Chapter 51

39.5K 851 62
                                    

ELISA

Nasa loob ako ng kuwarto habang hinihintay ko si Dominic na pumasok dito sa kuwarto. Dito na kasi siya natutulog simula ng magka-ayos kami. Si mama naman ay doon na sa isang kuwarto natutulog.

"Mama." Kalabit bigla sa'kin ni Eric na nakahiga na. Nakaupo lang ako habang nakasandal sa headrest ng kama. Akala ko kanina pa siya tulog. Alas-nueve na kasi.

"Bakit? Tulog ka na baby." Sabi ko at hinaplos ang gwapo nitong mukha at inalis ang mga nakaharang na buhok sa mukha niya.

"I can't sleep."

"Bakit?"

"N—nothing mama." Sabay pikit nito. Napatawa naman ako.

Ilang saglit pa ay nakatulog na din siya. Lumabas ako ng kuwarto at pinuntahan si Dominic sa opisina niya. Ang alam ko kasi ay may tinatapos siyang report.

Nakabukas ang opisina niya kaya pumasok ako. Naka-upo ito habang may suot na sa salamin sa mata. Lumakad ako ng dahan-dahan at umupo sa harapan niya. 'Di niya 'ko napansin dahil busy siya.

"Dominic." Napatingin siya sa'kin.

"Elisa." Ngumiti ako sa kanya at tumayo ako.

Pumunta ako sa likod niya at niyakap siya. Hindi na 'ko nahihiya na gawin ito sa kanya.

"Bakit 'di ka pa natutulog?" Tanong niya.

"Hindi ako makatulog. Patapos ka na ba dyan?" Tanong ko.

"Hindi pa. Marami pa 'to." Sabi niya. Tumango naman ako.

"Gusto mo tulungan na kita?" Presinta ko.

Tumingin siya sa'kin at hinalikan ako.

"No, it's alright. Matulog ka na. Susunod ako pagkatapos ko. Okay?"

Bumitaw ako sa kanya.

"Good night." Sabi ko.

"Good night, baby." Napatawa naman ako bago ako lumabas.

Pumasok na 'ko sa kuwarto at humiga na. Medyo inaantok na din ako kanina pa. Kanina ay tinawagan ko ang number ni Erich kaso 'di naman niya sinasagot. Baka hindi na 'yon ang number niya dahil hindi 'to nagri-ring. Kaya sinoli ko na lang ang cellphone kay Dominic.

Tumihaya ako at tumitig sa kisame. Sa susunod na buwan ay kaarawan na ng anak namin. Hindi ko pa alam kung ano ang magiging theme. Hindi ko kasi alam kung ano ba talaga ng paborito ni Eric. Kanina kasi ay tinanong ko siya bago siya matulog. Ang dami niyang sinabi. Halos lahat ng napapanood niya ay gusto niyang nandoon sa birthday niya.

Ipinikit ko na ang mga mata ko hanggang sa makatulog na 'ko.

👔👗

"Elisa anak, gising." Nagising ako sa mahinang pagtapik sa'kin ni mama.

Idinilat ko ang mga mata ko at humarap sa kanya.

"Bakit mama?"

"May bisita ka."

"Sino po?"

"Ang mga magulang ni Dominic. Nandyan sila sa baba." Napabangon naman ako bigla.

"K—kanina pa po?" Tanong ko.

"Hindi naman. Kararating lang nila. Nandoon na si Eric at nakikipag-tuwaan sa lolo at lola niya."

"Magbihis ka na anak. Hihintayin ka na lang namin sa baba."

"Si Dominic po nasaan?"

"Maaga siyang umalis kanina. Hindi ka na niya ginising dahil masarap ang tulog mo. Ako ang naghanda na almusal nila ni Eric kanina." Sabi niya.

Tumango naman ako at umalis na sa kama.

"Susunod na po ako mama. Mag-aayos na po muna ako. Nakakain na po kaya sila?"

"Naipaghanda ko na sila. Nakakain na din sila."

Ngumiti ako sa kanya.

"Salamat mama."

"Oh siya, sige! Bababa na 'ko." Sabi niya tyaka lumabas ng kuwarto ko.

Dali-dali naman akong pumasok sa banyo at nagsimula ng maligo.

👔👗

"Elisa, my darling! How are you?" Bungad sa'kin ni mama pagkababa ko. Yumakap ako sa agad sa kanya.

Na-miss ko siya!

"Okay lang po ako mama. Kayo po?" Tanong ko.

"We're good hija. Halika at maupo na muna tayo."

Napatingin naman ako kay papa na naka-ngiti sa'kin. Noong una ay takot ako sa kanya kasi nakapa-seryoso niya. Pero mabait naman pala siya.

"Hi po, papa." Bati ko pagka-upo namin.
Ngumiti siya sa'kin.

"Hello dear." Sabi nito. Ngumiti naman ako.

"Kamusta kayo? Your mom is so lovely like you! Katulad mo ay mabait din siya. Look, pinaghanda niya pa kami." Turo ni mama sa mga niluto ng aking ina.

Napangiti naman ako.

"Salamat po mama."

"No problem! Wait, where's Eric? Kanina ay kasama natin siya ah. Daddy, where's our apo?" Tanong nito kay papa habang hinahanap si Eric.

"He's outside. Naglalaro siguro ang bata." Sabi ni papa.

"Oh, I see." Sagot naman ni mama.

Tumingin siya ulit sa'kin.

"I've heard that you're doing well." Sabi ni papa.

Tumango naman ako.

"Opo, papa."

"How's my son? Is he good to you?"

"Derick?!" Saway naman sa kanya ni mama.

Napatawa naman ako. Alam kasi nila na 'di kami okay ni Dominic noong ikasal kami.

"Okay lang po mama. Okay na po kami." Masayang sabi ko.

"Are you sure?" Tanong ni papa.

Ngumiti naman ako at tumango.

"I can see that she's happy, daddy. Hindi katulad noong una." Sabi ni mama.

"Well, that's good hija. Dahil kung hindi ay lagot sa'kin ang asawa mo."

Nanlaki naman ako ang mata ko sa sinabi ni papa.

"Derick?! Tinatakot mo si Elisa." Matawa-tawang sabi ni mama.

Napatawa din ako ng bahagya.

"Papa, ayos na po kami ni Dominic. S—sweet na po siya sa'kin." Sabi ko.

Ngumiti naman si mama.

"Really?! Oh, you see daddy? They're now lovers." Sabi naman ni mama.

Napayuko naman ako.

Lovers?

"It's good to hear that then. But Elisa, always remember this." Tumingin ako kay papa.

"A—Ano po 'yon papa?"

"Sugar melts." Makahulugan na sabi niya.

Kumunot ang noo ko.

Anong ibig niyang sabihin?

The Ignorant Selfless Wife (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon