Follow me:
http://twitter.com/celeststeffiELISA
"Dominic." Sambit ko habang masama ang tingin niya kay tiya.
"What did you do to her?" Tanong niya. Tumingin sa'kin ang tiya ko at umiling.
"Wala akong ginawang masama sa asawa mo." Tumawa ang asawa ko.
"Walang ginawang masama? Are you sure that you didn't?" Tanong nito.
Sandaling napatigil ang tiya ko at yumuko.
"Nasaktan ko siya noon."
"At labis ko 'yong pinagsisisihan." Dugtong pa niya. Nakatitig lang ako sa kanya habang nagbabadya ang pagtulo ng mga luha ko. Hindi umimik ang asawa ko at nakatitig lang sa kanya.
"What's your name?" Tanong nito.
Ngumiti ang tiya ko."Martha, ako si Martha." Sagot niya.
"Nice meeting you again Martha. Pwede ka ng umalis." Malamig na sabi ng asawa ko. Nakita ko ang pagkadismaya ng aking tiyahin. Nagmamakaawa ang mga mata nito habang unti unting nawala ang mga nigiti niya sa labi.
"N—nagmamakaawa ako sa inyong mag-asawa. Patawad!" Lumapit ito sa puwesto namin.
"Elisa anak, please. Patawarin mo ako. Gagawin ko ang lahat mapatawad mo lang ako. Mr, Saavedra, nagkamamakaawa ako." Hindi ko maiwasang mapaluha ng lumuhod ito sa harapan ko. Tila nakikita ko ang sarili ko.
Flashback
"Aba Martha! Kay ganda naman ng anak mo!" Bati ng isang babae ng makasalubong namin ito sa sakayan.
"Hindi ko siya anak, Delia." Malamig na sagot ni tiya. Tama naman siya, wala siyang anak. Dahil namatay na daw ito. Yun ang sabi sakin ni mama noon.
"Ha? Hindi mo anak 'yan?! Eh kamukha mo Martha! Sigurado ka ba?!" Tila hindi maniwala ang babae sa sagot ni tiya. Tumingin lang sa kanya ang tiya ko at lumapit dito.
"Posibleng kahawig ko siya dahil anak siya ng kapatid ko." Sagot ni tiya.
"Ah ganoon ba. Naku! Pasensya ka na. Kamukha mo kasi ang batang 'yan. Parehas kayong maganda. Oh siya, mauna na ko ah!" Sabi nito at sumakay ng tricycle.
Ngumiti lang sa kanya si tiya. Ngunit halatang hindi ito masaya.
"Kahit kailan talaga ay napaka tsismosa ng babaeng 'yon." Sambit ni tiya. Tahimik lang ako sa isang tabi ng lumingon ito sakin. Matagal siyang nakatitig sa akin.
"Hindi ko lubos akalain na pamangkin kita, at kamukha pa kita. Samantalang hindi naman ako ang ina mo." Sabi nito sa'kin. Napakurap ako. Pwede naman kaming maging magkahawig diba? Kasi magkapatid naman sila ni mama.
"Tara na." Malamig na sabi nito tyaka naunang naglakad sakin.
End of l flashback
"Elisa anak." Napabalik ako sa realidad at tumitig sa kanya.
Kung gayon. Siya ang ina ko? Pero hindi! Patay na ang tunay kong ina.
"Hindi mo ko anak. Matagal ng patay si mama. Kaya wala na akong ina." Sabi ko. Tumayo ito at hinaplos ang mukha ko. Gusto kong lumayo pero hinayaan ko siya.
"Hindi ka ba naniniwala? Diba noon, ang daming nagsasabi na kamukha kita? Yun ang totoo anak. Dahil ikaw ang anak ko. Ako ang tunay mong ina, at hindi si Marcela." Sabi nito.
Hindi ako maniwala sa sinabi niya.
Inalis ko ang kamay niya sa pisngi ko."Siya ang ina ko! Hindi ikaw! Maari ngang mag-kamukha tayo, pero 'di mo ko anak! Kapatid mo si mama, kaya 'yon ang posibleng dahilan." Sagot ko. Lumapit ito sa'kin pero umatras ako hanggang sa madikit ako muli sa asawa ko.
"Elisa, hindi. Ako ang ina mo. Yung batang namatay noon, siya ang tunay na anak ng mama mo. Pinagpalit niya ang namatay niyang anak sa anak ko." Sabi nito.
Anong ibig niyang sabihin?
"H—hindi." Hindi ako makapaniwala.
"'Yon ang totoo anak. Kaya maniwala ka."
"Paalisin mo na siya. Ayokong makaharap ang sinungaling na tulad niya." Tumalikod ako at aakmang aalis na ng biglang hawakan nito ang braso ko.
"Let her. Hayaan mo siyang magpaliwanag. I think she deserves an explanation. Kung paiiralin mo ang kamang-mangan mo this time. Then it's your loss." Malamig na sabi ng asawa ko. Tumingin ako sa kanya.
Mas kumakampi ba siya?
"Anong ibig mong sabihin Dominic? Hahayaan mo na naman ba akong saktan niya?" Tanong ko. Malamig lang ang titig nito sakin. Mapait akong ngumiti.
"Sa bagay, 'yon naman ang ginagawa mo sa'kin diba? Kaya sa tingin ko ay mas gusto mo nga na masaktan ako ng paulit ulit. Kagaya ng ginagawa mo sakin." Sabi ko.
"That's not what I mean—"
"Bakit lahat na lang ng taong mahal ko ay sinasaktan ako? Masaya ba? Masaya ba kayo kapag nakakasakit kayo ng tulad ko? Isang walang alam, mababa? Ha? Ganon ba? Pasensya na, pero 'di ako papayag." Di ko na napigilan ang sarili ko at lumayo sa kanila.
Hindi ako makakapayag na bumalik siya sa buhay ko. Kahit may parte sakin naniniwala na ako, na siya ang tunay kong ina.
BINABASA MO ANG
The Ignorant Selfless Wife (BOOK 1)
Genel KurguKilalanin si Elisa. Isang asawa at ina. Sobra kung mag-mahal at walang ibang ginawa kung hindi mahalin ang anak nila ni Dominic. Ang lalaking walang ibang ginawa kung hindi saktan siya. Magawa niya pa kayang mahalin ang sarili, kung lahat na-ibigay...