Chapter 44

37.8K 876 93
                                    

ELISA

Hindi na 'ko naka-angal pa ng halikan niya 'ko. Napakapit ako sa magkabila niyang balikat ng hapitin niya ang bewang ko at idiin ang sarili niya sa'kin.

"Hmmm." Napaungol ako ng maramdaman ko ang paghaplos niya sa likod ko pababa at pataas.

Nababaliw ako sa ginagawa niya.

Maya-maya pa ay napaatras ako at napasandal sa malamig na pader. Pinutol niya ang paghahalikan namin at tumitig sa'kin. Ilang segundo kaming nagtitigan bago niya 'ko halikan ulit. Sa sobrang diin ay para na 'kong mauubusan ng hangin kaya hinihingal ako tuwing titigil siya sa paghalik sa'kin para titigan ako.

Tumigil siya ulit sa paghalik sa'kin at hinalikan ako sa leeg. Napasinghap ako sa ginawa niya.

"D—Dominic..." Hindi siya sumagot at patuloy na hinahalikan ang leeg ko.

" Hindi siya sumagot at patuloy na hinahalikan ang leeg ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sobrang init ng labi niya kaya masarap 'yon sa pakiramdam.

"God, damn it!" Bulong niya at mas hinapit pa ang bewang ko.

Nasa leeg ko ang ulo niya at nakayakap siya sa'kin habang nakasandal ako sa pader. Hindi ko alam kung ano ang susunod na gagawin niya kaya sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko.

Naramdaman kong umakyat ang mukha niya sa tenga ko kaya bahagya akong lumayo dahil nakikiliti ako sa bawat paghinga niya.

"Let's go back. Before I take you here instead." Sabi niya at hinila ako palabas sa kuwarto.

👔👗

Pagkabalik namin ay agad na dumiretso ako sa banyo para maglinis at magpalit ng damit.

Bahagya kong pinikit ang mga mata ko habang inaalala ang nangyari kanina. Sobra akong nadadala sa mga haplos at halik niya. Para akong mababaliw at anumang oras ay bibigay na. Buti na lang at nakapag-pigil siya dahil baka maulit ulit ang nangyari.

Idinilat ko ang mga mata ko at hinaplos ang leeg ko. Nararamdaman ko pa din ang mga labi niya na humalik sa mga parteng 'yon. Ganitong-ganito ang pakiramdam ko noon.

Hinubad ko na ang damit ko at naligo na.

👔👗

Pagkatapos kong maligo at magpatuyo ng buhok ay dumiretso ako sa kama. Gusto kong tumabi kay Eric kaso ay katabi na nito si mama at sakop na nila ang buong kama dahil sa likot ng anak ko.

"Let's sleep. Maaga pa tayo bukas." Sabi ni Dominic.

Lumingon ako sa gawi niya. Nakahiga na ito sa kama habang may kumot ang kalahating katawan niya. Nakatingin siya sa'kin.

Lumapit ako at umupo na sa tabi niya.

"Wala ka bang pajama or T-shirt? You're showing too much of your skin." Sabi niya.

Tumingin ako sa kanya.

"Mas komportable kasi ako sa pag ganito ang soot ko. Pero sige, magpapalit ako." Tatayo na sana ako pero pinigilan niya 'ko.

Sinuri niya 'ko at inalis ang buhok na humaharang sa leeg ko. Napatitig ako sa ginawa niya.

Noong maalis niya ay ngumiti siya sa'kin.

"B—bakit Dominic?" Tanong ko.

"You should change. You have hickeys." Sabi niya.

Kumunot ang noo ko.

"H—hickeys?" 

"You want to see it? Bumalik ka ulit sa loob." Sabay turo niya sa banyo.

Tumayo naman ako at pumasok ulit sa cr. Tumingin ako sa salamin at nakita ko ang sinasabi niya.

Ang dami!

Tiningnan ko ang mga pulang marka na nasa gilid ng leeg ko at binilang 'yon. Hindi ko 'to napansin kanina! At nakakahiya kapag nakita ito nina mama at Eric. Pati kay Alex.

Bakit ba kasi may ganito pa?!

Lumabas ako ng kuwarto at tiningnan si Dominic. Gamit niya ang cellphone niya kaya 'di niya 'ko napansin. Dumiretso ako sa maleta namin at kumuha ng damit tyaka pumasok ulit sa loob ng banyo para makapagpalit ulit.

👔👗

Pagkatapos ko magpalit ay naabutan ko ng tulog si Dominic.

Huminga ako ng malalim tyaka humiga sa tabi niya. Nakaharap siya sa'kin kaya kitang-kita ko ang kabuuan ng mukha niya. Ang gwapo niya.

Bumangon ako at pinatay ang ilaw.

Pagkahiga ko ay humarap ako ulit sa kanya. Maliwanag sa labas kaya kita ko pa din ang pagka-perpekto niya. Hinaplos ko ang mukha niya. Nakangiti ako dahil masaya ako na gusto niya na 'ko. Matagal ko ng pinangarap ang bagay na 'yon kaya sobrang saya 'ko ngayon. Kaya pala siya biglang nagbago.

Inilapit ko ang mukha ko sa kanya.

"Mahal na mahal kita Dominic. Masaya ako dahil gusto mo na ako. Sana ay maging masaya na tayo." Bulong ko.

Ngumiti ako at hinalikan ang tungki ng ilong niya. Siniksik ko ang sarili ko sa tabi niya at nagpahila na sa antok.

Sana ito na ang simula.

The Ignorant Selfless Wife (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon