Chapter 41

40.5K 1K 77
                                    

ELISA

Huling araw na namin dito, at bumalik ulit kami sa Disney land para sumakay sa mga rides na 'di pa namin nasasakyan. Katulad noong una at pangalawang araw, napaka-energetic na naman ng dalawa. Lalo na si Alex. Siya ang laging nagbabantay kay Eric. Samantalang naka-sunod lang kami lagi. Siya kasi ang nakaka-alam ng pasikot-sikot dito.

Kasalukuyan kaming naglalakad papunta sa Stitch Encounter.

"Kuya Alex, makikita natin si Stitch?" Tanong ni Eric habang naka-hawak sa kamay ni Alex.

"Yes, baby boy! Makikita natin siya! Game ka na ba?" Tanong ni Alex.

Tumango lang si Eric.

"Sagot ka baby, dapat ganito. Sisigaw ka, tapos taas mo 'yong right arm mo. Like this. Tapos, shout ka ng, game na!" Ginaya naman siya ng anak ko tapos sumigaw si Eric at tumalon pa.

Napatawa naman ako. Kung ano-ano kasi ang tinuturo ni Alex kay Eric.

"Matalino ka baby, kaso uto-uto ka minsan." Biro ni Alex.

"What did you say?" Tanong ni Dominic.

Ngumiti naman si Alex at nag-peace sign.

"Peace tayo Sir. Doms! Pogi ng anak niyo hehe."

"Because I'm his father."

"Oo, tama! Hehehe."

Napa-iling na lang ako.

Maya-maya pa ay nakarating na din kami sa Stitch Encounter. Katulad ng iba pang mga napuntahan noong nakaraang araw ay masaya din.

Pagkatapos, pumunta kami sa Jedi Trial Academy, Dumbo, Hong Kong Disney Land Railroad, Mad Hatter Tea Cups, Slinky Dog Spin at iba pang rides na nasakyan namin.

At ngayon, manunuod kami ng isa sa mga inaabangan dito sa Disney Land. Ang Fantasy Parade.

"Kuya Alex, where's the parade?" Tanong ni Eric.

Nandito kami lahat habang hinihintay ang pag-dating nila. Katulad namin, madami din ang nag-aabang habang hawak ang mga gadgets nila. Tumingin naman ako kay Dominic na ganoon din at naka-handa na ang kanyang cellphone.

"Oh look that's Mickey Mouse!" Turo ni Eric. Lumawak ang ngiti ko dahil sa ganda ng mga floats na kasunod nito habang pinangu-ngunahan ni Mickey Mouse na nasa balloon float. Pagkarating nito sa tapat namin ay kumaway ito kaya tuwang-tuwa kami. Nakakamangha dahil ito ang highlight ng parada habang may nakaka-aliw itong tugtog na nakaka-dagdag saya. Dalawang beses itong huminto para ipakita ang mga traditional floats at ang mga acrobatic performers.

"Wow! They're so flexible!" Sabi ni Eric.

"Yes, baby. I can do that too!" Sabi naman ni Alex.

"Really kuya Alex?"

"Yup! Pakita ko sa'yo pag-balik natin sa Pilipinas." Ngumiti ako sa sinabi niya.

Alam ko naman na nag-bibiro lang siya.
Matapos ang 30 minuto naming panonood ay nagdesisyon na kami na bumalik muna sa hotel para makapaghanda kami mamaya para makapa-nood kami ng Disney in the Stars Fireworks mamayang gabi. Excited na tuloy ako na makita 'yon.

👔👗

Gabi na at 'di na 'ko makapag-hintay para masaksihan ang fireworks mamaya. Nandito kami sa loob ng kuwarto at nag-aayos. Inaayos ni Dominic ang camera niya. Medyo mahaba 'yon at iba sa pang-karaniwang camera na alam ko.

Ano kayang tawag doon?

"Mama." Tawag sa'kin ni Eric.

Napatingin naman ako sa anak ko. Lumapit ito sa'kin.

"Bakit?"

"Mama, iyong zipper ko ayaw masara." Reklamo niya.

Napatawa naman ako.

"Halika. Ako ang mag-sasara." Sabay lapit nito sa'kin.

Si Eric kasi ang tipo na bata na gusto niya siya ang gagawa basta kaya niya. Kagaya nito, gusto niya siya ang nagbibihis sa sarili niya.

"Okay na." Sabi ko matapos ko masarado ang zipper niya.

"Thank you, mama." Ngumiti naman ako hinalikan ito.

"Eric halika dito, lalagyan kita ng polbo." Tawag ni mama sa anak ko.

"Tawag ka ni lola." Sabi ko at pumunta ito kay mama.

Tumayo na 'ko sa kama.

Nasaan si Alex?

"Si Alex?" Tanong ko sa kanila. Nilingon ako ni mama.

"Nandyan yata sa may balcony."

Agad naman akong pumunta doon at naabutan ko siya na tahimik na umiiyak.

"Alex? A—ayos ka lang?" Tanong ko dito.

Suminghot muna ito bago humarap sa'kin.

"Alex umiiyak ka ba?" Tanong ko.

"Ma'am Elisa naman eh!" Kumunot ang noo ko.

"B—bakit?" Tumingin siya sa'kin.

"Ma-mimiss ko kayo eh." Sabi niya.

Napatigil naman ako. Kaya pala siya umiiyak.

Ngumiti ako.

"Ikaw din naman, ma-mimiss namin. Lalo na si Eric." Sabi ko.

Sa loob ng tatlong araw na nakasama namin siya ay napalapit na din ang loob namin sa kanya. Lalo na ang anak ko.

"Ma'am 'wag niyo 'kong kakalimutan ah? Tapos, kapag pupunta kayo ulit sa ibang bansa ako isama niyo ah?" Napatawa naman ako sa sinabi niya.

"Oo naman. Hahanapin kita." Sagot ko tyaka ako ngumiti sa kanya.

"Sige ah! Promise?" Tumango naman ako.

"Promise!"

"Kainis bakit ang ganda mo?" Nahiya naman ako bigla.

"H—hindi naman."

"Pa-humble ka pa ma'am Elisa. Basta ah? 'Yong usapan natin. Saan ba ang address niyo?" Napatawa naman ako.

"Ikaw talaga. Bakit?"

"Bibisita ako minsan." Tumawa ako ulit.

"Oh sige, mamaya. Ibibigay ko sa'yo." Sagot ko.

"Talaga?! Makiki-kain din ako, pwede?"

"Pwede!" Sagot ko.

"Bongga! Ma'am pwede payakap? Ang bait mo eh." Tumawa naman ako.

"Sigurado ka?"

"Yup!" Sabay yakap niya sa'kin.

Di naman ako nakaramdam ng ilang dahil alam kong pusong babae siya.

"WHY ARE YOU HUGGING MY WIFE, ALEX?" Napabitaw kami sa isa't-isa ng mag-salita si Dominic na nasa likod na pala namin at seryoso ang mukha.

Galit ba siya sa nakita niya?

The Ignorant Selfless Wife (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon