ELISA
Napa-tanga ako sa sinabi niya. Parang hindi ko agad na-absorb dahil sa pagkabigla.
"I'm trying Elisa. I'm trying!"
Pabalik-balik sa utak ko ang mga sinabi niya.
Trying?
Anong ibigsabihin niya?
Naguguluhan ako.
"H—Hindi ko maintindihan Dominic..." Sagot ko.
Tumingala ito habang naka-pameywang sa harapan ko.
Kinagat ko ang labi ko.
"Pasensya ka na Dominic—"
"Forget it. Sabay na tayong umuwi."
Napa-tanga ako muli.
"Wait for me." Umalis siya sa harapan ko at kinuha ang gamit niya.
"Let's go." Sabay hila niya sa'kin.
Mababaliw na yata 'ko.
👔👗
"Mama, papa!" Salubong samin ni Eric pagka-pasok namin sa bahay. Naabutan namin ito na nanonood ng TV. Pasado ala-sais na kami naka-uwi.
"What are you watching?"
"Si Mickey mouse!"
Gusto kong matawa. Naalala ko kasi 'yong kanina. Nakakahiya dahil napansin ko pa si Mickey Mouse sa loob ng opisina niya.
Binuhat ito ni Dominic.
"Papa, nasabi na sa'yo ni mama?" Tanong ng anak namin.
Napatawa ako.
"Yup."
"Talaga papa?!"
Tumango si Dominic.
"Yehey! Papa kailan tayo pupunta doon? Bukas?" Napatawa ako.
Excited talaga ang anak namin.
"Not tomorrow baby."
Lumungkot ang mukha ng paslit.
"Eh, kailan po?"
"On the other day?" Sagot ni Dominic.
Sumigla muli ang itsura nito.
"Yehey! Excited na 'ko papa! Papa, gusto ko magpa-picture kasama si Mickey mouse ah! Kasama si mama." Nagulat ako.
Nahuli kong tumingin sa'kin si Dominic sabay ngiti.
Parang nalaglag ang puso ko.
Ano ba naman Elisa! Kumalma ka!
"Mama ha? Papa-picture tayo." Sabi ng anak namin.
Ngumiti ako.
"Ah oo. Sige, magpa-picture tayo."
"Yehey! Tapos mama, kayo din ni papa. Dapat i-kiss mo si papa."
Huh?!
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Diyos ko!
"Papa, kiss mo si mama ah?"
Hindi ko na alam kung anong gagawin ko dahil sa mga pinagsasabi ni Eric.
Saan ba niya namana ang kadaldalan niya?
"Sure baby." Napa-iwas ako ng tingin.
"Anak, nasaan si Lola?" Tanong ko.
Tinuro nito si mama na nasa labas at parang may kausap sa cellphone niya. Umalis ako at pumunta sa labas.
BINABASA MO ANG
The Ignorant Selfless Wife (BOOK 1)
General FictionKilalanin si Elisa. Isang asawa at ina. Sobra kung mag-mahal at walang ibang ginawa kung hindi mahalin ang anak nila ni Dominic. Ang lalaking walang ibang ginawa kung hindi saktan siya. Magawa niya pa kayang mahalin ang sarili, kung lahat na-ibigay...