Chapter 30

42.1K 1K 81
                                    

ELISA

Agad akong tumakbo sa kuwarto ko matapos niya 'kong halikan.

Sobrang bilis ng tibok ng puso pero may sakit.

Sakit, dahil noong narinig ko ang pangalan NIYA, alam ko na.

"Elisa anak, ayos ka lang ba?" Nasa ganon akong pag-iisip ng marinig ko ang boses ni mama.

Nandito siya?

Hindi ko siya napansin.

"Mama..."

Tumayo ito at lumapit sakin.

"Ayos ka lang ba?" Tanong niya sakin.

Napatitig ako kay mama.

"Binantayan ko si Eric. Akala ko kasi wala kayo ng asawa mo. Saan ba kayo galing?"

Sa kuwarto niya mama, hinalikan niya ko.

Gusto ko sanang sabihin.

"Kayo? Saan po kayo galing?" Tanong ko.

Ngumiti siya sakin.

"May pinuntahan lang ako. May problema ba anak?"

Umiling lang ako tyaka lumapit sa anak ko na natutulog.

"A—ayos lang po ako. P—pwede na po kayong lumabas." Sabi ko habang hinahaplos ang pisngi ng anak ko.

Alanganin lang siyang ngumiti sakin.

"S—sige. Bababa na 'ko." Sabi nito at lumabas.

Napahinga naman ako ng malalim.

Balang araw, mapapatawad din kita mama.

Sabi ko sa isip ko.

Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko hanggang sa makatulog ako.

👔👗

Maaga akong nagising dahil darating na si Sir Marco. Mabuti nga at maaga akong nagising dahil kagabi ko lang ginawa ang homework ko. Hindi ko kasi 'yon agad nagawa. Hindi kasi mawala sa isip ko ang paghalik sakin ni Dominic noong isang araw.

"Are you done?" Napatigil ako sa paghahanda ng almusal ng marinig ko ang boses ni Dominic.

Lumingon ako sa kanya.

"Huh?"

Umupo siya sa harapan ko.

Napatitig lang ako sa kanya.

"Kakain na 'ko." Sabi nito.

Dali-dali naman akong kumilos at pinaghanda siya.

Nanatili lang ako sa isang tabi habang hinahanap ng mga mata ko ang anak ko.

Naglalaro ito sa labas, sa may pool. Samantalang si mama naman ay nagdidilig ng mga halaman.

"Is your tutor already in here? Diba dapat ay kanina pa siya nandito? Bakit wala pa?" Napalingon ako kay Dominic.

"P—parating na siguro siya." Sagot ko.

Baka kasi na-traffic lang ito o na-late ng gising. Hindi kaya?

Hindi siya sumagot at nagpatuloy lang sa pagkain.

Maya maya pa ay tumunog ang doorbell.

Agad naman akong lumabas.

Siguro ay si Sir Marco na 'yon.

At hindi nga 'ko nagkamali.

Nakangiti ito sakin pagka-bukas ko ng gate. Naka-soot siya ng green na polo at itim na pantalon.

The Ignorant Selfless Wife (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon