Chapter 27

39.4K 978 209
                                    

Pietro Boselli as Marco Boselli (on media above)

Ang gwapo at ang hot niya diba bes? 😍 I hate math pero kapag ganyan ang teacher mo mapipilitan kang mahalin ang math kahit napapamura ka na sa mga problem solutions at kung ano-ano pa. Hahahaha! Thank you for reading this and for waiting so long to update. Tao lang po ako, tinatamad din. Hahahaha charot!

Here's the next chapter!



ELISA

"So Miss Elisa, hanggang saan lang ang natapos mo?" Tanong sakin ng tutor ko.
"H-hanggang grade 3 lang po ang natapos ko."

Tumango lang siya sa'kin tyaka may sinulat sa papel. Nandito kami sa opisina ni Dominic.

"Bakit hanggang doon lang?" Tanong niya sa'kin.

Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya. Ayokong sabihin na si mama ang dahilan kung bakit hanggang doon lamang ang natapos ko. Ayoko na kasing sisihin pa siya. Kaya din naman niya siguro 'yon ginawa dahil kapos kami sa pera noon. Sadyang sumama lang talaga ang loob ko.

"W—wala po kaming pera para tustusan ang pag-aaral ko noon. Sa palengke lang kasi kami ni mama nagtitinda. At kulang pa 'yon sa mga gastusin namin sa bahay."

Tumango lang siya tyaka inalis ang soot niyang salamin. Hindi ko maiwasang mamangha sa kakisigan niya. May ganito palang teacher?

"May problema ba Miss Elisa? Bakit ka nakatitig sa'kin?"

Napaiwas ako bigla ng tingin. Nakakahiya!

"Ah eh, hindi po ah." Sagot ko.

Natawa naman siya sa'kin.

"Nagbibiro lang ako."

Napatingin naman ako sa kanya at nahihiyang ngumiti. Sa tingin ko ay napaka-masayahin niya. Kanina pa kasi siya nakangiti eh.

"May tanong ako. Okay lang ba na magtanong ako?"

Huh? Eh, kanina pa nga siya tanong ng tanong eh.

"Ano po 'yon?"

"Wag mo na 'kong 'i-po'. Kahit Marco na lang. And pwede bang Elisa na lang ang itawag ko sayo? Sobrang pormal kasi masyado, eh hindi naman nagkakalayo ang edad natin. Ilang taon ka na ba?"

Napatanga ako sa mga tanong niya. Bigla bigla kasi yung mga tanong niya. Akala ko nga, magsisimula na kami kanina eh.

"24 na po."

"Tsk, wag mo na 'kong tawagin na may 'po'." Napatawa naman ako ng bahagya.

"S—sige Marco." Sagot ko.

Lumawak ang ngiti niya.

"Ayan. Para kasing ang tanda ko na kapag may 'po' eh. Okay lang sakin kung bata ang tinuturuan ko. Pero pag katulad mo, kahit pangalan ko na lang." Sabi niya.
Tumango ako tsaka ngumiti.

Ang bait niya.

"Magsisimula na tayo ngayon. 2 oras lang kasi ang time ko eh. Kaya okay lang ba na magsimula na tayo?" Tumango naman ako.

Kanina pa nga 'ko handa eh.

"Oo naman." Sagot ko.

Tumawa muna ito siya at may kinuha na papel sa bag niya.

"Lesson plan ko 'to." Sabi niya.

Tumango naman ako. Noong nasa elementarya ako, naririnig ko na ang lesson plan noon. Hindi ko lang alam kung para saan 'yon.

"Nakakabasa ka naman ng mga cat, dogs, at 'yong mga maiikli na words diba?" Tanong niya sakin.

"Eh yung mga vowels and consonants?"

Tumango ako.

"That's good. Magsisimula muna tayo sa mga madadaling salita na kaya mong basahin. Nasabi mo sa'kin kanina na nakakabasa ka na ng mga maiikling salita diba? Kaya sa tingin ko ay madali na lang sayo ang mga ito na intindihin."

'Yon kasi ang mga alam ko dahil naturo 'yon sakin ng anak ko.

Lumapit siya sa'kin.

"Here, try these. Basahin mo nga." Pinakita niya sa'kin ang mga listahan nga mga salita.

Mga pangalan ng hayop ang nababasa ko doon. May cat, dog, fish, bird at iba pa.

"Nababasa mo ba ang ilan sa mga 'yan?"

"Oo. Nababasa ko." Sagot ko.

Ngumiti siya sakin.

"Basahin mo."

Tumango ako at binasa ang mga nandon. 20 words ang mga nabasa ko.

"That's good. Ano ang mga 'yan? Ano 'yang mga nabasa mo Elisa? Mga ano sila?" Sunod sunod na tanong niya sakin.

"Mga hayop."

"Yes. Isa kasi ang mga ito sa mga dapat na una mong mabasa at matutunan." Paliwanag niya.

Pinabasa niya pa sa'kin ang ilan. Kagaya ng mga iba't ibang kulay, prutas at kung ano ano pa. Sobrang saya ko kapag nakakasunod ako. Madali lang naman para sa'kin dahil nagawa ko na din ito dati.

"Natutuwa ako dahil mabilis kang matuto. Parang 'di na yata kailangan na ituro ko pa sayo ang mga ito!" Napatawa naman ako sa sinabi niya.

"S—salamat."

"Ano bang gusto mo matutunan Elisa?"

Napatingin ako sa kanya.

Isa lang naman ang gusto ko.

"Gusto kong maging katulad ng asawa ko. Gusto ko, magaling din ako katulad niya."

Ngumiti siya sa'kin.

"Hindi mo kailangan na maging katulad niya Elisa. He's different compare to you. Masyadong mataas ang asawa mo. Iba ka sa kanya. May bagay na mas magagawa mo pa kesa sa kanya. Hindi mo naman kailangan matutunan lahat. Dahil lahat ng bagay ay kusang natutunan." Sabi niya.

Napangiti ako sa mga sinabi niya sakin. Totoo na masyadong mataas si Dominic para maging katulad ko siya. Para maabot ko siya.

"I'm willing to help you Elisa. Gusto ko na tulungan mo ang sarili mo na i-angat ka. Hindi para kay Mr. Saavedra. Kung hindi para sayo, para sa sarili mo. Alam kong kaya mo Elisa. Natatakpan lamang ang kakayahan mo dahil sa mga humahadlang sayo."

Hindi ako agad nakasagot sa sinabi niya. Hindi ko alam na lalabas ang mga 'yon sa bibig niya. Guro ko siya, pero sobra pa doon ang ginagawa niya. Ramdam ko ang simpatya niya sakin. Ang sarap sa pakiramdam na may taong handang tulungan ka.

"S—Salamat Sir. Marco, salamat." Sagot ko.

"Wala 'yon. Basta pagbutihin mo. Okay?" Tumango ako.

"Oo. Para na din sa anak ko kaya ko gagawin ang mga sinabi mo."

Napatigil siya sa sinabi ko. Parang nagulat yata siya.

"M—may anak ka na?"

Tumango ako.

"Seryoso? Bakit hindi ko alam na may anak ka na pala?"

"H—hindi ba sinabi sa'yo?"

Umiling siya sakin tyaka napatawa.

"Hindi eh. Ang sabi lang sa'kin may asawa ka na at kailangan mo ng tutor."

Tumango naman ako.

"May anak na kami. 4 years old na siya."

"Gusto ko siyang makilala. Pwede ba?"

Napatingin naman ako sa kanya.

"Oo naman."

"Are you both done?"

Napalingon kami sa nagsalita.

"Dominic..."

The Ignorant Selfless Wife (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon