Dedicated to:
Aceybellss bianxx_kehELISA
Hindi ko maiwasang mapatawa habang nakatingin ako sa mag-ama ko. Nakasimangot kasi ang dalawa habang may basket sa ulo nila. Hindi kasi nila alam na ibang basketball pala ang lalaruin nila.
Kailangan ay patalbugin ang bola at masalo ito ng mga basket na nasa ulo nilang dalawa. 8 bola ang kailangan na makolekta ng bawat isa. Mga mag ama ang maglalaro. At sa section ng anak ko, kaming pamilya ang pambato.
"Okay, so let's start boys!" Kasabay ng pagpito ng host ay nagsimula na ang lahat ng kasali sa laro. 8 pares ang kalahok.
Napapalakpak naman ako ng biglang make-shoot si Eric.
"Go anak!" Sigaw ko. Panay ang cheer ng lahat sa kani kanilang kakampi.
Maya maya pa ay nakashoot na din si Dominic. Magkasunod na naka-shoot ito. Tatlong bola na ang nasa basket ni Eric. Habang gigil na gigil ang anak namin sa pagbato ng bola.
"Dahan-dahan lang anak!" Sigaw ko. Sinunod naman ako nito kahit na di ito tumingin sa'kin. At shoot! Nakapuntos ulit si Eric. 5 bola na ang meron sila. 3 kay Dominic at 2 naman kay Eric.
Hanggang sa sunod sunod na naka- shoot ang dalawa hanggang sa nanalo ang team namin. Panay ang cheer ko ng manalo ang mag-ama ko. Nag-apir pa ang dalawa tsaka binuhat si Eric papunta sa puwesto ko.
"Mama! Nanalo kami!" Proud na sabi ng anak ko.
"Congrats sa inyo! Ang galing galing ng baby ko ah!" Sabi ko sabay halik sa pisngi nito. Binaba naman ito ni Dominic.
Hindi muna kami sumali sa susunod na laro. Magpapahinga muna kami sandali.
"Mama, punta po tayo kay lola. Gusto ko po ng water." Sabi ng anak ko.
Pumunta naman kami kung nasaan si mama. Nakangiti ito habang nanonood sa mga batang naglalaro sa harapan niya.
"Lola!" Sigaw ng anak ko. Lumingon naman ito sa gawi namin at mas lalong lumawak ang ngiti niya.
Alam ko kung gaano niya ipinipilit ang sarili sa akin. Para mapatawad siya. Lahat ginagawa niya na dapat ay ginagawa ko sa bahay. Gusto niya daw kasi makabawi. Minsan, kapag natutulog ako sa kuwarto ko ay nararamdaman ko ang pagtabi niya sakin. Hindi ko naman kasi nilo-lock ang pinto ng kuwarto ko dahil kay Eric.
"Kamusta ang laro niyo?" Tanong nito sa'min habang pinupunasan ng bimpo ang likod ni Eric habang umiinom ito ng tubig. Sabay naman kaming kumuha ni Dominic ng bottled water kaya 'di sinasadyang nahawakan ko ang kamay niya. Sandali pa 'kong napatigil. Hindi ko pa din kasi makalimutan ang paghila niya sa'kin.
"A—ayos naman po." Sagot ko.
"Lola, we won po!" Proud na sabi ng anak ko. Panay ang kuwento nito sa mga experience niya kanina habang naglalaro sila ng papa niya. Napansin ko naman ang nakangiting mukha ng asawa ko habang pinagmamasdan ang anak namin na abala sa pagkukuwento. Kailan ko kaya makikita ang mga ngiti niyang 'yon sa akin?
"Oh siya sige. Manonood ako." Sabi ni mama. Binalik ko ang tingin ko sa anak ko.
"Yehey! May magche-cheer na sa'min!" Sabi ni Eric habang nagtatatalon. Napatawa naman ako.
"Bakit? Hindi ba nagche-cheer si mama?" Tanong ko sa anak ko.
Napahagikgik naman ang anak ko tyaka yumakap sa bewang ko.
"Mama, ikaw din nagche-cheer." Malambing na sabi nito. Pumantay ako sa anak ko at hinalikan ito sa magkabilang pisngi.
"Wow, ang bango bango pa din ng baby ko kahit may pawis!" Sabi ko. Napatawa naman si mama.
"Ganyan talaga ang mga bata. Mababango pa din." Sagot nito. Pilit na ngumiti na lamang ako. Ayokong magpakita ng pagkamuhi sa kanya. Napamahal na sa kanya ang anak ko.
"Mama di pa po tayo kakain?" Napatingin naman ako sa relo ko. Alas diyes pa lang naman.
"Bakit anak? Nagugutom ka na ba?" Tanong ko.
"Hindi pa po mama. Baka po kasi nagugutom na kayo eh." Sagot nito.
"Wow ang sweet naman ng baby ko. Gutom na si mama. Pero mamaya na lang muna. Okay? Tsaka maaga pa naman anak."
"I love you, mama!" Sabi nito tyaka yumakap sakin. Napatingin naman ako sa asawa ko. Nakatitig lang ito sakin. Bigla akong napaiwas ng tingin. Samantalang si mama naman ay ang lawak ngiti saming mag ina.
"I—I love you too baby." Sagot ko sa anak ko.
"Mama, maglalaro po ulit tayo nina papa ah! Maganda po 'yong sunod na game." Excited na sabi ng anak ko.
"Talaga?"
"Opo!"
"Anong game?" Tanong ko sa anak ko.
"Simon says." Sagot ng anak ko.
"Oh, Simon says." Sabi ni Dominic. Kumunot naman ang noo ko. Anong laro kaya 'yon?
"Ah, ganon ba." Naka-ngiting sagot ko sa anak ko kahit na wala akong ideya sa larong iyon.
"Mama, alam mo po 'yon? Sabi kasi ni teacher, kayo daw po ni papa magpe-play." Kami na naman ulit? Napa-ngiti na lamang ako.
"Malalaman natin anak. Hindi rin alam ni mama eh." Humagikgik naman ang anak ko.
"Mama, alam ko po 'yon! Kasi po, nilalaro po namin yun sa room. May magsasabi samin ng Simon says, tapos gagayahin namin yung action niya. Kunyare mama ganito! Simon says... touch your toes! Tapos po hahawakan po namin yung toes namin. Tapos mama, pag may nauna sa kanya tanggal na. Tapos mama yung classmate ko nag-cry kasi na-out siya." Sabi ng anak ko. Tumango na lamang ako. Medyo 'di ko pa din siya makuha.
"Mama sabi ni teacher kayo daw magpe-play kaya iba daw po gagawin nyo ni papa." Nangunot ang noo ko at napatingin ako kay Dominic na nakatitig sakin kaya napa-iwas ako ng tingin. Pakiramdam ko ay ang pula na ng mukha ko.
"You don't get it, do you? Tsk, here's an example of that game Elisa. When Simon says, look at your husband. Titingin ka sakin. Now, look at me." Napatingin ako kay Dominic.
He smirked.
"Good." Tsaka ito naunang maglakad.
BINABASA MO ANG
The Ignorant Selfless Wife (BOOK 1)
General FictionKilalanin si Elisa. Isang asawa at ina. Sobra kung mag-mahal at walang ibang ginawa kung hindi mahalin ang anak nila ni Dominic. Ang lalaking walang ibang ginawa kung hindi saktan siya. Magawa niya pa kayang mahalin ang sarili, kung lahat na-ibigay...