ELISA
Matapos ko siyang yakapin ay hinarap ko si mama. May gusto pa kasi akong malaman.
"Mama..."
Tumingin siya sa'kin.
"P—paano mo po nalaman na ako ang tunay mong anak?" Tanong ko.
"Nalaman ko ng umalis ka na at sumama ka sa asawa mo. Pumunta sa'kin si ate Myra."
"Nagpakita siya sa'yo?" Tanong ko.
Tumango si mama.
"Oo, bumalik siya matapos ang maraming taon. Kagaya ni ate Marcela. Sobra din itong namayat at halatang may sakit. Nagulat ako ng lumuhod siya sa harapan ko. Iyak siya ng iyak at sinabi niya na ang anak ni ate Marcela ay anak ko. At ang anak niya ay ang anak ni ate Marcela. Gulong-gulo ako sa mga sinabi niya at pinaliwanag niya sa'kin. Kagaya ko, sobra din siyang nasaktan kaya nakaisip siya ng paraan para sirain kami. Inamin niya na siya ang nagpaaanak sa'min. Una akong nanganak kay ate Marcela kahit na sabay kaming dinala sa hospital. False alarm ang kay ate Marcela. Pero, 'di na siya pina-uwi dahil baka manganak na din siya dahil due date niya na. Nasa kabilang labor room lang siya noon. Caesarian ako dahil hindi ko kaya dahil may sakit ako sa puso. Hanggang sa operahan na 'ko. Pagkadilat ko, 'yon na. Nalaman ko na patay ang anak ko. Maging ang ama mo ay 'di man lang nasilayan ang anak namin dahil nilabas na ito agad."
"Eh 'yung kay mama—tita Marcela po?"
"Caesarian din siya noon. Ilang minuto lang at sumunod na din siya sa'kin. At ang nagpaaanak sa kanya ay ang kaibigan ni ate Myra na kasabwat niya. Pagkalabas ng sanggol ay kinuha niya ang bata. Wala si Tito Jerome mo noon dahil nasa business trip ito ng manganak si ate Marcela. At emergency 'yon. Ng magising si ate Marcela, bumungad sa kanya si ate Myra at tinutukan siya ng baril. Natakot si ate Marcela sa posibleng gawin sa kanya ng kapatid namin. Sinabi nito kay ate Marcela na patay na anak niya. Kagaya ko, hindi din matanggap ni ate Marcela ang nangyari. Kaya sinabi ni ate Myra na ibibigay niya ang anak ko sa kanya habang 'di pa ko nagigising. At 'wag ipaalam sa'kin. Noong una ay tumanggi daw si ate Marcela pero pumayag na din ito dahil kay tito Jerome. Nagalit ako ng malaman ko 'yon. Kaya pala ayaw ka niyang ipahawak sa'kin. At ang anak naman ni ate Marcela ay 'di naman talaga patay. Kinuha ito ni ate Myra at inako na sa kanya. At matapos noon, nagpakita siya bigla sa'min ng ama mo at sinabing anak nila 'yon."
Hindi ako maka-imik dahil gulat na gulat ako sa mga nalaman ko. Ang Myra na 'yon pala ang may kasalanan ng lahat!
"Ng malaman ko 'yon ay sinampal ko si Myra. Galit na galit ako dahil ilang taon akong nagdusa. Ikaw ang anak ko at 'di ka pala talaga namatay. Pati ang anak ni ate Marcela ay hindi din naman pala namatay at na kay ate Myra ito. Hindi niya sinabi kung nasaan ang pinsan mo dahil umalis din ito agad. At ang sabi niya pa, patay na ang ama mo. Matapos ang ilang araw ay nalaman ko na namatay na ito dahil sa cancer. Biruin mo? Tunay na doctor na pala siya noong nagpaanak siya sa'kin. Una siyang naka-tapos ng pag-aaral at malapit na siyang maging doctor noon. Matalino si Myra at sadyang pinlano niya lahat." Sabi ni mama.
Alam na din pala niya na buhay ang anak ni tita Marcela.
Nasa ganoon akong pag-iisip ng may naalala ako bigla.
"Mama..."
"B—Bakit?"
"Anong pangalan ng tunay kong ama?"
Hindi siya naka-imik agad.
"J—jose. Jose ang pangalan niya at patay na siya." Halata sa boses niya ang galit kaya napahinga na lang ako ng malalim.
Tumingin ako sa kanya.
"Mama, naaalala nyo po ba noong dumalaw ako sa sementeryo noon?"
"Oo."
"Mama, nakita ko ang anak niya! Sabay kaming dumalaw."
"T—talaga? A—anong sabi niya? Alam ba niya na ikaw ang pinsan niya?" Sunod-sunod na tanong niya sa'kin.
"Opo mama. S—sinabi ko po. Kaya po tuwang tuwa siya." Ngumiti si mama.
Alam ko naman na kahit may tampo siya sa kapatid niya at gusto niya pa din sigurong makilala ang nag-iisang pamangkin niya.
"Anong sabi niya sa'yo anak?"
"G—gusto ka niyang makilala." Ngumit sa'kin si mama.
Na-guilty naman ako bigla dahil sabi ko nasa ibang bansa siya.
"B—bakit 'di mo siya sinama dito?"
"Nagmamadali po kasi siya at sabi niya tawagan ko na lang daw siya para makadalaw siya."
"May number ka niya?"
"Opo. May binigay siya sa'kin na calling card. Mamaya po ay tawagan natin siya." Sabi ko.
"Sige anak. Nagtanong ba siya sa'kin?" Napatigil naman ako at biglang umiwas ng tingin.
"Mama kasi ano, sabi ko, nasa ibang bansa ka. S—sorry." Pag-amin ko.
Ngumiti naman siya sa'kin.
"Ayos lang anak. Naintindihan ko ang sitwasyon natin noon. Pero ngayon okay na. Sabihin na lang natin na kagagaling ko lang sa ibang bansa." Sabi ni mama tsaka siya tumawa.
"Sorry mama."
"Ano ka ba anak! Okay lang 'no! Teka, anong pangalan niya? Kamukha niya ba si tita Marcela mo?"
"Opo mama. Kamukha niya."
"Talaga? Excited na 'kong makita siya. Anong pangalan niya?"
"E—Erich po."
BINABASA MO ANG
The Ignorant Selfless Wife (BOOK 1)
General FictionKilalanin si Elisa. Isang asawa at ina. Sobra kung mag-mahal at walang ibang ginawa kung hindi mahalin ang anak nila ni Dominic. Ang lalaking walang ibang ginawa kung hindi saktan siya. Magawa niya pa kayang mahalin ang sarili, kung lahat na-ibigay...