ELISA
Muli kong sinipat ang sarili ko sa salamin. Naka-soot ako ng floral dress na kulay sky blue. Nakakatuwa at alam ko na talaga ang tawag sa mga kulay. Kagaya nito.
Sinuklay ko ang buhok ko at nag-lagay ng lip gloss sa labi ko.
Pupunta ako sa opisina ni Dominic para kausapin siya. Tyaka, gusto ko kasi siya bisitahin. Nagluto din ako ng merienda para di na siya bumili pa sa labas.
Alam kong di maganda ang huli kong pagbisita sa kanya. Nasaktan talaga ko noon ng itaboy niya 'ko habang may kasama siyang babae. Pero, wala na 'yon sakin. Baka kaibigan niya lang naman kasi 'yon. Hindi niya naman na siguro ulit gagawin 'yon sa'kin.
Kung itataboy niya ulit ako, bahala na!
Matapos ko mag-ayos ay sinuot ko na ang sandals ko at bumaba. Naabutan ko si mama na katabi si Eric at tulog na.
"Saan ka pupunta anak?" Tanong nito sakin.
"Sa company po. Dadalawin ko lang si Dominic."
"Gusto mo bang samahan na kita?"
Umiling ako.
"Kaya ko na po. Paki-akyat na lang po si Eric sa kuwarto ko tapos tabihan niyo na lang po siya kung gusto niyo mag-pahinga." Sabi ko.
Ngumiti ito sakin.
"Sige anak. Mag-iingat ka." Tumango ako tyaka dumiretso sa kusina para ibalot ang niluto ko kanina.
👔👗
"Ito po ang bayad. Salamat po manong." Sabi ko pagka-abot ko ng bayad.
Dumiretso ako sa entrance at pumasok na.
Bumati ang ilan sa'kin.
Malamang ang ilan sa mga taga-dito na nag-tatrabaho ay natandaan ako. Dinadala kasi ako ng mommy ni Dominic. Si mama. Noong bago kami ikasal.
Nag-hintay ako na bumukas ang elevator.
Ng bumukas ito ay nagulat ako.
Kilala ko kasi ang lalaki na nasa loob.
Natatandaan ko siya. Siya 'yong lalaki na nag-tangka na tulungan ako sa mga bitbit ko noon.
"Oh, it's you!" Gulat na sabi nito.
Pumasok naman ako.
"How are you? Naalala mo pa ba 'ko?" Tanong niya.
Pinindot ko ang floor na pupuntahan ko tyaka tumingin sa kanya.
"Oo naman. Natatandaan kita. Kamusta?" Tanong ko.
"I'm fine. Saan ang punta mo?" Tanong niya.
"Sa asawa ko."
"Oh, what a caring wife visiting her husband. " Sabay tawa nito.
Ang lawak ng ngiti ko.
Naintindihan ko kasi.
"Salamat."
"What's your name?"
"Elisa."
"I'm Edward." Nakipag-kamay ako sa kanya.
"What a lovely name."
Ngumiti naman ako.
"Salamat ulit."
Biglang may tumunog tanda na nakarating na 'ko sa floor na pupuntahan ko.
"Una na 'ko." Paalam ko.
BINABASA MO ANG
The Ignorant Selfless Wife (BOOK 1)
General FictionKilalanin si Elisa. Isang asawa at ina. Sobra kung mag-mahal at walang ibang ginawa kung hindi mahalin ang anak nila ni Dominic. Ang lalaking walang ibang ginawa kung hindi saktan siya. Magawa niya pa kayang mahalin ang sarili, kung lahat na-ibigay...