Chapter 23

38.8K 1K 117
                                    

ELISA

"Anong pag-uusapan natin?" Umupo muna ito tyaka nagsalita.

"Sit down." Alanganin akong umupo sa upuan sa tapat ng desk niya.

May kinuha siya sa drawer.

Hindi ko inaalis ang titig ko sa kanya. Tama pa bang makipag-usap ako sa kanya?

"Here." Napatingin ako sa papel na inabot niya.

Tiningnan ko 'yon at kahit gusto kong malaman ang mga nakasaad doon ay di ko mabasa. Iilan lang ang kaya kong basahin.

"A—ano 'to?" Tanong ko.

Tumingin siya sakin.

"Annulment papers." Napatanga ako sa sinabi niya.

Annulment? Naririnig ko 'yon sa mga palabas na napapanood ko. Hindi ko lang maalala kung ano ang ibig sabihin non.

"A—annulment?" Tanong ko.

"Yes, Elisa. Na-aalala mo pa ba 'yong sinabi ko sayo noon matapos nating ikasal?"

Napatigil ako at inalala ang mga kaganapan na nangyari ng mismong araw na ikinasal kami. Para sakin, napakahalaga ng araw na 'yon kahit na may bahid ng sama ng loob sakin si Dominic.

"Maghihiwalay rin tayo pagkatapos ng 1 taon."

Biglang bumalik sakin ang mga sinabi niya noon. Na makikipaghiwalay siya sakin.

Tumingin ako sa kanya. Parang nagbabadya na naman ang mga luha ko.

"Naalala mo na ba?" Tanong nito sakin.

Napatingin ako sa hawak ko at dali daling ibinaba 'yon. Ayokong hawakan ang papel na binigay niya sakin. Bukod sa hindi ko nababasa ang ibang nakasaad doon, hindi ko din matatanggap ang mga nilalaman noon dahil alam kong isa lang ang ibig sabihin noon.

Makikipaghiwalay na siya sakin.

"H—hindi ako papayag sa gusto mo Dominic." Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. Parang hindi niya ito matanggap.

"What?"

"N-nagbago na ang isip ko Dominic. Hindi na 'ko papayag na makipaghiwalay sayo. A—ayoko Dominic. Ayoko..." Nagsusumamo na sabi ko.

Tumayo siya at galit na tumitig sakin. Napayuko naman ako dahil natatakot ako. Dahil alam kong hindi niya nagustuhan ang mga sinabi ko.

"No Elisa. Maghihiwalay tayo. Diba at 'yon ang usapan natin? Pumayag ka noon!" Hindi ko siya hinarap at nanatili pa din akong nakayuko.

Kailangan kong maging matapang para maipaglaban ang gusto ko. Masama bang hindi na tumupad sa usapan kung nagbago na ang aking isipan, dahil ayokong mahiwalay sa kanya?

"Ayoko Dominic. A—ayokong makipaghiwalay sayo." Sabi ko.

"Damn it!" Bahagya akong napapikit dahil sa pagsigaw niya.

"Sa ayaw at sa gusto mo, tuloy ang proseso ng pakikipaghiwalay ko sayo." Sagot niya.

Tumayo ako at humarap sa kanya.

"Pakiusap Dominic. 'Wag. Paano si Eric? Gusto mo ba siyang masaktan?" Tanong ko.

Tumitig lang siya sa'kin.

"Dominic, alam kong hindi mo 'ko kayang mahalin bilang asawa. Pero 'wag mo naman itong gawin sakin. Mahal na mahal kita—"

"F*ck that love! Wala akong pakialam Elisa!" Sigaw niya sakin.

Tumulo na ang mga luha ko.

Sobrang sakit na hindi niya talaga akong kayang mahalin. Mahirap ba 'ko mahalin? Ginagawa ko naman ang lahat. Pero para sa kanya, wala pa din.

Siya pa rin.

"K—kaya ka ba makikipaghiwalay sakin, kasi bumalik na siya?" Tanong ko.

Hindi siya agad nakasagot. Kahit bobo ako, alam ko ang dahilan kung bakit niya gustong makipag-hiwalay sakin.

"At bakit siya nasama dito? Baka nakakalimutan mo Elisa? Matagal na nating napag-usapan ang bagay na 'to—"

"Alam ko Dominic. Pero alam naman natin parehas na SIYA ang dahilan kung bakit mo biglang itinuloy ang balak mong pakikipaghiwalay sakin. Hindi pa ba sapat ang mga ginagawa ko? Ha?" Tanong ko.

Bakit ganon? Kung sino pa yung mga taong nagmamahal sa kanila, 'yon ang binabalewala nila. Isa lang naman kasi siguro ang dahilan. Dahil mas buo ang atensyon nila sa taong mahal nila.

At hindi ako ang mahal niya.

Kung hindi siguro dumating si Eric sa buhay namin, siguro ay hindi nangyayari 'to samin. Siguro, hindi ako nasasaktan ng sobra sobra. Pero, nagpapasalamat pa din ako na dumating ang anak namin. Biyaya siya sakin. Siya ang nagpapasaya sakin sa kabila ng mga sakit na nararanasan ko.

"Itigil na natin 'to Elisa. Pumayag ka na lang sa gusto kong mangyari. Magiging ina ka pa din naman kay Eric. Diba ay dapat magpasalamat ka pa? Nasasaktan ka na diba? Kaya dapat lang siguro na pumayag ka ng makipaghiwalay sakin." Umiling ako sa mga sinabi niya.

"Mas masasaktan ako Dominic, kung mawawala ka sa'min." Sagot ko.

Mas naramdaman ko lalo ang tensyon sa pagitan namin. Ang mga titig ni Dominic na parang gustong gusto niya na 'kong saktan pero nagpipigil lang siya.

"Don't worry, magsasama pa rin tayo pero di na tayo mag asawa. Naiintindihan mo ba?"

Naalala ko muli ang isa sa mga sinabi niya. Na makikipag-hiwalay siya sakin, pero magsasama pa din kami.

Ganoon ba ang mangyayari?

Kung ganon, papayag ako.

"Dominic..."

Tumingin siya sakin.

"Pumapayag na 'ko." Diretsong sagot ko.

Nakita ko ang pagsilay ng ngiti niya. Masakit makita ang pag-ngiti niyang 'yon dahil masaya siya na napapayag niya 'ko.

"That's good to hear—"

"Sa isang kondisyon."

Napatigil ito kasabay ng pagkunot ng noo niya. Buong tapang kong nilunok ang takot at kaba.

"What is it? Pera ba? Don't worry, dahil susuportahan ko pa din naman si Eric habang nagsasama tayo—"

"Hindi Dominic."

"Then what?"

"Papayag akong makipag-hiwalay ka sa'kin pero isasama ko si Eric. H—hindi mo na siya makikita. Kami ng anak mo."

"What?!"

"Yon ang gusto mo Dominic diba? Ang mahiwalay ako sayo. Pero isasama ko si Eric sa pag alis ko. Hindi din ako papayag na hiwalay na tayo pero, magsasama pa din tayo. Ayoko Dominic, dahil masasaktan at masasaktan pa din ako. Kung makikipag-hiwalay ako sa'yo, lalayo na lang ako. Para saan pa diba? Kung mananatili pa din ako sayo. Para ko na ngang inamin sa sarili ko na bobo nga talaga ako."

The Ignorant Selfless Wife (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon