ELISA
Nagising ang diwa ko ng may maramdaman akong humahaplos sa pisngi ko. Si Dominic ba 'to?
"Elisa." Tuluyan ko ng idinilat ang mga mata ko. Sa harap ko, ay ang babaeng kinamumuhian ko ng husto. Bumangon ako at lumayo.
"Anong ginagawa mo sa'kin?!" Tanong ko. Bahagya itong lumapit kaya lumayo ako muli.
"Elisa anak, ayos ka na ba?" Tiningnan ko siya. Mukhang nag-aaalala pero ayokong maniwala.
"A—ayos lang ako. W—wag kang lumapit." Sabi ko at isiniksik ang sarili ko sa kama.
Pakiramdam ko ay bumalik lahat ng pasakit na idinulot niya sa'kin dati.
Tumingin ito sa'kin at umupo sa dulo ng kama."Elisa... Nandito ako para humingi ng tawad. Alam kong sobra-sobra ang ginawa ko sa'yo." Yumuko ito tyaka tumingin sakin.
"Mapapatawad mo pa ba ko?" Tanong nito sakin. Mapapatawad? Ngumiti ako ng mapait.
"Hindi ko pa kayang magpatawad." Sagot ko at nag-iwas ako ng tingin.
"Nag-asawa ka na pala." Sabi nito. 'Di ko siya sinagot at nanatili lang akong nakatingin sa bintana. Hindi ko alam kung sino ang nagdala sa'kin dito sa kuwarto ng mawalan ako ng malay.
"Tama lang na ibinigay kita sa kanya. Alam kong masaya ka na at nasa mabuti kang kalagayan." Masaya? Hindi ako masaya. Kung masaya man ako. Yun ay dahil lamang sa anak ko.
Pero ayokong malaman niya na hanggang ngayon ay 'di pa rin ako nakakawala sa sakit at lungkot. Huminga ako ng malalim bago muling nagsalita."Tama ka. Masaya na 'ko ngayon. Lalo na't may anak na kami." Sagot ko. Alam kong kabaligtaran ang sinabi ko. Ayokong kaawaan ng taong minsang naging dahilan kung bakit ako napunta sa sitwasyon na 'to.
"May anak na kayo? P—pwede ko ba siyang makita?" Nilingon ko siya.
"Wala dito ang anak ko. Nasa school siya." Lumungkot ang mukha nito.
"Umalis ka na." Sambit ko.
"Elisa, anak... Mag-usap tayo."
"Umalis ka na."
"Anak—"
"Hindi mo 'ko anak!" Sa pagsigaw ko ay bumalik lahat ng alaala ko kasama siya.
Flashback
"Ano ba naman yan Elisa! Bilis bilisan mo naman!" Sigaw niya sa'kin habang taranta akong nagbibihis dito sa kuwarto.
Tuwing umaga ay ganito lagi ang sitwasyon naming mag-tiyahin bago pumunta sa palengke.
"Eto na po!" Sagot ko habang itinatali ang buhok ko.
Pagkababa ko ay naabutan ko siyang galit na galit sa'kin.
"Kaya ka tumatagal ang dami mong arte!" Singhal niya sa'kin. Napa-yuko na lamang ako. Gusto ko man siyang sagutin pero 'di ko magawa. Mas lalo lang kasi siyang magagalit. Baka isumbat niya pa sa'kin na palamunin niya lang ako.
"Tara na po tiya." Pag-iiba ko ng usapan. Nanatili siyang nakatitig sa'kin.
"Kahit anong ayos at ganda mo, hinding-hindi ka magiging katulad ng iba. Naiintindihan mo? Ni hindi ka nga nakaka-intindi!" Napayuko na lamang ako muli. Simula ng malan ko na nawala ang anak niya ay galit na galit siya sa'kin.
"Tara na po."
"Wag mong ibahin ang usapan!" Bigla niyang hinila ang buhok ko at dinala ako sa kusina.
"Nakikita mo yang mga 'yan?" Tinuro niya sa'kin ang mga isda na ititinda namin.
"Yan lang ang kaya mo at hanggang dyan ka lang! Ang maging tindera sa palengke!" Tuluyan na 'kong napa-iyak. Padabog nitong binitawan ang buhok ko.
"Bilisan mo at aalis na tayo." Utos nito.
"O—opo." Nauna itong naglakad sa'kin. Inayos ko ang sarili ko at kinuha ang mga plastic.
Tama siya. Hanggang dito na nga lang ako.
End
Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko.
"Elisa, anak." Tawag niya sa'kin.
"Hindi mo alam kung anong sakit ang dinanas ko sayo. Kaya hinding-hindi kita mapapatawad." May diin ang bawat salita na sinabi ko.
"Sorry anak. Sorry." Umiiyak na sabi nito.
"Hindi ko kailangam ng sorry mo. Umalis ka na."
"Anak naman—"
"Alis!"
"What's going on here?" Napalingon kami sa nagsalita.
Nakatayo sa pintuan ang asawa ko at nakakunot ang noo. Umalis ako sa kama at patakbo na lumapit sa kanya at yumakap.
"What did you do, miss." Tanong nito sa tiya ko.
BINABASA MO ANG
The Ignorant Selfless Wife (BOOK 1)
Ficción GeneralKilalanin si Elisa. Isang asawa at ina. Sobra kung mag-mahal at walang ibang ginawa kung hindi mahalin ang anak nila ni Dominic. Ang lalaking walang ibang ginawa kung hindi saktan siya. Magawa niya pa kayang mahalin ang sarili, kung lahat na-ibigay...