ELISA
"Yehey mama! Magdi-Disney tayo nina papa!" Masayang sabi ni Eric matapos naming maglaro.
Napangiti naman ako at hinalikan ito sa pisngi.
"Masaya ba ang baby ko?" Tanong ko. Tumango naman ito.
"Opo, mama!" Sagot nito. Napatawa naman si mama habang nanunuod samin.
"Wow. Para sayo talaga 'yan anak." Sabi ko.
Hanggang ngayon parang wala ako sa sarili. Hindi kasi mawala sa utak ko ang paghalik sakin kanina ni Dominic. Para akong nawala sa ulirat.
"Mama, si papa po?" Tanong niya sa'kin. Napatingin naman ako sa paligid.Pagkatapos kasi namin maglaro ay nawala si Dominic. Saan kaya siya nagpunta?
"Ah eh, baka may pinuntahan lang saglit si papa." Sabi ko.
"Nakita ko ang asawa mo anak, doon siya nagpunta." Turo ni mama malapit sa gate.
Tumingin ako sa tinuro ni mama.
"Puntahan mo na lang ang asawa mo. Babantayan ko si Eric." Nakangiting sabi ni mama. Tumango naman ako at naglakad papunta sa gate.
Pagkalabas ko ay hinanap ng mata ko si Dominic. Nakita ko ang kotse namin at nakita ko ito sa loob na may kausap sa cellphone niya.
Tumawid ako at patakbo na pumunta sa kotse. Napatingin naman ito sakin at binaba ang cellphone niya tsaka siya bumaba ng sasakyan.
"May nakalimutan ka?" Tanong nito.
Umiling ako.
"H—hinahanap ka namin." Sagot ko.
"May kinausap lang ako." Sagot niya at binulsa ang cellphone. Napatingin ako doon. Hindi ko alam pero nasasaktan ako. Para kasing may mali.
"Don't stare at me like that."
"Huh?" Napatingin ako sa kanya.
"Tss. Bakit ka lumabas? Hindi mo dapat iniiwan si Eric." Sabi nito.
"Kasama naman niya si mama."
Napailing ito.
"Tell me, Elisa. Napatawad mo na ba ang babaeng 'yon?" Tanong niya.
Hindi ako agad nakasagot. Hindi ko kasi alam kung napatawad ko na ba siya o hindi. Naguguluhan ako. Siguro ay dahil na din sa mga naranasan ko noon kaya nahihirapan ako.
"H—hindi ko alam Dominic. Pero kung papatawarin ko siya. Para ko na ding binalewala ang lahat ng nangyari sa'kin noon. Sobra akong nasaktan." Sabi ko.
Nakita ko siyang nag-iwas ng tingin.
"Siya ang tunay mong ina Elisa. Kaya patawarin mo na siya. I can see, that she's trying to get back your trust." Nagulat ako sa sinabi niya. Patawarin? Seryoso ba siya? Sa pagkakaalam ko kasi ay siya pa nga ang galit na galit kay mama. Kaya hindi ko akalain na sa kanya mismo manggagaling na patawarin ko na si mama sa kabila ng nangyari.
"B—bakit mo nasasabi 'yan Dominic?"
Tinitigan niya 'ko. Walang akong nakikita na reaksyon o kahit ano mang emosyon."My son, and your mother, is the only one who loves you." Napakunot ang noo ko.
"Dominic..."
"I am saying this to you because I want you to reconcile again with your mother. Why? I'm sorry Elisa. Pero hindi ko maibibigay ang gusto mo. At alam ko na siya, at si Eric lang ang makakapagbigay sa'yo ng bagay na gusto mong matanggap mula sa'kin." Hindi ako nakasagot. Nasaktan ako sa sinabi niya. Sa madaling salita, hindi niya 'ko kayang mahalin.
Ang sakit.
Malungkot akong napa-ngiti.
"H—hindi mo ba talaga 'ko kayang mahalin kahit kaunti?" Tanong ko.
Umiling ito.
"I can't. Kaya ako na ang nagsasabi sayo, tigilan mo na ang mga ginagawa mo. Pinapagod mo lang ang sarili mo. Just do it, for our son. Not for me."
"Pero asawa kita Dominic. Masama ba na pagsilbihan kita-—"
"I am not saying that. Hindi ka ba naaawa sa sarili mo? Huh? Just for once Elisa, wake up! Stop it, will you? Dahil INA lang ni Eric ang tingin ko sa'yo." Napaatraas ako sa sinabi niya.
May mas sasakit pa pala sa sinabi niya kanina.
"Dominic, bakit ka ba nagkakaganyan? Okay naman tayo kanina ah? Sabihin mo sakin—"
"Nakita ko siya." Napahinto ako.
"Nakita? Sino?" Naguguluhan na tanong ko.
"I saw Erich here. Kitang-kita ko." Tila napako ako sa kinatatayuan ko.
"Unbelievable. I'm sorry again. Akala ko kasi ikaw si Erich."
"S—siya ba ang girlfriend mo?"
"Yeah. Siya ang dahilan kung bakit ako naglasing kagabi."
Tumulo ang luha ko ng maalala ko kung sino ang babaeng 'yon sa buhay niya.
"N—nakita mo siya?" Tanong ko.
Sana ay namamalik mata lamang siya.
"Nakita ng dalawang mata ko Elisa. And she smiled at me. Balak ko sana siyang habulin kaso ay agad siyang umalis. Kaya sa tingin ko ay bumalik siya para sa'kin." Nasaktan ako.
Kung bumalik man siya, sana ay hindi mangyari ang sinabi ni Dominic.
Mas gugustuhin ko na yata na hindi niya 'ko mahalin kesa mawala siya amin ng anak namin.
Hindi ko kaya.
BINABASA MO ANG
The Ignorant Selfless Wife (BOOK 1)
Fiksi UmumKilalanin si Elisa. Isang asawa at ina. Sobra kung mag-mahal at walang ibang ginawa kung hindi mahalin ang anak nila ni Dominic. Ang lalaking walang ibang ginawa kung hindi saktan siya. Magawa niya pa kayang mahalin ang sarili, kung lahat na-ibigay...