ELISA
"Mama, kailan tayo pupunta sa Disney Land?" Lumingon ako sa anak ko.
Abala kasi ako sa pagluluto ng tanghalian namin. Bakasyon na din ni Eric.
"Hindi ko pa alam baby eh." Sagot ko.
Lumungkot ang mukha nito. Noong isang araw pa kasi siya nangungulit sakin. Nahihiya yata mag-tanong sa papa niya. Si Dominic kasi ang may hawak ng ticket.
"Wag na sad baby, makakarating din tayo doon. Busy lang kasi siguro si papa." Pag-alo ko dito.
Ngumuso siya sakin kaya napatawa ako.
"Wag na sad ha?"
Tumango naman ito sakin.
"Lola!" Sumigla ang itsura nito ng makita si mama.
Pero mas kapansin-pansin na parang di ito mapakali. Parang may pagaalala sa kanyang mukha. Ngumiti siya kay Eric.
"Lola saan ka po galing?" Tanong ng anak ko.
Ngumiti naman sa kanya si mama. Parang may mali. Para kasing may nangyari na di maganda.
Ano kaya nangyari? Madalas din ang pag-alis niya.
"May pinuntahan lang si Lola, apo." Sagot nito.
Tumango naman ang anak ko tyaka ito hinila paupo.
"Lola kain na po tayo. Nagluluto po si mama."
Tinapos ko na ang pagluluto para makakain na kami. Tinulungan ako ni mama maghain sa mesa.
"Yehey! Kakain na tayo!" Masiglang sabi ng anak ko.
Napatawa naman ako. Gustong-gusto kasi nito yung mga luto ko. Hindi naman sa pagmamayabang, pero nagugustuhan ng lahat ang luto ko. At kahit hindi aminin sakin ni Dominic, alam ko naman na gusto niya din ang mga niluluto ko. Nauubos niya kasi ang mga hinahanda ko.
Bata pa lang kasi ako noon ng turuan ako ni mama na magluto. Gusto niya na ako ang kumikilos noon. Pinalaki niya 'ko sa mga ganoong paraan.
Pinanood ko sila kumain.
Tumingin ako kay mama na di ginagalaw ang pagkain. Nakatingin kasi siya sakin.
"M—may problema po ba?" Tanong ko.
Umiling si mama at tyaka sumubo ng pagkain. Kumunot ang noo ko.
Para talagang may mali.
👔👗
"Anak, ako na dyan." Pigil sakin ni mama habang kinukuha ko ang mga plato.
Katatapos lang namin kumain.
Nasa sala na ang anak ko dahil tiyak na manunuod ito ng paborito niyang cartoons.
Dinala ko ang mga pinag-kainan namin sa lababo.
"Saan po ba kayo nag-pupunta?" Tanong ko.
Umiling lang siya sakin tyaka tumalikod at pumunta sa lababo.
"May tinatago po ba kayo sa'kin?" Napatigil ito.
"Ayoko po sana na mawalan ako ULIT ng amor sa inyo." Sabi ko.
Lumingon siya sakin.
"Anak, wala akong tinatago sa'yo." Sabi nito.
Tinitigan ko siya.
Bakit ganoon? Parang di ako naniniwala sa kanya dahil may pakiramdam ako na nag-sisinungaling siya sa'kin.
"Sige na anak. Wala ka bang tutorial ngayon?" Tanong nito sakin.
"Bukas pa po."
"Kamusta naman?"
"Ayos lang po."
"Mabuti naman anak. Sorry anak." Sabi niya.
Alam ko naman kung para saan ang sorry niya.
"Wala na po sa'kin 'yon. Ang mahalaga, natuloy din ang gusto kong mangyari." Ngumiti siya sakin.
"Tiwala ako na magagawa mo anak."
Tumango lamang ako.
"Ako na ang bahala dito. Samahan mo na si Eric doon." Sabi nito.
Tiningnan ko muna ulit siya bago ako umalis sa kusina.
Alam kong may mali.
👔👗
Panay ang sulyap at pagbabantay ko sa bawat kilos ni mama habang nandito ako sa sala kasama si Eric. Gusto ko kasi malaman kung may tinatago nga siya sa'kin. Aminin ko man o hindi, may parte na kasi sakin na handa siyang patawarin. At ayokong maudlot at pagsisihan 'yon kung sakali.
"Mama, look oh! Si Mickey mouse!" Turo ng anak ko sa TV.
Disney Channel.
Napangiti ako ng mabasa ko ang nasa baba.
"Mama, diba siya 'yong nasa Disney Land?" Tanong ng anak ko.
Tumango na lang ako.
Hindi pa naman kasi ako nakakarating doon.
"Oo anak. Nandoon si mickey mouse." Sagot ko.
"Mama, punta po tayo doon ah! Please!" Paglalambing niya sakin.
Napatawa naman ako tyaka niyakap ang anak ko.
"Opo. Kakausapin natin si papa." Sagot ko.
"Yehey! Excited na 'ko mama!"
"A—ako din." Nag-angat ito ng tingin sakin.
Ang gwapo talaga ng anak ko.
"Bakit?" Tanong ko.
"Pagdating ni papa mamaya, sabihin mo po agad ah?"
Napatigil ako.
"M—mamaya agad?"
Tumango ito ng sunod-sunod.
"Baka pagod siya. Bukas na lang anak."
"Mamaya na mama! Tapos bukas ulit, para po di niya maka-limutan."
"Oo, sige."
Nako po, paano ko sasabihin kay Dominic?
Tumingin ako sa orasan.
Maaga pa.
Pupunta na lang siguro ako sa opisina niya.
👔👗
DOMINIC
I was busy reading emails when my secretary arrived.
"Sir, someone is looking for you." I lift my head and wrinkled my forehead.
"Who?"
"Les—"
"Hi, babe! I missed you." I was surprised when she suddenly appeared.
"What are you doing here?" She sits on my lap.
"Why you're still here? Leave us alone!" She yelled at my secretary.
"I'm sorry ma'am, Sir." Sabay alis nito.
"I missed you, babe." And she kissed me.
Damn it!
BINABASA MO ANG
The Ignorant Selfless Wife (BOOK 1)
General FictionKilalanin si Elisa. Isang asawa at ina. Sobra kung mag-mahal at walang ibang ginawa kung hindi mahalin ang anak nila ni Dominic. Ang lalaking walang ibang ginawa kung hindi saktan siya. Magawa niya pa kayang mahalin ang sarili, kung lahat na-ibigay...