Chapter 2

56K 1.1K 51
                                    

Continuation...

Matapos sabihin ni Mr. Saavedra na ikakasal kaming dalawa, ay hindi iyon lubos matanggap ni Dominic. Hanggang sa makauwi kami sa bahay ay 'di niya rin ako pinapansin at parang hangin na nilalagpasan lang. Kahit gusto kong sabihin sa kanya na ayos lang kahit 'di niya 'ko pakasalan at uuwi na lamang ako sa'min. Pero, naalala ko na wala na pala akong mauuwian at nangako ako sa mga magulang ni Dominic na pumapayag akong mag-pakasal sa anak nila para sa magiging anak namin. Sobrang tuwa ni Mrs. Saavedra ng malaman niyang si Dominic ang ama ng ipinagbubuntis ko. Siya na rin ang personal na tumitingin sa'kin kapag dumadalaw sila sa bahay. At 'yon lang ang pagkakataon na kinakausap ako ni Dominic. At kapag wala na ulit ang mga magulang niya, balik na naman kami sa dati. Na parang 'di niya 'ko kilala. Pero mahal ko siya, kaya handa akong magtiis. Kahit na para sa anak ko lang.

👔👗

Dumating ang araw ng kasal namin at 6 na buwan na ang tiyan ko. At lalaki ang magiging anak namin. Sobrang saya ko dahil tiyak na magiging kamukha niya ang ama niya. Siya kasi ang pinaglilihian ko kaya sigurado ako. Habang naglalakad ako papunta sa altar ay di ko maiwasang makaramdam ng saya na may halong lungkot dahil ang kasalang ito ay para lamang sa magiging anak namin na walang bahid ng kahit anong pagmamahal, na tanging ako lang ang nagmamahal sa kanya.

Matapos ang kasal ay agad niya 'kong hinila papunta sa likod ng simbahan.

"B—bakit tayo umalis agad? Baka hanapin nila tayo." Tanong ko.

"I don't care! Listen to me, kasal na tayo ngayon at gusto kong sumunod ka sa mga sasabihin ko. Naiintindihan mo ba?" Saglit akong napatitig sa kanya.

"O—oo, susunod ako." Sagot ko.

"Good. Una, walang makaka-alam na kasal na tayo bukod sa mga kamag-anak natin. Pangalawa, kapag nanganak ka na, sa'kin na kuwarto siya matutulog. Pangatlo, sa bahay ka lang at huwag na huwag kang lalabas. Pang apat, gusto kong tanggihan mo ang alok ni mommy na pag-aralin ka." Napahinto ako sa huling sinabi niya.

"P—pero... Kailangan kong mag-aral para sa magiging anak natin—"

"Do you think maasikaso mo siya habang nag-aaral ka?" Tanong niya sa'kin.

"Pero Dominic—"

"Wala ng pero-pero Elisa, just do what I've said." Sabi niya kaya napatango na lamang ako.

"Sana sundin mo lahat ng sinabi ko, Elisa. Para rin ito sa bata." Sabi niya at binitawan ang braso ko.

"And one more thing." Sabi niya at tumingin sakin.

"A—ano yun Dominic?" Naguguluhang tanong ko sa kanya.

Para kasing malalim ang iniisip niya at parang may gusto pa siyang sabihin.

"Maghihiwalay rin tayo pagkatapos ng 1 taon." Diretsong sabi niya kaya naramdaman ko ang pagtulo ng mga luha ko.

Bakit? Bakit siya makikipag-hiwalay?

"P—pano yung baby Dominic?"

"Don't worry, mag-sasama pa rin tayo pero 'di na tayo mag-asawa. Naiintindihan mo ba?" Napatango na lamang ako sa kagustuhan niya.

"Good." Sagot niya at bumalik na kami sa loob ng simbahan kung saan naghihintay ang pamilya ni Dominic habang tahimik lang akong nakasunod sa kanya. Tanging kulay puti lamang na bestida ang soot ko pero mahihinuha mong mamahalin ito at napakaganda.

Ng makabalik na kami sa loob ng simbahan ay sinalubong kami ng magulang niya. Naka-ngiti sa akin ang kanyang ina samantalang nakatingin lamang sa'kin ang ama niya.

"Dominic, saan ba kayong dalawa galing?" Tanong sa'min ng Mrs. Saavedra.

"That's not important mom. Can we go home now? I have a lot of things to do." Sagot ni Dominic.

"Don't be rude in front of your wife!" Galit na sabi sa kanya ng ama. Galit kaya siya? Bakit?

"Honey, calm down. Dominic, don't do that again, okay? Let's go home." Kalmadong sabi ni Mrs. Saavedra at naunang umalis si Dominic. Sinundan naman ito ng kanyang ama, samantalang naiwan kaming dalawa ni Mrs. Saavedra.

"Are you okay hija?" Tanong niya sa'kin.

"P—po?"

"Oh, I'm sorry, ayos ka lang ba?"

"O—opo ma'am ayos lang po ako." Magalang na sagot ko tyaka ngumiti.

"Wag mo na 'kong tawaging ma'am okay? Tawagin mo 'kong mama." Labis ang ngiti ko sa sinabi niya.

"T—alaga po?" Di makapaniwalang tanong ko sa kanya. Tumango naman ito sa'kin. At sa sobrang tuwa ko, niyakap ko pa siya.

"Salamat po, mama." Nakangiti kong sabi.

"Walang anuman." Sagot niya tyaka muling humarap sa'kin.

"Makinig kang mabuti sa'kin. Ngayong asawa mo na ang anak ko, sana ay maging masaya ka sa piling niya."

Napayuko naman ako, 'di kasi ako sigurado sa mga susunod na mangyayari lalo na at kasal na ako kay Dominic.

"Alam kong nasasaktan ka sa sitwasyon mo, pero sana, huwag mo siyang susukuan balang araw. Gawin mo ang lahat para sa anak ko. Baguhin mo siya Elisa. Hindi lang para sayo, kundi para sa magiging apo ko." Sabi ni mama kaya napangiti na lamang ako. Tama si mama, gagawin ko ang lahat.

"Opo mama. Gagawin ko." Sagot ko at ngumiti ng matamis sa kanya.

Para sa magiging anak ko, titiisin ko lahat.

End of flashback

The Ignorant Selfless Wife (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon