Chapter 39

38.4K 1K 121
                                    

ELISA

"Mama antok na po 'ko." Sabi ni Eric habang buhat ito ni mama.

Papunta na kami sa hotel para makapag-pahinga. Bukas kasi ay babalik kami ulit doon.

"Opo, matutulog na tayo. Sleep ka na ha?" Sabi ko at hinaplos ang mukha nito.

Pagod na pagod ito sa kakasakay sa mga rides kasama si Alex. Game na game talaga sila. Hindi na nga ako sumakay sa iba dahil 'di ko na kayang makipag-sabayan pa.

Nakarating na kami sa hotel kung saan kami nakacheck-in. Maganda itong hotel at malaki.

Pagka-pasok namin sa loob ay inihiga na ni mama si Eric sa kama. Nakatulog na ito agad.

"Hay! Nakakapagod!" Sabi naman ni Alex na naka-higa na sa kama. Standard room lang itong kinuha namin. May dalawang kama at isang king size bed. At pag sumilip ka naman sa labas, matatanaw mo ang garden at ang iba pang magagandang tanawin dito sa Disneyland.

Sa buong buhay ko, ngayon ko lang naranasan ang ganito. Ngayon lang naman kasi ako naka-punta dito at naka-labas ng bansa.

Napatingin ako sa mga kasama ko. Lahat sila ay naka-higa at mga tulog na. Maliban kay Dominic. Si Eric at mama ang mag-kasama sa isang kama. Samantalang si Alex naman ay solo niya ang isa. At 'yong isa naman ay bakante. 'Yon yata ang king size bed dahil mas malaki ito kumpara doon sa dalawa.

"Are you not going to sleep?" Napa-lingon ako sa likod ko ng mag-salita si Dominic na kagagaling lang sa loob ng banyo.

"H—Huh? Magbibihis muna 'ko saglit." Sabi ko.

Tumalikod na 'ko at kumuha ng maso-soot ko.

Pagka-kuha ko ay dumiretso na 'ko loob ng banyo.

👔👗

Katatapos ko lang maligo ng mapatingin ako sa orasan. Hapon na pala.

Hinanap ko si Dominic at naabutan ko ito na tulog na. Nakapagpalit na din siya ng damit.

Inayos ko muna ang mga gamit namin tsaka ako pumunta sa kama nina mama.

Dito ako matutulog—

"Elisa." Napalingon ako kay Dominic. Nakatingin siya sa'kin. Akala ko tulog na siya.

"B—bakit?"

"Bakit nandyan ka? Dito ka sa tabi ko." Sabi niya.

Para akong tanga dahil 'di ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko.

Seryoso ba siya?

"O—okay na 'ko dito—"

"Sleep here, beside me. Saan ba dapat natutulog ang may asawa?"

Asawa.

Itinago ko ang kilig ko sa sinabi niya.

"Dominic..."

"Now, come here. I'm sleepy." Sabi niya.

'Di pa din ako umaalis sa kama at naka-tingin lang sa kanya.

Di kaya nananaginip lang siya?

Ayaw na ayaw niya nga na pumapasok ako sa kuwarto niya dahil nagagalit siya sa'kin, tapos tatabi pa 'ko sa kanya.

"Dominic matulog ka na. B—baka nananaginip ka lang—"

"What?"

"O—oo. Matulog ka na, matutulog na din ako—"

"Pumunta ka na dito. Baka gusto mong ako pa ang magdala sayo dito." Seryoso na sabi niya.

Kung ganon, 'di nga siya nagbibiro?

"Elisa—"

"O—oo, heto na." Tumayo na 'ko at pumunta sa kama.

Umupo ako sa tabi niya.

"Let's sleep."

"S—sige na matulog ka na Dominic. H—hindi pa naman ako inaantok—ay!" Nagulat ako at napatakip sa bibig ko ng bigla niyang hilahin ang braso ko at ihiga ako sa kama.

Nasa ibabaw ko ang kalahati ng katawan niya.

Bigla akong nahiya at nag-iwas ng tingin dahil sa posisyon namin.

"Dominic... Ano, matutulog na 'ko—"

"Tumingin ka sa'kin."

Hindi ko agad nagawa ang sinabi niya.

"Elisa."

Tumingin na din ako sa kanya at tumingin sa mga kasama namin. Mabuti na lang at tulog na tulog sila. Lalo na si Alex na naka-nga nga pa. Gusto ko tuloy matawa.

"Elisa." Tumingin ako ulit kay Dominic.

Nasa ibabaw ko pa din siya at nakatitig sa'kin.

"B—bakit?"

Di siya sumagot pero titig na titig pa din siya sa mga mata ko.

Nakakailang.

Ano kayang nangyari? Bakit naging ganito si Dominic? Nagbago na ba siya?

Ibinaling ko ang mga mata ko sa ibaba pero inangat niya ang mukha ko para muling salubungin ang mga mata ko.

Napalunok ako sa ginawa niya. Sobrang lapit kasi ng mukha niya sa'kin at parang hahalikan niya na 'ko.

Hahalikan?

"You're blushing." Sabi ni Dominic.

"H—huh? H—hindi ah." Sagot sabay iwas ko ng tingin.

Kailan niya ba balak umalis sa ibabaw ko? Akala ko ba inaantok na siya?

"Matulog na tayo. A—antok na ko—" Nanlaki ang mata ko ng bigla niya 'kong halikan sa pisngi.

"You're not looking straight into my eyes." Sabi niya.

Naka-tingin pa din ako sa gilid ko. Maya-maya pa ay naramdaman ko ang pagbaba ng mukha niya sa tenga ko.

Naninding ang balahibo ko.

"What did you do to me? What's with your innocent face? Tell me. You made me confused." Sabi niya.

Confused?

Naintindihan ko. Pero anong ibig-sabihin niya?

"Dominic..."

"Damn it." Bulong niya.

Sobrang lapit ng bibig niya sa tenga ko at nararamdaman ko na ang init ng hininga niya.

Nababaliw ako.

"Dominic, 'di ka pa ba m—matutulog?" Tanong ko habang 'di pa din ako naka-tingin sa kanya. Di ko kayang titigan siya mata ng ganitong sobrang kalapit.

Hinawakan niya ang leeg ko at bahagya niya 'yong hinaplos. Biglang uminit ang pakiramdam ko. Para akong lalagnatin

"Dominic—"

"It looks like I want that again. What happened five years ago. Damn it." Sabi niya.

Again? Five years ago?

The Ignorant Selfless Wife (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon