ELISA
"Dominic..."
"I repeat, bakit mo siya niyayakap?" Seryosong tanong ni Dominic kay Alex.
Nagka-tinginan kami ni Alex. Biglang namutla ang itsura niya.
"Ah, Sir Doms! Nako! Very wrong kayo ng iniisip. Waley lang po 'yon! It's just a sisterly hug. Hehehe." Sabi nito.
Ngumiti naman ako bilang pagsang-ayon.
"Dominic, tama siya. Nag-paalam lang kasi siya sa'kin kasi uuwi na tayo bukas. Ma-mimiss niya daw kasi tayo." Saglit na tumitig sa'kin si Dominic.
Sana naman ay maniwala siya.
"So you're going to miss him, huh?" Tanong niya.
"Ah, oo. Napalapit na din kasi siya sa'tin kaya—"
"I don't care Elisa. I won't miss him."
"Hala, hindi ko naman siya ma-mimiss eh. Ano kami, talo? Duh!" Rinig kong bulong ni Alex sa likod ko.
"Hindi naman sa ganoon Dominic. Ma-mimiss niya lang naman tayo. Masama ba 'yon?" Sabi ko.
"Oo nga!" Bulong na sagot ni Alex. 'Di ko na lang siya pinansin.
"Dominic, galit ka ba?" Tanong ko.
"Excuse me." Sabay daan ni Alex sa gitna at pumasok sa loob.
Naiwan kaming dalawa sa balcony.
"Dominic sorry kung ano man 'yong nakita mo. Wala 'yon—"
"Stop." Tumigil ako.
Napahinga ako ng malalim. Ayaw niyang maniwala na wala naman talaga.
"Kung ayaw mong maniwala okay lang. Sanay naman na 'ko—"
"I said, stop." Sabi niya.
Ano bang problema niya?
"Dominic ano bang problema—"
"I said stop it! I'm jealous!" Napatigil ako dahil sa pagka-bigla.
Malinaw na malinaw at naintindihan ko ang huling sinabi niya. Tama ba ang dinig ko?
Nagseselos siya?
👔👗
Marami ng mga tao ang nag-aabang para sa Disney in the Stars Fireworks. Katulad namin, excited na din ang lahat.
"I'm jealous!"
Biglang pumasok ulit sa utak ko ang sinabi ni Dominic kanina. 'Di ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Sinabi niya na nagseselos siya. Bakit naman siya nagseselos? May nararamdaman na din ba siya para sa'kin?
Tiningnan ko si Dominic na hawak ang camera niya at kumukuha ng mga litrato. Kami lang ang dalawa dito dahil nag-iikot pa ang tatlo. Gusto kasi ni Eric na gumala-gala habang 'di pa nagsisimula.
Gusto kong tanungin si Dominic tungkol sa nangyari kanina. Gusto kong sagutin niya 'ko.
Tumingala ako tsaka tumingin sa kanya.
Mamaya na lang siguro.
"Mama, papa!" Tawag ni Eric sa'min habang tumatakbo ito palapit sa puwesto namin. Kasunod nito si mama at Alex. Napatigil naman si Dominic sa pagkuha ng litrato. Sinalubong ko naman ang anak namin at binuhat ko.
Ngumiti ako kay Eric.
"Kamusta baby?" Tanong ko.
"Mama, bakit ang tagal ng fireworks?" Tanong nito.
Tumingin kami sa likod.
"Hindi pa baby eh."
Nilingon ko si Alex.
"Alex? Mga anong oras ba 'to magsisimula?"
Tumingin siya sa relo niya.
"It's already 7:30. 30 minutes—oh tingnan nyo!" Napalingon kami agad sa likod.
Isang kastilo ang nagliwanag.
"That's Tinker Bell Castle Illumination. Ang ganda diba? Lumi-liwanag talaga 'yan 30 minutes bago magsimula ang fireworks." Tumango naman kami lahat.
Ang ganda!
Nilingon ko naman si Dominic na kumukuha ng litrato. Pagkatapos ay tumingin siya sa'kin at tinutok sa'min ang camera.
"D—Dominic, anong ginagawa mo?"
"Capturing this moment with my son and wife. Smile." Sabi niya. Ngumiti naman ako ng kaunti at idinikit ang pisngi ko kay Eric. .
"Done." Tsaka niya binaba ang camera niya.
"Sir Doms, kami naman ni madam!" Singit ni Alex.
"Tsk." Kinuhanan naman sila ni Dominic.
Akala ko ay tatanggihan niya ito dahil sa nangyari kanina.
"We still have 25 minutes. We should eat first." Sabi ni Dominic.
Sinabit niya ang camera sa leeg niya at Lumapit siya sa'kin at kinuha si Eric.
"Let's eat now. Bumalik na lang tayo agad."
"Oo bumalik na lang tayo agad. Baka nagugutom na din ang apo ko." Sabi ni mama.
"Then let's go."
👔👗
Hindi na namin natapos ang pagkain namin ng nagpumilit na si Eric na bumalik na. Tanaw na kasi namin noon ang pagsisimula ng fireworks kaya nagyaya na agad si Eric na bumalik.
Kaya heto kami ngayon at masayang pinagmamasdan ang iba't-ibang klase ng fireworks na pinapasabog sa kalangitan. Makulay ang mga 'yon at ang sarap pagmasdan. Noong bata pa 'ko, lagi akong nasa labas ng bahay namin bago sumapit ang bagong taon. Tuwang-tuwa kasi ako sa mga fireworks noon. Napapagalitan pa nga ako ni mama noon dahil nasa labas ako.
Napatingin ako kay mama na naka-ngiti habang nanonood. Naalala niya kaya ako?
"Wow, mama!" Lumingon naman ako sa anak ko habang buhat siya ng papa niya.
Panay pa ang turo niya sa mga makukulay na fireworks habang pumapalibot ito sa Sleeping Beauty Castle. Sobrang ganda talaga dahil sabay na sabay ito sa tugtog. At ang mga tugtog na 'yon ay kilala sa mga palabas ng Disney.
"Oh, ha! Ang galing ko kumuha! Pang-Instagram mga kuha ko." Pakita sa'kin ni Alex sa mga kuha niya gamit ang camera ni Dominic.
Nag-pumilit kasi siya na siya ang kukuha ng mga litrato dahil professional daw siya. Noong una ay ayaw ni Dominic pero nainis yata siya kaya pinahiram niya na din. Natatandaan ko pa nga ang sinabi niya.
"Just make it sure that you'll take a good shot Alex. Or else, I'll kill you."
Si Dominic talaga.
"Oo nga." Sabi ko kay Alex.
Magaganda ang mga kuha niya.
"May Instagram ka ba ma'am Elisa?" Tanong niya.
"W—wala eh. Ano ba 'yon? Para saan?"
Tumingin siya sa'kin at parang gulat na gulat.
"Hala? Sa ganda mong 'yan, wala?!"
Tumango ako."Uso 'yon!" Sabi niya pa.
Naririnig ko na ang Instagram pero 'di ko alam kung ano 'yon at para saan. Tsaka, wala naman akong alam sa mga uso ngayon.
"Sa bahay lang kasi ako lagi. Nagbabantay at nag-aasikaso sa dalawa kaya wala akong panahon sa mga ganoong bagay." Sabi ko.
"Ay, grabe sis ah. Perfect wife and mother!"
"She is." Biglang singit ni Dominic at inakbayan ako. Na-estatwa ako at napatingin sa kanya.
"Omg! Kilig na c aquh!" Sabi naman ni Alex.
![](https://img.wattpad.com/cover/60026131-288-k548481.jpg)
BINABASA MO ANG
The Ignorant Selfless Wife (BOOK 1)
Fiction généraleKilalanin si Elisa. Isang asawa at ina. Sobra kung mag-mahal at walang ibang ginawa kung hindi mahalin ang anak nila ni Dominic. Ang lalaking walang ibang ginawa kung hindi saktan siya. Magawa niya pa kayang mahalin ang sarili, kung lahat na-ibigay...