilutin mo daw po ang ulo ni papa." Sabi ng anak ko. Nakayakap ito kay Dominic.
"S—sige. Sandali kukuha lang ako ng oil para sa sakit." Tumayo ako at umakyat sa kuwarto. Kumuha ako ng oil na panghilot at dali-daling bumaba. Pagkababa ko ay naupo na ako sa tabi niya. Nakapikit pa din ito. Napansin ko na nawala si Eric.
"Nasaan si Eric?" tanong ko habang iniikot ang paningin ko.
"He went outside. He's playing." Napatango na lamang ako.
Binaling ko ang tingin ko kay Dominic.
"Hihilutin ko na..." Sabi ko. Naglagay ako ng konting oil sa palad at nilagay iyon sa magkabilang gilid ng ulo niya. Hindi ako agad nakagalaw. Ngayon ko lang siya nahawakan ng ganito.
"Why did you stop? Malamig sa ulo." Napabitaw ako saglit. Menthol nga pala ang oil na naipahid ko. Binalik ko agad ang kamay ko at dahan-dahan na hinilot ito. Para akong tanga na 'di mapakali habang ginagawa 'yon. Nahihiya kasi ako.
"O—okay na ba?" Tanong ko sa kanya habang hinihilot ko ang ulo niya.
Hindi siya sumagot kaya nagpatuloy ako sa ginagawa ko. Palihim akong napapangiti kapag napapatingin ako sa mga pilik mata niya. Ang sarap pagmasdan. Buti na lang at namana ito ng anak ko.
"Hmm." Umungol ito ng diinan ko ang paghilot ko sa magkabilang sentido niya.
"S—sorry, napadiin yata." Paumanhin ko. Hindi ito sumagot. Pagod na pagod nga ito dahil sa itsura nito.
Matapos ang ilang minuto ay binitawan ko na siya. Inayos ko ang ulo nito para mas makapagpahinga ng maayos. Tumayo ako at inalis ang sapatos nito pati ang medyas. Tinabi ko ito. Matapos non ay tumayo na ko ulit.
"Elisa."
Napalingon ako.
"B—bakit?"
"About the family day."
Napahinto ako. Oo nga pala at may event sa school sina Eric sa biyernes.
"Okay lang Dominic. Alam ko naman na busy ka sa trabaho. Okay lang kahit ako na lamang ang pumunta." Sabi ko habang nakangiti. Nakadilat na ito at nakatingin sakin.
"It's a family day. I don't want to see my son without a complete family. Ayokong magtaka ang anak ko at mainggit sa mga classmates niya." Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko akalain na masasabi niya 'yon. Napangiti ako. Masaya ako dahil ayaw niyang makita na nasasaktan ang anak namin. Masaya na 'ko doon.
"Salamat."
"Don't thank me, it's for our son."
BINABASA MO ANG
The Ignorant Selfless Wife (BOOK 1)
Fiksi UmumKilalanin si Elisa. Isang asawa at ina. Sobra kung mag-mahal at walang ibang ginawa kung hindi mahalin ang anak nila ni Dominic. Ang lalaking walang ibang ginawa kung hindi saktan siya. Magawa niya pa kayang mahalin ang sarili, kung lahat na-ibigay...