Chapter 6

44.4K 1K 113
                                    

ELISA

"Mama gusto ko non, mama ito." Pangungulit sa'kin ng anak ko habang namimili kami dito sa grocery store.

"Wait lang anak ah? Yung mga kailangan muna natin yung uunahin natin. Mamaya na yan." Sabi ko at tumingin muli sa listahan.

"Mama gusto ko ng chocolates. Tyaka gummy bears!" Nilingon ko na ang anak ko at lumuhod sa harapan nito.

"Anong sabi ni mama?"

"No c—chocolates."

"Tapos?"

"Bawal ang matatamis."

"Kasi?"

"Masisira ang ngipin." Sabi niya na may lungkot sa mukha. Napatawa na lang ako dahil sa itsura ng anak ko. Kamukha kamukha niya ang papa niya kapag nakasimangot.

"Sige na nga, kumuha ka ng isang chocolate at gummy bears mo. Basta 'wag kang kakain ng marami ah? Konti lang." Sabi ko. Nagliwanag naman ang mukha nito at tyaka lumapit sa estante ng mga sweets. Tumayo na 'ko tyaka kumuha pa ng ilang kailangan.

"6,489.00 po ma'am." Sabi ng cashier. Binigay ko ang card na binigay sa'kin ni Dominic kanina. Ni kailanman, 'di niya 'ko pinahawak ng pera. Marunong naman akong magbilang at humawak ng pera eh.

"Here's your card ma'am." Inabot muli sa'kin ang card at pinasok ko ulit ito sa wallet.

"Salamat." Sabi ko at tinulak ang tray palabas ng grocery store.

"Mama 'di ba tayo susunduin ni papa?" Tanong sa'kin ng anak ko habang nag-aabang kami ng taxi na masasakyan.

"Hindi eh. Nasa work kasi ang papa. Kaya magta-taxi tayo." Sabi ko at binalik ang tingin ko sa paghahanap.

"Mama!"

"Hmm?"

"Punta na lang po tayo sa office ni papa." Excited na sabi nito. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Kahapon kasi nung bumisita ako ay galit na galit ito sa'kin dahil sa pagpunta ko doon.

"Pero anak kasi—"

"Please, mama." Pakiusap ng anak ko habang hinihila ang laylayan ng damit ko. Pilit akong ngumiti.

"S—sige, didiretso tayo sa papa mo. Basta 'wag kang magkukulit doon ah?" Sabi ko tyaka nginitian ito. Maya- maya pa ay may huminto ng taxi sa harapan namin, tyaka kami sumakay.

👔👗

"Mama tara doon sa elevator!" Hila sa'kin ng anak ko pagkapasok pa lang namin ng kompanya.

"Sandali anak may bitbit si mama." Sabi ko at inayos muli ang dala dala kong plastic bags. 5 ang dala ko kaya medyo nahihirapan ako.

"Tulungan kita mama?" Tanong sa'kin ng anak ko. Ngumiti ako.

"Kaya na ni mama. Sige na mauna ka na doon sa tapat ng elevator." Sabi ko. Pero nagulat ako ng kuhain nito sakin ang maliit na plastic sabay takbo sa tapat ng elevator.

"Eric!"

"Need help?" Napalingon ako ng biglang may lalaking nagsalita sa tabi ko. Napalingon naman ako at isang matangkad at gwapong lalaki ang kaharap ko ngayon.

"Ha?" Gulat na tanong ko. Ngumiti ito sakin ng matamis tyaka lumapit.

"Kaya mo ba yang mga 'yan? It's too heavy, I think." Sabi nito. Napatingin naman ako sa mga dala ko at nagbalik ng tingin sa kanya.

"Nako hindi naman. Kaya ko na to Sir. Salamat na lang po—" paalis na sana ko ng bigla nitong kuhanin ang bitbit ko.

"I insist. Saan ba ang punta mo?" Tanong nito.

"Akin na yan sir, ako na po. Kaya ko po talaga—"

"Tsk, 'wag ng makulit miss." Sabi nito at iniwas ang dala niya.

"Pero Sir, akin na po. Yung anak ko—"

"You have a son?" Gulat na tanong nito tyaka tinitigan ako. Napahinto ako at tiningnan ang anak ko. Nakatayo pa din ito at nakatalikod sa gawi ko. Humarap muli ako sa lalaki.

"Opo Sir may anak na po ako." Sagot ko.

"Oh I guess, he's your son." Lumingon ito sa gawi ng anak ko na abala sa kakatakbo pabalik pabalik sa harap ng elevator.

"Akala ko wala pa." Sabi nito tyaka marahang tumawa.

"Saan ba ang punta nyong mag-ina? Ako na ang maghahatid ng mga 'to."

"Sa a—asawa ko." Sagot ko.

"Dito ba siya nagtatrabaho?"

"Oo."

"Really? What's his name? Baka ka- officemate ko siya." Sabi nito. Natahimik ako saglit at ngumiti sa kanya.

"Dominic. Dominic Saavedra. Siya ang asawa ko." Sagot ko. Nakita ko ang pagkunot ng noo nito.

"He's your husband?" Tanong nito.

"Oo, siya ang—"

"Yes, I am. Asshole." Napalingon kami ng biglang may nagsalita. Nanlaki ang mata ko ng makita ko kung sino.

Si Dominic.

Karga niya ang anak namin at galit na nakatingin sa kasama ko.

"S—sir."

"Put that down. And get lost." Madiin na sabi ng asawa ko. Binaba niya ang mga plastic bags at ngumiti sa'kin bago umalis.

"Salamat." Sabi ko at naglakad na ito palayo samin.

"Sino siya mama?" Napalingon ako sa anak ko.

"Hindi ko kilala anak eh." Sagot ko. Tumingin naman ako sa asawa ko na nakatingin lang sakin.

"In my office. " Sabi nito at tumalikod bago maglakad.

The Ignorant Selfless Wife (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon