Chapter 34

40.1K 1K 164
                                    

ELISA

Pagkapasok namin sa loob ay siya namang pagkatahimik naming dalawa. Inilapag niya ang dala kong merienda sa mesa tsaka humarap sakin.

"Sit down." Utos niya.

Hindi ako agad nakagalaw.

"Come here." Lumakad ako palapit sa kanya at umupo.

Umupo siya sa harapan ko.

Yumuko ako.

"What have you cooked?" Nag-angat ako ng tingin.

"B—biko." Sagot ko.

"Oh, okay." Kinuha nito ang merienda at binuksan.

Para akong tanga habang pinapanood siya.

Totoo ba 'to?

"Let's eat. I'm hungry." Sabi niya at nilapit sa'kin ang niluto ko.

"B—busog ako." Tumingin siya sa'kin.

"I know you're not. Sabayan mo na 'ko." Sabi niya.

'Di na 'ko tumanggi. Hindi nga ako makakakain ng maayos dahil panay ang titig niya sa'kin habang kumakain.

Napatigil ako saglit.

"Dominic..."

"Why?" Huminto siya sa pagkain.

"Y—yung ano... Ano kasi—"

"What?"

"Si Eric..." Hindi ko alam kung itutuloy ko pa.

Nahihiya kasi ako.

"Tell me." Nilakasan ko na ang loob ko.

"Yung ticket na napanalunan natin noong family day. Nasa'yo pa ba 'yon?" Tanong ko.

Kumunot ang noo nito.

Nagulat siguro ito dahil 'yon lang ang ipinunta ko dito.

"Pumunta ka ba dito para lang diyan?" Napayuko ako.

Sabi na eh!

"Sorry." Sagot ko.

Pinunasan niya ng tissue ang labi niya tsaka tumingin sa'kin.

"No, it's alright. The tickets are on my drawer."

Tumango ako.

"S—sige."

"Why?" Tanong niya.

"Si Eric kasi kinukulit ako."

"Why?"

"Gusto niya na kasing pumunta sa Disneyland."

Marahang tumawa si Dominic kaya napatitig ako sa kanya.

Ngayon ko lang siya nakitang tumawa sa harap ko.

"Dominic, okay lang kahit 'wag muna, alam ko naman na busy ka kaya-"

"No, it's alright. I'll cancel all my meetings."

Napatitig ako sa kanya.

"We're going to Hong Kong this week." Sabi niya.

Ibig-sabihin...

Napangiti ako.

"Sasabihin ko kay Eric." Sagot ko.

Sigurado akong matutuwa ang anak namin. Excited na excited kasi siya.

Biglang tumahimik sa pagitan namin. Naalala ko ang nangyari kanina kaya nawala ang ngiti ko sa mga labi.

The Ignorant Selfless Wife (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon