Chapter 22

37.9K 821 26
                                    

ELISA

Parang nawalan na 'ko ng gana maglaro dahil sa nangyari kanina.

"Mama, kayo po ulit ni papa ang mag-play." Napatingin ako sa anak ko na hinihila ang T-shirt ko.

Ngumiti naman ako.

"P—pagod na si mama." Lumungkot ang mukha nito.

"Mama sige na. Gusto ko po 'yon." Sabay turo sa isang laruan.

Nagbalik ako ng tingin dito.

"Marami ka ng laruan diba—"

"But I want that! Gusto ko po 'yon eh!" Nataranta ako ng magwala ito sa harapan ko.

"Shh baby, oo na. Maglalaro na okay?" Sabi ko at niyakap ito.

Umiiyak kasi siya kapag hindi nasusunod ang gusto niya.

Hinanap ng mata ko si Dominic na tahimik lang na nakaupo habang gamit ang cellphone niya. Napahinga ako ng malalim.

Nasasaktan ako.

"Mama tara na po! Maglaro na tayo! Papa, papa!" Sabay takbo nito kay Dominic.

Ngumiti naman sa kanya ito tyaka binulsa ang cellphone niya tyaka binuhat si Eric habang papunta sa puwesto ko.

"Mama tara na po." Napatingin ako kay Dominic na nakatitig lang sakin kaya nag-iwas ako ng tingin tyaka naunang maglakad sa kanila.

👔👗

"Our last station is what you called, Ornaments Festivals!" Sabi ng host.

May mga upuan sa likod nito habang may mga alahas akong nakikita.

"As you can see, may mga upuan po tayo sa likod. Lahat po kayo mommies ay uupo diyan. At ang mga mister nyo po ang magsusuot sa inyo ng mga accessories na yan, on their proper places."

"So, let's start!" Pinal na sabi ng host tsaka kami pumunta sa puwesto namin.

Pagkaupo ko sa upuan ay siya namang pagluhod ni Dominic sa harapan ko.

"Players, you have 1 minute!"

Maya-maya pa ay nagsimula na ang laro.

Tahimik lang ako habang di ako nakatingin kay Dominic. Una niyang nilagay ang bracelet, anklet, sunod ang iba pang mga accessories. Hindi ko maiwasan ang pagbilis ng tibok ng puso ko habang nilalagay niya ang mga bagay na 'yon sa iba't ibang parte ng katawan ko. Hindi ko siya tinitingnan kaya hindi ko alam kung ano ang reaksyon niya. Kung tutuusin kasi ay pangbabae ang laro na 'to. At hindi ko alam kung tama ba ang paglalagay niya.

"20 seconds left!"

"Damn it, where's that f*cking necklace." Napalingon ako kay Dominic.

Tinulungan ko siyang hanapin ang kwintas at inabot sa kanya.

"Eto Dominic—" bigla niya 'yong inagaw sakin at tumayo at nilagay sa'kin ang necklace. Amoy na amoy ko ang matapang na pabango niya habang malapit siya sakin.

Matapos non ay nagtaas siya ng kamay tanda na tapos na siya.

Hindi ko maiwasan na masaktan. Bakit parang wala lang sa kanya ang mga nangyari kanina?

"Wow Sir, your wife is really beautiful!" Napalingon ako sa host sunod kay Dominic.

Tumitig siya sa'kin sabay iwas ko ng tingin.

"Okay, 1 more couple left!"

Ilang sandali pa ay tiningnan nila kung tama ba ang mga paglalagay nila ng mga accessories samin. At lahat ng pagkakalagay ni Dominic ay tama.

Pagkatapos ay inabot na samin ang laruan para kay Eric. Isa 'yong transformer at iba pang set ng mga laruan.

👔👗

"Yehey, thank you po!" Masayang masaya ang anak ko ng makita at mahawakan niya ang laruan.

"For you, buddy." Binuhat ito ni Dominic.

"Let's eat first. Then we'll go home." Sabi ni Dominic.

"Uuwi na tayo? Pero hindi pa tapos ang program Dominic." Sabi ko.

Binaba niya si Eric tyaka may sinabi sa anak namin. Pumunta ang anak namin kay mama.

"We need to talk Elisa."

"A—anong ibig mong sabihin?"

"We need to go home dahil may pag-uusapan tayo."

Napatitig ako sa kanya. Anong pag-uusapan namin? Bakit parang hindi ako mapakali?

"A—ano yung pag-uusapan natin?"

Tinignan niya lang ako.

"Pagka-uwi Elisa. Sasabihin ko sayo."

Tumango na lamang ako.

"Let's go. Uuwi na tayo. Sumunod na kayo sa sasakyan." Sabay talikod nito.

Nagpaalam muna ako sa teacher ni Eric bago kami tuluyang maka-uwi.

Hanggang sa byahe ay wala akong imik. Hindi ako mapakali sa sasabihin ni Dominic. Makikipaghiwalay na ba siya sakin?

Hindi ko kaya.

The Ignorant Selfless Wife (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon